Chapter Fourteen

110 2 0
                                    

Nathaniel

Months passed by like a blur. I’m in a better place compared to where I was before. Ang saya ko na ngayon, at ang kasiyahang ito ay hindi mapapantayan.

“Nate, tikman mo nga ’to,” pukaw ni Amy sa atensiyon ko habang inilalapit sa bibig ko ang isang kutsara ng sabaw mula sa niluluto niya.

“Masarap, I like it.”

Two months na kaming nagkakarinderya malapit sa school. Malapit na ang lunch break ng mga estudyante kaya aligaga na naman si Amy. I finished the mural last month, so I have all the time to help her.

Through the months, we grew together and created a special bond between us.  She helped me grow into someone better.

“Tulala ka na naman, ano ba ’yan,” reklamo niya.

“Hindi ako nakatulala. I waa just thinking of something,” pagrarason ko.

“Sus, mamaya na ’yan!”

I chuckled to myself. Madalas na rin siyang magmaldita kapag napapansin niyang tulala ako. . . which is most of the time by the way.

“Puwede ba tayong lumabas mamaya?” tanong ko.

“Bakit? Ano'ng meron?"

“Wala. I just thought of going out with you.”

Tumigil siya sa pagluluto at tumitig sa akin. “Babalik ka na sa Manila?”

“What? That’ ridiculous! Saan mo naman nakuha ’yan?”

“Bigla kang nag-aaya, eh. Malay ko ba kung ano ang gusto mong gawin.”

“Gusto lang kitang ilabas. I feel like you deserve it.”

“You’re spoiling me too much, Nate.”

“Bawal ba?”

“Hindi naman, pero it feels awkward. Nakakahiya na rin kasi ang laki na ng utang na loob ko sa ’yo.”

“Let's not talk about that.” Tumikhim ako. “Malapit na ang lunch ng mga estudyante. Let's get going.”

Hindi na kami nag-imikan lalo na’t nagsimula na ring magdatingan ang mga lumalabas na estudyante at mga guro. Ubos ang paninda ni Amy kagaya ng palaging nangyayari.

Dahil Biyernes na rin naman, hindi na kami nagluto ng pang-hapong meryenda. Pagkatapos ng lunch break, nagsara na rin kami kaagad.

“Wow, weekends na! Pahinga na rin sa wakas!” masayang sabi ni Amy.

“Labas tayo?”

She looked at me. “Gusto mo talagang lumabas?” I replied with an eager nod. “Sige na nga. Pagbibigyan na kita. Kawawa ka naman.”

We both laughed to ourselves. Pagkatapos naming iuwi ang mga gamit namin, dumiretso kami sa may plaza. We just went for some burgers and juice drinks. Tumambay kami kung saan may mga nagpa-practice ng basketball at saka nanood.

“Ano'ng ganap at parang gusto mo biglang lumabas?”

“Naisip ko lang. Deserve naman natin, ’di ba?”

Heartless VasilievTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon