(267) - September 23, 2020

231 10 2
                                        

Chaos

Miara and Primo were both startled by the sudden alarm. Nakalimutang baguhin ni Miara ang alarm kaya heto sila ngayon, gusto pang matulog ngunit gising na ang diwa.

"It's alright, siesta na lang later?" Magulo ang buhok ni Primo ngunit nanliliit na ang mga mata dahil sa ngiti. Kahit halatang kulang sa tulog ay maaliwalas ang mukha nito.

Miara nodded and propelled herself forward. He quickly caught her for a hug. Inayos ni Miara ang kaniyang pagkakaupo para maayos na mayakap pabalik ang lalaki. Sobrang kumportable ng posisyon nila at gusto niya na lang matulog ulit.

It was only when the door sprung open that the two let go of each other. Napasinghap ang ina ni Miara nang makita sila ngunit agad ding sinara ang pinto.

Napailing na lang si Miara at umalis na sa kama. Hindi na siya magugulat kung pagsasalitaan na naman siya nito mamaya. She's even surprised that she didn't nag her in front of Primo. Mas nakakagulat na umalis ito kaysa sa pagalitan siya.

"Go shower first," ani Miara at pinatayo na rin si Primo para maayos niya ang kama. Ngunit bago pa siya may magawa ay hinawakan na nito ang palapulsuhan niya.

"What's with the frown? Hmm?" Primo asked as he tried to catch her eyes but she's adamant in avoiding his gaze.

Imbes na sumagot ay pinili na lang ni Miara na ayusin ang kama. Primo was silent behind her, probably observing her.

Ang plano niya ay haharapin niya ang ina niya habang naliligo ang lalaki. Her mother already talked to Primo before and discouraged him... and it was embarrassing and pitiful on her part. Ayaw niya nang maulit iyon.

"Primo..." napasinghap siya nang maramdaman ang mga braso nito sa baywang niya. She heaved a deep breath before allowing herself to rest on his chest.

She felt the worry and tension slowly dissipating. Ang gaan sa loob. At ang saya sa pakiramdam na may masasandalan siya.

"Go shower first. Ako na ang bahala rito," he said in between the kisses he showered her shoulder.

Parang biglang nakalimutan ni Miara ang inaalala dahil sa ginagawa ni Primo. She's now distracted with the way his soft lips touch her skin. It's ticklish and intoxicating and she couldn't help but tilt her head to the side, giving him more access to her shoulder and neck.

"Shower well, Miara." He planted the last kiss on the curve of her neck, then leaving her to fix the bed.

Si Miara naman ay nanatiling nakatayo at tulala. Parang wala lang sa lalaki ang nangyari ngunit siya naman ay hindi na alam ang dapat na maramdaman. Nag-iinit na ang kaniyang katawan kaya mabilis siyang pumasok sa banyo.

Pagkatapos niya ay sumunod si Primo. She took the time while he was in the shower to go downstairs and face her mother. Naabutan niya itong nag-aayos ng hapag kasama ang kapatid niya.

"Ate Mai?" Gulat niyang tanong. Nginitian siya ng kapatid at saka niyakap.

Miara turned to her mother, her chest suddenly feeling all cold and emotionless. Hindi na siya natatakot sa ina ngunit ayaw niya lang talagang ipahiya siya nito sa harap ni Primo. She doesn't care if she nags at her, as long as she does it after he leaves.

"Don't worry, I didn't do something to ruin his precious name!" Hindi na napigilan ni Miara ang sarili lalo na't panay ang sulyap sa kaniya ng ina. She can no longer stand her silent glares.

Napaubo-ubo naman ang kaniyang ina na ikinagulat niya. She expected her to start her long sermon. But instead, her mother looked nervous.

"He... Primo told us, don't worry." Hindi ito makatingin sa kaniya at ipinagpatuloy lang ang paghain ng mga pagkain.

Miara's Mistakes: Part TwoWhere stories live. Discover now