Chapter Thirteen

118 3 0
                                    

Nathaniel 

It was Sunday. Galing kami sa simbahan ni Amelia at pagkatapos ay bumili kami ng pintura para sa mga bato sa bahay niya. Bumili din ako ng pagkain naming dalawa. We decided that I should have lunch at her place.

"Ano'ng gusto mong luto?" she asked while I was chilling in her kitchen.

"Menudo?"

"Okay. Relax ka na lang diyan. Ako na ang bahala."

I watched her. Ang galing niyang mag-handle ng kustilyo. Naisip ko tuloy noong nag-invite siya para mag-dinner kaming mga kapitbahay. 

"Amy, ikaw ba ang nagluto sa dinner natin noon?"

"Kasama ang mga kapitbahay?"

"Yeah, that time."

"Ako nga, bakit?"

"Hindi mo ba naisip na instead of looking for a job, magkarinderya ka na lang?"

"Eh?"

"Yeah, may stall malapit sa high school na puwede mong gawing karinderya."

"Wala akong pera pampuhunan," nahihiya niyang sambit.

"I can help with that. Let me help you."

Mabilis siyang umiling. "Nakakahiya na kung gano'n. Ang dami mo nang nagawa para sa akin. At saka, ayaw ko ring magkautang, 'no?"

"Amy, don't worry too much about it. If you can pay me back, go ahead. If not, at least you tried."

"Malaki kasi ang magagastos, Nate. Iyong renta sa lugar, siyempre kailangan ko ng kahit isang makakasama, susweldo pa 'yon. Bukod pa roon, iyong magagastos para sa mga gamit."

"We still have a few months before school starts again since kakasimula lang ng summer break nila. We can renovate a week before para ready na tayo. I can work para may kasama ka."

"May office job ka, 'di ba?"

Natatawang napakamot ako ng batok. "I quit. May mga nakausap na akong gagawan ko ng mural at medyo magiging busy ako, pero malaki ang bayad nila. C'mon, trust me on this one, Amy."

Huminga siya ng malalim. "It seems like you trust me enough to risk your money. Sige na nga!"

I grinned. "I promise, you won't regret doing this."

"Salamat talaga, Nate, ha? Sobrang bait mo sa akin. Mabuti na lang talaga at nakilala kita."

"Hey, we both left everything to start a new life. It's hard being alone. At least we have each other, right?"

She smiled sweetly. "Oh, kung gano'n, sana hindi mo muna mahanap ang babaeng para sa 'yo."

"And why is that?"

"Para matagal pa tayong maging magkaibigan. Syempre kapag may girlfriend ka na, iiwas na ako."

"Wala pa naman ang mga ganiyan sa plano ko. Kung usapang relasyon lang, go with the flow lang ako. At saka, I don't think nasa tamang stage na ako para tumanggap ng bagong mamahalin."

"Maliban sa parteng niloko ka, ano'ng pakiramdam na nasa relasyon ka, Nate?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nanonood ako ng drama sa TV kagabi. Parang ang sarap magmahal. Gano'n ba 'yon?"

I smiled at her innocence. "May pros and cons ang pagmamahal, Amy. Sa una, talaga namang masarap ang magmahal. You will experience a lot of butterflies and smiles, but love can be painful.”

“Worth it bang masaktan para sa pag-ibig?”

Umiling ako. “Bakit ka masasaktan kung pag-ibig ’yon? Hindi ako naniniwala sa pagmamahal na mapanakit.”

Tumango siya. “Sabagay.”

“Bakit, gusto mo na bang magmahal?”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Sino namang mamahalin ko?”

“Kahit sino riyan sa tabi-tabi.”

“Wow, so bugaw na ako ngayon?”

Humalakhak ako. “Kailan ko sinabi ’yan?”

“Ngayon lang. Sabi mo magmahal ako ng sino-sino lang.”

“Subukan mo lang kasi. Wala namang mawawala.”

“Ewan ko sa ’yo!”

Masiyado akong nawili sa tanong niya at hindi ko na namalayang lumilipas na ang oras.

“Anong oras mo ulit ako tuturuang mag-painting?”

“Gusto mo bang ngayon na?”

Tumango siya. “Oo sana. Baka gabihin ka rito.”

“Amy, magkatabi ang bahay natin.”

“Kahit na. Hindi mo ba naririnig ang rumors?”

Kunot ang noong tumitig ako sa kaniya. “Ano?”

“Na may nangyayari sa atin kaya palagi kang ginagabi.”

“Sino naman ang nagsabi no’n?”

“Mga kapitbahay natin.”

Natawa ako. “Hayaan mo na sila. May mapag-usapan lang naman ’yang mga ’yan. Besides, we both know na hindi ’yon totoo.”

Bumuntonghininga siya. “Nainis lang ako kasi, ’di ba, kaya nga tayo umalis para umiwas sa problema? Tapos sila naman ang gumagawa ng problema natin ngayon. Hay, ewan ko!”

Tumango rin ako. “You’re right. We should confront them sometimes.”

She hummed. “Saka na, kapag nahuli na natin sila.”

“That’s more like it. Let’s be positive, okay? Wala tayong mapapala sa kanila.” Tumango lang siya at ngumiti.

Buhat-buhat ang mga maliliit na lata ng pinturang binili namin, nagtungo kami sa labas ng bahay niya, kung saan may mga malalaking bato.

“Akin ’to!” excited niyang sabi at nilapitan ang pinakamalaking batong naroon.

“Akin naman ’to,” sagot ko, hawak ang isang puting bato.

“Turuan mo na ako, bilis!”

Natawa ako sa pagiging energetic niya. “Teka lang. Bago ang lahat, ano muna ang gusto mong i-paint.”

“Iyong madali lang, siyempre. Ano ba ’yong mga madadali?”

“Scenery? Flowers? Alin doon?”

“Gusto ko ’yong scenery.”

“Sige, let’s paint some flowers.”

Bahagya niyang hinampas ang braso ko. “Nagtanong ka pa talaga? Ako ba, pinagloloko mo, Nate?”

Hindi ko napigilan at napahalakhak. My hand automatically reached for her cheek and pinched it.

“Aray ko!” asik niya. “Tumigil ka nga!”

“Sorry na! You’re too cute.”

Umirap lang siya. For the first time, I saw her irritated. Her face is red, especially her ears. Nai-imagine ko siyang may lumalabas ma usok sa ilong.

“Quit staring!” she said, sounding annoyed.

“Oh, nakatitig ba ako? Hindi yata?”

“You were staring! And you have that annoying smile.”

“Annoying smile? Hindi kaya!”

“You’re calling me a liar?”

“Kumalma ka,” natatawang saad ko. Ni hindi ko nga alam na nakangiti ako.

“Ewan ko sa ’yo! Turuan mo na lang ako.”

I raised my arms as if I was surrendering. “Ito na nga. Ang maldita mo namang nagpapaturo.”

Throughout the whole time, tinatarayan ako ni Amy. Sabi niya masakit raw ang pagkurot ko sa pisngi niya kaya siya naiinis. Halos wala rin kaming natapos dahil mahirap siyang turuan, mas magaling pa kaysa sa nagtuturo.

In the end, we only painted our names on a stone with some poorly painted flowers. It was her who painted them. I secretly painted her, and for the first time, my painting never looked more livelier.

Heartless VasilievTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon