Chapter Twenty-One

127 6 4
                                    

Celeste

For all the wrong things I did, I thought marrying Nathaniel would be my punishment. I braced myself for the worst. I expected him to punish me in the worst ways, but I was wrong.

Hindi na kagaya ng dati ang pakikitungo niya sa akin. Gone was the sweetest man whom I loved dearly. He keeps things civil, but makes sure to let me know his boundaries. We sleep in one bed, but he is still out of my reach.

Hindi na niya kinukumusta ang araw ko kagaya ng ginagawa niya noon. He just gives me money and lets me do everything else. Ako palagi ang nag-i-initiate ng conversation na palagi naman niyang sinasagot. Tipid na lang siya magsalita ngayon, parang obligasyon na lang para sa kaniya ang sagutin ang mga tanong ko. A piece of me is still hoping that we could still be the husband and wife we once wanted to be, but I know that this isn't about me anymore.

One thing I am thankful for is that he is not indifferent towards my daughter. Kapag nagtatanong si Calista, sinasagot niya palagi. He lets Cali hug him and tell stories about her day. Hindi siya nagagalit kahit sobrang kulit na ng anak ko o kahit na kinakausap siya nito kapag nagtatrabaho.

Nathaniel spends most of his time working, kahit na nasa bahay na ay nagtatrabaho siya. Hindi naman ako puwedeng makiusap na bigyan niya ako ng oras. He is already doing too much, I don't want to be selfish.

"Mommy, is Daddy home?" Calista asked, habang nagluluto ako ng dinner namin.

"I'm not sure if he will come home early. He's been working late these days. Do you miss him?"

Tumango siya. "I didn't even tell him I'm going to school. Does he know?"

At the age of four, magaling nang magsalita si Cali.

"Well, I think he knows," I lied. Madalas kaming hindi mag-usap ni Nathaniel kahit na palagi siyang umuuwi. Madalas siyang pagod kaya hindi na ako nakakapagsabi. "Nga pala, bibili tayo ng school supplies mo bukas, okay?"

"Okay. Let's wait for him, Mommy. Sabay natin si daddy for dinner," Cali pleaded.

"Sure," sagot ko na lamang kahit na hindi ako sigurado.

Natapos na akong magluto at lahat-lahat, lumipas na ang isang oras, pero wala pa rin si Nathaniel.

"Cali, kain na tayo," tawag ko sa kaniya.

"But wala pa si Daddy." She pouted.

"Kapag hinintay pa natin ang Daddy mo, you'll sleep past your bedtime. Hindi puwede 'yon, anak."

Sumimangot siya. "Okay, Mommy."

Nalungkot naman ako dahil alam kong nami-miss na talaga niya si Nathan. Ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita.

"I'm sorry, Cali, pero wala rin kasi akong magagawa. Daddy is probably busy working."

Hindi na siya umimik. Sinabayan ko na lang siya hanggang sa makatulog siya. Nagligpit muna ako ng mga gamit habang hinihintay si Nathan. Alas onse na rin nang makarating siya.

"Bakit gising ka pa?" bungad niya nang makita akong nakaupo sa sala.

"Hinihintay kita," sagot ko. "Gutom ka ba? May pagkain pa roon."

Umiling siya. "I'm going to sleep. Matulog ka na rn, gabi na. Next time, don't wait for me to come home."

"May sasabihin kasi sana ako sa 'yo."

Sandali niya akong tinapunan ng tingin. "I'll take a shower first."

Tumango ako. I settled myself in bed while waiting for him. Basa pa ang buhok niya paglabas niya, kaya mabilis akong tumayo at kinuha ang blow-dryer. Pinagtaasan niya ako ng kilay dahil hindi ko naman talaga ginagawa 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartless VasilievTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon