Nathaniel
"I'm leaving everything to you, Nathaniel. Don't disappoint me this time," huling sabi sa akin ni Daddy bago sila umalis papuntang airport.
For the past weeks, pakiramdam ko ay isa akong robot. Magkasabay na araw ang flight ng parents ko papuntang Russia at flight namin nila Celeste pabalik sa Pilipinas. The company was officially handed over to me last month, and now I have to go back and face what I had left.
Naiwan naman kami roon dahil hindi pa boarding ng flight namin. I sat with Celeste and Calista. Cali suddenly crawled onto my lap and hugged me. Nakita ko namang sinubukan pa siyang pigilan ni Celeste, pero masiyadong mabilis ang galaw ng bata.
"Daddy!" sigaw ni Cali at niyakap ako.
Muntik siyang mahulog kaya niyakap ko siya gamit ang isang braso. "Be careful. You might hurt yourself."
She must not have understood what I said, so she just giggled. "Kiss, Daddy!" She suddenly kissed my cheek.
"Cali, that's enough. Huwag kang magalaw at baka mahulog ka," Celeste warned. "Halika na rito."
Kukunin na sana niya ang bata, pero mas humigpit ang yakap nito sa akin. "No, Mommy!"
Mukha namang nag-aalala si Celeste at tumingin pa sa akin.
"Don't worry, hindi ko naman siya ibabagsak," I told her.
As much as I didn't like them both, wala akong magagawa kung gusto ng batang magpakarga sa akin. Humihikab pa siya nang umayos ng upo.
"Inaantok ka na?" tanong ko na sinagot na lang ni Cali ng tango. "Go to sleep, then."
Nakatulog siya nang nakayakap sa akin. Nang masigurong malalim na ang tulog niya at hindi basta-bastang magigising, I gave her to Celeste.
"Sabi ng Daddy mo, sa dating bahay niyo tayo titira," she said, breaking the silence. "Ano'ng balak mo pagbalik natin sa Pilipinas?"
"May iba pa ba akong puwedeng gawin? The company was handed over to me."
"Other than that."
"Ililipat ko ang libingan ni Konrad."
"W-What? Alam ba 'to ng parents mo?"
"Bakit kailangan pa nilang malaman?"
"Pero 'Tan, anak nila 'yon!"
I smugly smiled at her. "I don't care. Ililipat ko ang libingan ng hayop na 'yon."
"Paano si Calista? That's her father!"Her last words hit a nerve. "Do you want me to divorce you right now? Pinakasal nga tayo para may ama 'yang anak mo, tapos ipapakilala mong ama 'yong taong patay na? Umamin ka nga, hindi ka na ba talaga nag-iisip, Celeste? O sumama kay Konrad sa hukay ang utak mo?"
"But-"
"Kalimutan mo na kung ano man ang pinaplano mo. As long as I am married to you, you will do as I say. Hindi si Konrad ang ipapakilala mong ama ni Calista dahil mas malaking kahihiyan sa akin kapag nalaman ng mga tao na anak 'yan ng kapatid ko. You can either do that or stay the fuck away from me."
"Sorry," she whispered.
Narinig namin ang boarding announcement ng flight namin kaya umalis na rin kami.
Philippines
It's Calista's birthday and Celeste planned to celebrate it with just the three of us. Gusto sana niyang magluto sana sa bahay, but I didn't like that idea.
"Sa tingin mo mas gusto ng anak mo ang lutong-bahay kaysa kumain sa labas?" I told her.
"Mas convenient kasi at mas healthy," she argued.
BINABASA MO ANG
Heartless Vasiliev
General FictionDiscovering the affair between his girlfriend and brother, Nathaniel was left devastated. In the midst of healing himself, he found a woman that loved him beyond his flaws. He left everything that once mattered to him in exchange for a life with her...