Chapter Sixteen

170 4 2
                                    

Nathaniel

I don't know how it is possible to have my heart broken again and again. Sa pangalawang pagkakataon, nasaktan na naman ako dahil sa isang babae. Only this time, nasasaktan ako dahil nasasaktan siya.

In a span of two months, I witnessed how Amelia’s body weakened. Umalis na rin kami sa Nueva Vizcaya at bumalik sa Manila para sa paggagamot niya. Kaunti na lang ang natira sa savings namin, and without someone to look after her, I wasn't able to look for a job. Ayaw ko ring iwan siya dahil natatakot akong baka biglaan siyang mawala sa akin. She’s been saying her goodbyes and I cannot take it.

“Puwede natin siyang operahan. We can still save her as it is not yet terminal, but the equipments available here are not fully functional. Safest option ninyo ay magpunta sa ibang bansa para ipagamot siya.”

Napalunok ako habang patuloy na umiiyak sa tabi ng natutulog na si Amy. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ng doctor. With no money left and no job, saan ako kukuha ng pera para sa operation niya?

I sensed her light movements kaya pinigilan ko ang pag-iyak ko. Ilang saglit lang ay nararamdaman ko na ang haplos niya sa pisngi ko.

“Why are you crying?” tanong niya.

“Wala lang. I just got sentimental,” pagsisinungaling ko.

“Tungkol saan?”

“Hayaan mo na, huwag mo nang isipin ’yon.”

“Masiyado ka na bang stressed sa akin? You can always leave me to die alone.”

“Amelia!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Huwag ka namang ganiyan. I’ll find a way to fix this. Hindi ka mamamatay.”

She smiled. “Joke lang naman kasi. At saka, kaya ko ’to.”

“Dapat lang. Kayanin mo, because I don't want to live if I lose you.”

“We can’t afford the treatment, Nathaniel.”

“Baby, I can’t afford to lose you.”

“Paano ba ’yan? ”

I took a deep breath. “I’ll find a way, ha? Basta, huwag kang susuko, okay? Kapit ka lang?”

Tumango siya. “For you, I will. Magpapakatatag ako.”

I kissed her forehead. “Labas muna ako, okay? Babalik ako mamayang hapon.”

“Saan ka pupunta?”

“Sabi ko naman sa ’yo, ’di ba? Gagawan ko ’to ng paraan.”

“Huwag mong ibebenta katawan mo, ah? Para sa akin lang ’yan,” she managed to joke.

I smiled, holding back my tears. “Iyo lang ’to. Hindi ko ipagagalaw sa iba, pangako.”

She giggled, which sent a sense of relief to me. With that, I left. Blanko ang utak ko habang naglalakad palabas ng hospital. Pakiramdam ko rin ay nawalan na ako ng kakayagang mag-isip nang diretso.

I let my feet drag me towards my last resort — my parents’ house. Ilang beses akong kumatok bago ako pinagbuksan ni Mommy. When she saw me, she instantly cried and lunged at me.

“Nathaniel,” she cried.

I hugged her back. I missed her so much. I felt like a little boy being comforted by my Mom again.

“I missed you, Mom,” I whispered.

“Anak ko!” she cried again, this time it sounded more painful.

“What’s happening?” I heard my Dad's voice. When our eyes met, I was instantly frozen by the rage in his eyes.

“What are you doing here?” galit na tanong niya.

I looked down. Mabilis niyang tinawid ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Nang makalapit ay bigla niya akong sinuntok.

“Ano’ng karapatan mong bumalik sa bahay ko?!” he yelled angrily.

“Stop!” sigaw ni Mommy. Hinarangan niya si Dad, pero madali lang siyang tinulak ng ama ko. Anger crept through my veins when I saw Mom on the floor.

“Don’t hurt my mother!” sigaw ko sa aking ama.

“Wala ka nang karapatang bumalik dito, Nathaniel! Umalis ka na!”

“I am still your son, damn it, Dad!”

He looked angrily at me. Before he could even speak, I heard a child’s cry. I looked up the stairs and saw Celeste holding a child.

“Ano pong nangyayari?” she asked then her eyes met mine.

“Celeste, ilayo mo si Calista rito,” saad ng aking ama.

So, that’s what they named their baby. Calista Vasiliev. She looked like her mother.

Pumasok si Celeste sa kanilang kuwarto at pagbalik niya ay hindi na niya hawak ang bata. I wonder if Konrad is here? Or maybe siya na ang nangangalaga ng kompanya ni Dad?

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Celeste.

“Explain yourself, ” panggatong naman ni Dad.

“My. . . I-I need money.”

Dad scoffed. “Ang yabang mong tanggihan ang pera ko noon. What made you want it back?”

“Dad, please! I’m begging you. Kailangan ko ng malaking pera. After this, I will leave you alone. Kung ayaw niyo na ulit akong makita, okay lang. Lalayo ako kung gusto niyo. Just please, I need money.”

“Anak, bumalik ka na rito,” pakiusap ni Mommy.

“No! Hindi ’yan babalik?”

I looked over Celeste. May kakaibang emosyon sa mga mata niyang hindi ko mawari kung ano. Umiwas kaagad ako ng tingin at ibinalik ang atensiyon ko kay Dad.

“Hindi ako babalik kung wala akong mahalagang dahilan, Dad. Just this once, be a good father and give me what I am asking for,” matapang kong saad.

“Ang yabang mo naman, Nathaniel! Ikaw pa ang may ganang magsabi ng ganiyan? After what you did to your brother?”

I slowly fell on my knees. “Dad, kailangan ko ng pera.” I started to cry.

“Bakit, ha? Give me a reason!”

“My fiancee is dying! Nasa ospital siya ngayon at kailangan ng matinding operation.”

“Fiancee?” dinig kong saad ni Celeste, muntik pa siyang nautal.

“Si Amelia, Dad. She’s dying and she needs the money. I can’t lose her. Tinanggap niya ako sa kung sino ako, kahit may kulang sa akin. Dad, hindi ko siya kayang mawala sa akin. Please, help us.”

Dad scoffed. “Yeah, right.”

Mukhang hindi pa siya kumbinsido kaya ipinagpatuloy ko ang pagmamakaawa. “I will leave you alone after this. Alam kong ayaw niyo na akong makita kaya kung gusto ninyong umalis ako ay aalis na ako.”

“Why would I want to help you?” matigas na sambit ni Dad.

“Kung kahit isang saglit, Dad, kinikilala niyo pa rin akong anak ninyo, tulungan niyo ako. I know you have favorites. I know Konrad will always be your favorite son. Tanggap ko na po.”

“Konrad? My son you killed?”

Nanigas ako sa puwesto ko. Unti-unti kong tiningala si Dad habang nagsimulang umiyak si Celeste at si Mommy. “What?”

“Konrad is dead, Nathaniel! And it's all because of you! You killed your own brother!”

Heartless VasilievTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon