BEATRIX MAVIS
·····FLASHBACK·····
"Mga girls, what if labas tayo? Party-party!" suhestiyon ni Paui habang nakangisi.
"Sino magbabantay kay Xie kung lalabas tayo?" tanong ko habang inaayos ang laruan ng anak ko.
Hindi namin pwedeng iwan si Xie kay Inang dahil bawal siyang mapagod o magpuyat.
"Yung mga aso, okay na?" sarkastikong sagot ni Paui, sabay irap.
Babatuhin ko na sana siya ng tsinelas, pero naunahan na ako ni Vien.
"A-ouch! Pag talaga ako nagka-amnesia sa ginagawa niyo, ha!" arte ni Paui habang hinihimas ang ulo niya.
"Deserve mo 'yan," sagot ni Vien, sabay irap.
"Iwan natin si baby kay Mader. Namimiss na rin niya si bebe girl," dagdag pa ni Paui habang hawak pa rin ang ulo niya.
"At isa pa, mga Dai, need niyo rin mag-refresh! Wag puro trabaho, ha! Need rin nating lumandi! Rawr!"
Natawa na lang kami sa sinabi niya.
"Ate, matalinong bata si Xie. Kahit noong three pa lang siya, marunong na siyang tumulong sa’yo. Lalo na ngayon na five na siya," pangungumbinsi ni Vien.
"Baby, dun ka muna kay Nay Cora, ah?" sabi ko kay Xie habang inaayusan siya.
"Why, Mommy? Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
Pumasok si Paui at agad siyang kinandong.
"Hahanapan namin ng boyfriend ang Minang Yen mo," natatawang sabi nito.
Gusto mang batuhin ni Vien si Paui, nagpigil na lang siya dahil andito ang anak ko.
"Talaga po?" parang amazed pa si Xie, sabay tingin kay Vien na nag-aayos ng buhok. Nginitian siya ni Vien.
"Oo, bebe girl! Kaya dapat payagan mo si Mommy mo na sumama sa amin para makahanap kami ng para kay Minang Yen mo," dagdag ni Paui.
"O sige po! Sana po mabait at gwapo!" sagot ng anak ko.
Napangisi na lang ako at napailing.
PAGKALABAS NAMIN ng bahay, agad na pinagbabatukan ni Vien si Paui, pero imbes na magreklamo, tumawa lang ang bakla.
Sumakay kami sa isang kotse ko. Hindi naman ito sobrang mamahalin, pero hindi rin second-hand.
Nagtalo pa kami kanina ni Paui dahil sa pinasuot niya sa amin—lahat kami may slit sa hita at litaw ang cleavage! Parang isang maling kilos lang, kita na lahat!
Nang makarating kami sa bar, agad kaming pumasok. Naupo ako sa bar counter habang pinapanood ang bartender na naghahalo ng iba't ibang alak.
Si Paui naman, hindi na nag-aksaya ng oras—diretso sa grupo ng mga lalaki at pasimpleng umupo sa tabi nila. Si Vien naman, pumunta sa kakilala niyang andito rin.
Ako? Nanood lang.
Pinagmamasdan ko ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor, mga umiinom at nagyoyosi, at may ilan pang naghahalikan na parang wala nang bukas. Ewan ko kung tama bang pumayag akong sumama sa plano ni Paui.
Nakailang baso pa lang ako ng alak nang bigla kong maramdaman na parang may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, pero wala naman akong nakita.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
