13

0 0 0
                                    


𝐀𝐌𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.

Nakaburol na ngayon dito si daddy, hindi pa ako handang makita syang nag papahinga sa kabaong kaya nag kukulong ako sa kwarto at hindi ko sinubukan lumabas

"Sweetheart, pwede ba akong pumasok" Kumatok si mommy sa pinto ng kwarto ko

"Yes, po"

Pumasok ito sa kwarto ko at isinarado din iyon

"Kumain ka naba?" Umiling ako bilang sagot "let's eat?"

"Wala po akong gana" pilit akong ngumiti

"Sweetie, magkakasakit ka nyan"

"Kakain nalang po ako kapag nagutom ako" Saad ko "mag papahinga po muna ako" malamig na sabi ko bago nahiga. Tumalikod ako sakanya ng higa saka nag balot ng kumot

"Sige, bababa muna ako para mag asikaso" hindi ako kumibo hanggang sa marinig ko ang pag sarado ng pinto

Aaminin ko, malaki ang tampo ko kay mommy at daddy. Kahit may trahedya na nangyari, hindi ko maiwasang mag tampo sa kanila

Humagulgol ako ng iyak dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, nawalan na ako ng gana sa lahat. Hindi na din ako pumasok ngayon dahil sa nangyari

Kahit hindi pa ako handa makita si daddy, ay pinilit ko ang sarili ko, dahil kahit manlang sa burol ni daddy makita ko sya

Pagbaba ko nakita ko na madami ang tao ngayon, nasa gilid si mommy at may kausap sya. Hindi ko iyon pinansin at dahan dahan lumapit kay daddy

Para akong matutumba habang palapit sakanya, pinipigilan ko ang mga luha ko na gusto ng tumulo

Nang makalapit ako kay daddy, nakita ko ang maamo nitong muka na nakapikit. Para lang syang natutulog

"Ang daya mo dad, you promised me...ang sabi mo hindi mo ako iiwan diba? akala koba babawi ka sakin?" Mahinang sambit ko habang nakahawak sa kabaong nya "but i promised dad, ipaghihiganti kita sa taong pumatay sayo" ikinuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman sa lalaking pumatay sa daddy ko

Umalis na din ako agad para pumunta sa mga kaibigan ko, nag chat kasi sila na nasa condo daw sila ni sevi. Ayaw ko din naman na umiyak sa harap ng maraming tao, gusto ko kapag nasa harap ako ng maraming tao malakas ako!

"Condolence, Amy" Saad ni sevi at tinapik ang balikat ko

"Salamat sev"

"Nahuli naba ang pumatay kay Tito?" Tanong ni yana

"Hindi pa"

"Anong plano mo?"

"Hanapin ang gumawa non kay daddy, at bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nya"

"Wag mong ilagay sa kamay mo ang batas, Amy" nag aalalang sabi ni yana

"Buhay ang kinuha nila, buhay ang kapalit" seryosong sabi ko

"Mapapahamak ka lang sa gagawin mo" wika naman ni kate

"I don't care, Kate."

"Hayaan nalang natin ang batas dyan, wag mong ilagay sa panganib ang buhay mo" Saad ni sevi at hinawakan ang kamay ko

"Pero sev, buhay ng daddy ko yung kinuha nila!" Sigaw ko at napatayo "ipaghihiganti ko si daddy, gaganti ako sa Ayala Stellar!"

Ang Ayala Stellar lang ang hinala kong gumawa non sa daddy ko, sila lang naman ang may galit kay daddy at gustong magpabagsak sa kompanya namin.

"Amy, tandaan mo buhay mo ang nakasalalay sa gagawin mo!" Pagsingit ni kenzo

"Nung pinatay nila si daddy, parang pinatay na din nila ako!"

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now