(278) - September 25, 2020

333 9 0
                                        

Epilogue

"Ahia! Where you going?!" Pahabol na tawag ni Ciara at tumakbo papunta kina Miara at Primo. Ngunit nang tinaas ni Primo ang isang kamay ay tumigil ito. Napasimangot na lang ang isa bago bumalik sa cottage nila.

Miara chuckled and playfully slapped Primo's shoulder. Dapat ang lalaki ang makaramdam ng impact ngunit parang ang palad pa niya ang sumakit.

"What?" Primo chuckled with a shrug. Patuloy silang naglakad sa dalampasigan, palayo sa cottage nila kung nasaan ang mga pinsan nito. "I need some time with my Miara naughty. Is something wrong with that?"

Inosente naman ang pagkakasabi ni Primo ngunit iba ang epekto niyon kay Miara. Kung kaibigan niya lang ang kasama niya ay malamang nahampas niya na ito dahil sa kilig.

They stopped walking when they reached the farthest part of the beach. May rock formation doon at isang malaking keyhole.

Primo doesn't seem like a photoshoot kind of person but he couldn't say no to Miara. Alam ni Miara iyon at alam niyang hindi kailanman magrereklamo ang lalaki. Alam niyang mas gusto ni Primo na maglakad-lakad habang nag-uusap ngunit pinaunlakan siya nito.

"Let's take a photo too," pag-aya ni Primo at nilabas na rin ang phone nito. "Let's take a selfie, please?"

Kunyare napipilitan si Miara pero ang totoo ay sumasayaw na ang kalooban niya. Sino ang tatanggi sa selfie offer ni Primo? Ni hindi nga 'yon nagse-selfie nang mag-isa!

They stood beneath the arch of the keyhole as she took more photos. Si Primo naman, sa kaniya lang nakatitig at pilit niyang 'wag pansinin iyon.

She only stopped pretending to be oblivious to his stares when he reached out to her cheeks. Pinalandas nito ang hintuturo sa kaniyang pisngi.

Sandaling napapikit si Miara, dinadama ang hawak nito. "What is it?"

Primo smiled but still sighed. He bent down and kissed the tip of her nose. Napasinghap naman si Miara dahil sa gulat.

"I'm sorry... I really am..."

Si Miara naman ngayon ang napasinghal. "Alam mo, kung binigyan mo ako ng piso tuwing nagso-sorry ka, mayaman na ako!"

Hindi niya na mabilang kung ilang beses nang nag-sorry ang lalaki sa kaniya. Hindi niya naman ito sinisisi ngunit parang nagi-guilty talaga ito dahil sa ginawa ni Cleo. It's not his fault that Cleo is head-over-heels for him.

Napangiti naman si Primo at napailing-iling pa. Napangiti rin si Miara dahil doon. She couldn't help but think that she is his personal happy pill.

"Maybe I should do that—"

"Ah! Hindi!" She cut him off. Alam niya na ang sunod na sasabihin nito. Lowkey sugar daddy rin kasi si Primo kung bigayan lang ang pag-uusapan. "Gusto kong magbiro pero alam kong seseryosohin mo. Baka isang-libo pa ata eh..."

Napahalakhak ulit si Primo. Habang nanliliit ang mga mata niya sa katatawa, mabilis na binuksan ni Miara ang phone at kinuhanan ito ng litrato. Gagawin niya 'yong wallpaper niya.

"Let me just treat you then... how about that?" He said as if negotiating with her. "I don't want you to spend a dime when you're with me."

Miara couldn't help but think about how wealthy Primo must be to say that. Alam niyang seryosong alok iyon dahil hindi ito ang tipo na magsasabi nang ganoon para magpabibo.

Instead of waiting for her reply, he kissed the tip of her nose again. "But I really am sorry, Miara..."

"Oh, one point! Gusto ko ng bagong phone!" Miara joked. She wants him to let go of what happened but he can't seem to move on. 'Di hamak ang pag-aalala nito sa kaniya, lalo na sa kalagayan ng ilong niya dahil 'yon ang natamaan ni Cleo.

Miara's Mistakes: Part TwoWhere stories live. Discover now