(276) - September 24, 2020

47 6 2
                                    

Inez Savatier

Maagang nagising si Miara. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi na lang pinilit ang sarili at bumangon na lang.

She spent the morning tending to the garden and watered the plants. Hindi naman siya mahilig sa mga ganito katulad ni Primo pero wala na talaga siyang maisip na pwedeng gawin.

She was in the middle of watering the plants when a familiar figure appeared on their gate. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pinagbuksan ang bagong dating.

"Hi, Miara..." Inez Savatier greeted her with a smile. May dala itong isang basket ng mga prutas na sigurado si Miara ay imported pa.

Pinapasok niya ang ina ni Primo at saka sila naupo sa may garden. Hindi pa masyadong mainit ang sinag ng araw at malamig din ang hangin.

Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng ina ni Primo rito ngunit pinilit niya ang sarili na kumalma. She's worried about her intentions but she chose to hope for the best.

Alam niyang gusto nito si Cleo para kay Primo. Kaya kahit nakangiti pa ito sa kaniya ngayon ay hindi niya mapigilang kabahan.

"You must be wondering why I'm here..."

Dumoble ang kabang nararamdaman niya at dahil doon ay hindi niya na napigilan ang sarili. "Kung mag-o-offer po kayo ng limang milyon para layuan ko si Primo, pass po—"

Sabay na nanlaki ang mga mata nila. Mukhang katulad ni Miara ay nagulat din ang ina ni Primo.

Napatabon siya ng bibig at nag-iwas na lang ng tingin dahil sa hiya. Ngunit ang hindi inaasahan ang nangyari—Inez Savatier laughed. It's not the mischievous and evil kind of laugh. It's like she heard the funniest joke to ever exist. Pero kahit ganoon ay napaka-elegante pa rin pakinggan.

"Actually, it's the opposite, Miara," she finally said after recovering from the laughter. Nagulat pa si Miara nang hinawakan nito ang balikat niya at marahang pinisil. "I want to thank you for being Ahia Primo's... sandalan..."

Miara was taken aback. It's like her hopes and silent prayers were heard and now this is happening.

"I know that you know about my ongoing divorce. And I know that you know that Primo's affected by it... but I'm glad that he has you, Miara."

Hindi na nga makapaniwala si Miara sa mga naririnig ngunit mas nadagdagan pa ang gulat niya nang makitang maluha-luha na ang ina ni Primo.

She's startled to see Inez Savatier crying. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. They're not that close for her to comfort her. But it would also be heartless of her to just look and stare.

Napansin siguro ng isa ang pagkataranta niya at natawa na lang. biglang nabawasan ang pag-aalala ni Miara dahil doon.

"You know, despite the stressful and difficult meetings, Ahia gets to smile," she shared while smiling at Miara. "Especially when he's typing on his phone. Or when he excuses himself after dinner to call you!"

Napangiti na rin si Miara dahil sa narinig. And it's even more overwhelming and meaningful because the words are from Primo's mother.

Matutuwa pa rin naman siya kahit sa ibang tao niya 'to maririnig. Pero iba talaga dahil sa ina mismo nito nanggaling. It's from his mother who she never thought will ever speak to her this way.

"He's always enthusiastic when you're involved... so jolly. So different from the silent and calm—and sometimes intimidating—boy we raised."

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napangiti. "Thank you, Miara... and I'm sorry for all the trouble. Leave all these dramas to me. It's my turn to help."

Sandali pang nanatili ang ina ni Primo lalo na't naabutan ito ng ina ni Miara at inaya na lang na mag-breakfast kasama nila. Miara texted Primo about his mother's whereabouts. Anito na pagkatapos mag-agahan ay pupuntahan siya nito. But when she told him that she's with his mother, his mind changed quickly.

"Hindi! It's okay, Primo! We're okay, promise!" Miara assured. Napangiti naman siya nang suminghal si Primo na para bang nakahinga na nang maluwag. "We're okay! Punta ka rito pagkatapos mo riyan. No rush!"

Sandali pa silang nag-usap bago nito binaba ang tawag. Ilang beses pa siyang pinaalalahanan na i-update niya ito sa kung ano man ang mangyari.

"Miara," tawag sa kaniya ng ina ni Primo. "I'm sure Ahia will tell you this but I also want to invite you... we're going to the beach tomorrow and I want you to be there."

Nginitian siya nito bago nagpaalam sa ina at kapatid niya. Medyo naninibago pa siya sa pakikitungo nito sa kaniya pero mas mabuti nang ganito kaysa sa hindi siya nito pinapansin.

Sinamahan niya ito papunta sa may gate. Ngayon lang din nakita ni Miara ang tatlong bodyguards na nag-aantay sa labas.

"And Miara," Inez Savatier called again. Nilingon niya si Miara at muling lumapit. "Please call me Tita Inez... but only if you're comfortable."

Bago pa siya makaisip ng isasagot ay niyakap na siya nito at muling nagpaalam bago umalis.

Miara's Mistakes: Part TwoWhere stories live. Discover now