Celeste
So, this is what dying feels like. Everything has been messy for the past three months. Tatlong buwan na akong umalis. I immediately cut contact with Konrad and chased after Nathaniel. He did everything to not see me. Umalis siya sa dating apartment namin at naka-block ang number ko sa kaniya. Konrad was very persistent, but I never looked back to him.
Ngayon, nandito ako sa childhood home ko. Wala na akong mga magulang, pero wala ring ibang nakatira sa dating bahay nila kaya dito ako nakatira. I struggled at first, pero nakahanap ako ng trabaho sa call center. It was enough to sustain my everyday finances, but not enough for me to earn.
Panggabi ang shift ko kaya naging malaking pagbabago ito para sa akin. I can't sleep during the day, and I have to work at night. For the past days, I noticed that my health is continuosly declining. Palagi akong nahihilo, nananakit at namamaga ang ilang bahagi ng katawan ko, isama na rin ang pagkawala ng gana ko sa pagkain.
"Okay ka lang, Celeste?" tanong ng isang kasama ko habang pauwi kami galing trabaho.
Kahit papaano ay may mga kilala pa rin ako at sila ang tumulong sa akin para makahanap ng matinong trabaho.
"Okay naman ako. Bakit mo natanong?"
"Namumutla ka kasi. At saka, hindi diretso ang lakad mo."
Nginitian ko lang siya. "Ano ka ba, ayos lang ako! Siguro talagang nag-a-adjust lang ang katawan ko."
"Sus, magdadalawang buwan ka na sa trabaho, hanggang ngayon nasa adjusting period ka pa rin? Subukan mo kayang magpa-check up?"
Umiling ako. "Gastos lang 'yan. Okay lang ako."
"Sigurado ka?"
Nginitian ko siya. "Oo naman. At saka, katawan ko 'to. Alam ko kung kailan ako hihingi ng tulong. Pero salamat sa concern."
Dumiretso ako sa bahay ko. Hindi na ako kumain dahil mas nakakatulog ako kapag gutom. Nagpalit lang ako at saka humiga.
ALAS tres ng hapon na nang magising ako. Iyon na ang pinakamahabang tulog ko. Akala ko pa naman, kapag nakakuha ako ng sapat na tulog ay magiging maayos na ang pakiramdam ko. Parang inuumpog ang ulo ko sa sakit nang bumangon ako.
I went to the kitchen to make a sandwich. Halos wala nang laman ang ref ko kaya napagdesisyunan kong umalis para mamili sa palengke. After eating, I took a jeep to the market.
Dumiretso ako sa wet market kung saan naghahalo-halo ang amoy ng mga isda at karne. I thought it was a bad choice since the stench is already making me feel dizzy. Hindi na rin naman ako makaalis dahil medyo malayo na ang nilakad ko kaya pinilit ko ang sarili kong gawin ang mga dapat kong gawin.
I was there for what felt like hours before I felt like throwing up. Nagmamadali akong lumabas pero dahil siksikan pa rin, I felt suffocated. I did try my best to get out, pero huli na. I felt my environment spin and I blacked out.
WHEN I woke up, nasa ospital na ako. Mabuti na lang at walang nakakabit na kung ano sa akin. That made me sigh in relief catching the attention of a nurse.
"Uhm, hi?" tanong ko. "What am I doing here?"
"Ma'am, dinala ka rito kanina. Hindi ka puwede sa clinic at masiyadong maraming tao. In-admit ka na namin."
"Admit? Why? May problema ba?"
Saktong dumating naman ang doktor. The woman greeted me. "Hello, hija."
Bumangon ako. "May problema po ba?"
"Tinitignan pa namin. May ilan lang akong itatanong bago ang lahat. Ano'ng nararamdaman mo ngayon, hija?"
"Medyo um-okay naman na po kumpara kanina."
"Kanina? Ano ba ang nararamdaman mo kanina?"
"Nahihilo po. Masakit ang ulo ko at nasusuka."
Tumango-tango siya. "Wala naman bang ibang masakit sa 'yo? O ibang sakit?"
"I shook my head. Iyon lang po, pero ilang araw na rin akong ganito."
"Uh huh, at kailan ang huling dalaw mo, hija?"
It took me a while to realize. Ilang buwan na yata akong hindi dinadatnan. Masiyado akon nagfo-focus sa ibang bahay.
"Hindi ko na po maalala," pag-amin ko.
"Regular ka naman ba? Sexually active?"
Tumango ako. "Opo, pero. . . Baka po stressed lang talaga ako kaya hindi ako nagkaroon. Posible naman po 'yon, 'di ba?"
May mga nabubuo nang ispekulasyon sa isip ko, pero hindi ko nagugustuhan ang mga 'yon.
"Posible, hija. Ngayon, may mga test kaming gagawin, kasama na roon ang pregnancy test. Ito ay para masiguro na tama ang mga gamot na irereseta namin sa 'yo."
I froze on the spot. Everything became a blur. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. I just found myself crying on the hospital bed because the doctor is telling me I am pregnant.
I cried and cried, but they told me it was bad for the baby. Hindi nakuha ng bata ang sapat na nutrients na dapat niyang nakuha at bukod pa roon ay sobrang stressed din ako noong mga nakaraang buwan. Mahina ang kapit ng anak ko kaya dapat ay mag-doble ingat ako.
I didn't know what else to do. Noong umalis ang doktor, inisip ko ang kalagayan ko. I am alone, living from paycheck to paycheck, I can't afford to lose a job. But I can't lose my baby. It's much more important than anything I have. I would rather lose self-respect than lose my child. And that's what I did.
I already cut contact, but I'm willing to do anything if my child is at risk. I dialled Rad's number and he picked up after several rings.
"Celeste? Ikaw ba 'yan?" he asked, sounding desperate.
"Uhm. . . h-hi," I managed to say.
"Celeste, where are you? Ang tagal mong nawala! Please come back. Dito ka na lang ulit."
I supressed my emotions. "Can you come to me instead?"
There was a long silence before he agreed. "Where are you, darling? I've been looking everywhere."
"Nasa province ako. Sta. Claire Hospital. Naka-admit ako."
"Why? What happened? May nangyari ba sa 'yo?"
"Just be here."
"Okay, I'll be there. Hintayin mo ako, okay?" His voice was shaking. "Please be okay."
I ended the call. I waited for him and in two hours, he ran up to me. Nasa private room na ako kaya kaming dalawa na lang ang nandito.
His eyes softened upon seeing me. Umupo siya sa gilid ng kama habang hinahaplos ang mukha ko. "What's wrong? You look different. Pinabayaan mo ba ang sarili mo?"
When I thought I couldn't cry anymore, my tears proved me wrong.
"Buntis ako," I whispered.
He became stiff for a while before asking me to look at him. "Why are you crying? Celeste, blessing sa atin 'yan!"
I stared at him. "Hindi mo ba tatanungin kung sa 'yo 'to? Hindi mo ba naisip na baka may iba akong nilandi? Nathan said-"
He cut me off with a kiss. "Forget about what Nathan said. Naiinggit lang siya sa atin dahil gusto niya ang buhay na mayroon tayo. I know that baby is mine. Iuuwi na kita. Let's be together, Cel."
"Pero mas gusto kong nandito ako, malayo sa lahat."
He gave me a reassuring smile. "And if that's what you want, I will leave everything to be with you."
BINABASA MO ANG
Heartless Vasiliev
General FictionDiscovering the affair between his girlfriend and brother, Nathaniel was left devastated. In the midst of healing himself, he found a woman that loved him beyond his flaws. He left everything that once mattered to him in exchange for a life with her...