Jealous
"Hala, ang lamig..." napakamot ng ulo si Miara nang mapagtantong nakalimutan niyang magdala ng jacket.
She was wearing a sporty attire since Primo told her that they might hike for a bit. Naka-parachute shorts siya at simple t-shirt. Ganoon din ang suot ni Primo ngunit may jacket ito.
"Oh no, I have no spare hoodie nor any jacket... you have to hug me instead," nakangisi nitong tugon ngunit hinubad din ang North Face jacket nito.
"Paano ka?"
Primo's smirk widened and neared her. Kabababa lang nila ng sasakyan ngunit hindi sila kaagad nakaalis dahil dito.
"Hug me instead." He opened his arms and smiled cutely. Napailing na lang si Miara ngunit niyakap din ang lalaki. She felt him kiss the top of her head before letting go.
Binuksan ni Primo ang sasakyan at may kinuha roon. It was another North Face jacket but in a different color.
"Pwede 'yan na lang 'yong akin? Mas bagay sa suot ko." Miara is wearing all purple and the jacket Primo lent her is white. Ang bagong jacket na kinuha nito ay kulay blue kaya mas malapit sa kulay ng suot niya.
"I gave that to you because it smells like me," anito sabay sara ng sasakyan habang natulala naman si Miara dahil na narinig. She bit her lips, trying to stifle a smirk, but failed.
"Grabe... ang taray mo naman, boss..." dinala na lang ni Miara sa tawa at panunukso ang nararamdaman. "Pero sino ba naman ako para tumanggi at magreklamo?"
Primo only chuckled while wrapping an arm around her shoulder. The two of them crossed the road and Miara's eyes glanced back to the car. Ang parking lot kasi ng kakainan nila ay nasa kabilang gilid ng kalsada.
"Nice car," Miara commented as her eyes left Primo's Ford Raptor. "You look like you're picking up a girl."
Natawa si Miara dahil sa naisip. Palagi kasi siyang nakakarinig ng mga biro tungkol sa iba't ibang uri ng sasakyan. Anila na kung Honda Civic daw ay babaero. Para sa kaniya naman ay kapag may Raptor, astig... ngunit palaging may sinusundo... 'yong tipo na ipapasyal ka sa BGC...
"Well, I already did, didn't I?" Primo said smugly while looking at her. Tumaas ang kilay nito, nanunukso.
Miara rolled her eyes and pulled him inside the small restaurant. Tiklop siya sa lalaki ngunit ayaw ipahalata.
Sila lang ang customer kaya malaya silang nakapili ng upuan. They sat on the veranda-like part of the restaurant, which had a great view of the greeneries. May iiba pang mga cottages sa baba ngunit ang kalawakan ay puno ng mga bundok.
Malamig ang ihip ng hangin at wala pang sinag ng araw. Primo transferred beside her and hugged her from the side. "Looks like my jacket don't suffice..."
Natawa na lang si Miara at sandaling hinaplos ang buhok nito bago um-order. They ordered a few dishes and a soup. Gutom silang dalawa kaya mabilis nilang naubos ang pagkain.
After eating, they stayed for a while to take some pictures. Primo drove higher to the mountains and they stopped by for some fresh pineapples. Iyon ang naging dessert nila at bumili rin si Primo para sa mga pinsan. They also bought some banana chips and kamote chips.
Habang nagbabayad ay napansin ni Miara ang pagtitig ng bata. Nasa loob siya ng kiosk at nakaupo sa mesa. Miara waved at the kid and decided to not get the change.
Natuwa si Miara lalo na at kumaway pabalik ang bata. Her heart felt full because of that small interaction.
They left the kiosks and walked to the nearby viewing deck. Kita mula sa viewing deck ang isang waterfall. Napakalayo niyon ngunit kitang-kita pa rin.
YOU ARE READING
Miara's Mistakes: Part Two
Romancepov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...