27

3 1 0
                                    

May mga nag babantay sa akin ngayon, pero nakatalikod sila at nag mamasid sa buong paligid.

Dali dali kong inabot ang maliit na kutsilyo gamit ang bibig ko na nasa paa ko, mahaba ang suot kong dress lampas sa paa ko kaya hinding hindi nila makikita ang mga nakatago kong armas ko

Medyo makapal din ang tela ng suot ko, nang makuha ko ang kutsilyo iniayos ko lang at kamay ko at saktong pag bitaw ko sa kutsilyo nasalo ko 'yon

Dahan dahan kong hinihiwa ang lubid na nakatali sa kamay ko, pinag mamasdan ko lang ang tatlo habang plinaplano ko sa isip ko kung ano ang gagawin

Nang matanggal ko ang tali, dahan dahan akong nag lakad paalis. Hindi ko kaya ang tatlong lalaki dahil malalaki ang katawan ng mga ito

Hinubad kona ang suot kong dress, naka all black ako habang nakikita na ang mga baril sa hita ko

Dali dali akong nag lakad papunta kung nasaan si kiro at ng ama nya, bawat dadaanan ko sinisilip ko muna dahil baka nag kalat ang mga tauhan nila

Nasilip ko si kiro na nakatalikod kasama ang Daddy nya na nag uusap, nag mamadali akong pumunta sa kanila at saka tinutukan si kiro ng baril

"Don't move" pag babanta ko sakanya

Hindi ito nakinig at humarap sa akin, nakangisi lang ito at parang hindi takot mamatay

"Put your gun down!" Wika ng daddy nya saka itinutok sa akin ang baril

"No, You put your gun down" rinig ko ang boses ni mommy na papalapit sa amin habang nakatutok ang baril nito sa daddy ni kiro

Napatingin naman ako sa hinugot ni kiro na baril, saka na ito itinutok kay mommy

Ang posisyon naming apat at nag tututukan ng baril, puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon

Agad inilapit ni kiro ang baril sa akin, at itinutok nya yun sa ulo ko

Nag tutukan din naman ng baril si mommy at ang daddy ni kiro

"Mag babayad kayo sa lahat ng ginawa nyo!" Galit na sabi ko

Tumingin ako ng diretsyo kay kiro at parang may gusto syang sabihin sa akin na hindi nya masabi sabi

"Hindi ako ang pumatay sa daddy mo, at lalong lalo na hindi ang daddy ko"

"Sinungaling!" Sigaw ko

"Stop Amy! We didn't kill your dad, at alam namin kung sino ang nag papatay sakanya!" What? Naguguluhan na ako!

"Then who?!"

He look at my mom, at si mom naman biglang nakaramdam ng takot. No! Hindi si mom

"Why are you looking at me, ha?" Tanong ni mommy

"M-mom?" Utal na tawag ko sakanya

"No Amy! I d-didn't kill your father! Wag kang maniwala sa kanila! I'm your mom, sa akin ka lang maniwala!"

"Stop it corazon! You're not Amy's mother, matagal ng patay ang ina ni amythyst!" Nagugustuhan akong tumingin sa daddy ni kiro

Ang kaninang nakatutok sa akin na baril ni kiro ay ngayon ay nakatutok na kay mommy, habang ako naman ay nabitawan ko ang hawak kong baril

"What do you mean?" Tanong ko at hindi ko parin pa pro-proseso sa utak ko ang ibig nilang sabihin

"Si Amanda ang tunay mong Ina Amy, namatay sya noong pinanganak ka. At nag asawa ulit ang daddy mo para may tumayong Ina sa tabi mo, hindi nya ipinaalam sa'yo ang totoo dahil ayaw nyang malungkot ka" nagulat ako sa sinabi ng daddy ni kiro. Pero nangangamba pa rin ako

MY STUPID BOYFRIEND [Senior High Series 1]Where stories live. Discover now