(184) August 25, 2020

69 7 0
                                    

Isa

Tahimik na tinutubigan ni Miara ang mga halaman sa harap ng kanilang bahay nang makarinig siya ng sigaw mula sa may gate.

Miara turned off the hose and turned to the gate. Nanlaki ang mga mata niya at napatili nang makita ang isang kaibigan.

"Isa!"

"Ate Miara!"

Mabilis na binuksan ni Miara ang gate at saka niyakap si Isa. Napatalon-talon pa silang dalawa dahil sa tuwa.

Isa helped Miara water the plants while they catch up. Matagal nang nandito sa probinsya si Isa ngunit ngayon lang talaga nakabisita dahil bantay-sarado raw.

Sa gitna ng pag-uusap nila ay dumating si Primo. Nagulat pa si Isa at nabitawan ang hose kaya nabasa ang mga paa nila ni Miara.

"Gwapo!" Isa mouthed with wide eyes. Pero nang humarap kay Primo ay biglang naging demure.

"Hi, Isa," Bati ni Primo sabay kaway.

Pagkatapos makipagkamustahan kay Isa ay pumunta ito sa tabi ni Miara at mabilis na ipinalibot ang isang kamay sa baywang nito.

"Do you have plans for today? They're inviting you for lunch," Primo said with a small smile.

For some reason unknown to Miara, Primo's eyes never left her. Alam niyang hindi naman creepy ang lalaki ngunit nako-conscious na siya. Baka may kung anong dumi na pala sa mukha niya.

Natigil lang ang pagtitinginan nilang dalawa nang marinig ang impit na tili ni Isa.

"Ali, I met Kuya Pogi again! Ang pogi niya talaga, Ali!" Napatingin si Isa sa kanilang dalawa at nagngiting-aso. Mukha siyang nahihiya ngunit patuloy pa ring kinausap si Ali.

"Invite her too," bulong ni Primo habang ang mga mata ay nasa kay Isa na patalon-talon pa. Bumaling ulit siya sa dalawa at nagngiting-aso lang ulit.

"Ikaw na... para naman madagdagan ang listahan ng mga kinakausap mo," natatawang sagot ni Miara at niligpit na ang hose.

Primo frowned at her but Miara smiled cutely. Dahil doon ay nawala ang simangot ni Primo at napalitan ng pinipigilang ngiti.

"Hey, Isa—"

"Yes na yes! I do kaagad!" Sabay na nanlaki ang mga mata nina Isa at Primo nang sumigaw si Ali mula sa phone ni Isa.

"Gago, Ali, narinig ka!" Pagkatapos niyon ay pinatay na ni Isa ang tawag at nagngiting-aso ulit kay Primo.

"Yes agad, Kuya Pogi."

Napailing-iling na lang si Miara sa narinig at nakita. Primo looks confused but nodded anyways. Siguradong nalilito siya dahil umoo na kaagad si Isa kahit hindi pa narinig ang sasabihin.

Pagkatapos mag-ayos ay sabay silang tatlo na pumunta sa bahay nila Primo.

"I'm sorry I didn't bring a car," Primo said apologetically. Mainit kasi at kanina pa nagpupunas ng pawis si Isa.

"Medyo mainit, Kuya, pero okay lang... alam kong sinadya mo para ma-solo mo si Ate Miara." Kumindat si Isa at napatabon pa ng mukha, kunyare kinikilig, para tuksuhin si Primo. "Gusto mong mauna ako?"

Primo shook his head and pulled Isa's wrist. Tatakbo na sana ito palayo ngunit mabilis siyang nahawakan ni Primo.

"Sus..." ani Isa sa nanunuksong tono.

Primo turned to Miara with a helpless look. Natawa na lang si Miara dahil sa dalawa.

"This is not a house! Mansion 'to eh!" Si Isa.

Miara's Mistakes: Part TwoWhere stories live. Discover now