2: Hold My Hand

4 0 0
                                    

Ang kaniya mga labi ay halos mapunit na, abot tenga ang mga ngiti. Puso niya‘y labis na napupuno ng pagmamahal. Pagmamahal na walang kapanatay, na si Jared lamang ang makapagbibigay.

“Maligayang Kaarawan, mahal!” kita ang kislap sa mga mata ni Cassandra nang batiin niya ang kaniyang kasintahan. Siya‘y hinagkan nito at ginawaran ng isang halik sa noo. Unti-unti niya ring pinikit ang kaniyang mga mata, dinarama ang halik ng kaniyang kasintahan.

“Mahal, may tanong ako.” Napahiwalay naman sa pagkayayakap ang kaniyang kasintahan.

“Ano iyon?”

“Masaya ka ba na nakilala mo ako? Masaya ka bang ako palagi ang kasama mo sa mahalagang okasyon na pinagdiriwang mo bawat taon? Masaya ka ba sa akin?” ang mga mata’y ni Cassandra ay punong-puno ng halo-halong emosyon. Tuwa, pagkasabik, pag-aalala, at takot. Nangangamba siyang baka isang araw, sa puso ni Jared ay wala na siyang puwang.

Maingat na hinawakan ni Jared ang kanang pisngi ni Cassandra, hinahaplos ito nang marahan. Na para bang mula rito ay gusto niyang paalalahanan si Cassandra na wala nang ibang babaeng makakukuha ng kaniyang puso, kun’di ang babaeng nasa kaniyang harapan.

“Mahal, sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya. Hindi ko mahanap ang tamang salita upang ipaliwanag sa’yo ngunit sana ay iyong tandaan na masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi ako uhaw sa pagmamahal dahil ibinibigay ito ng aking mga magulang. Ngunit nagbago ito, pagdating sa pagmamahal mo, ayaw kong may kahating iba. Naluluhod na ako sa pagmamahal na araw-araw na pinaparamdam mo sa akin, at handa pa akong sumisid, sumabay sa agos, o magpakalunod basta‘t sa pagmamahal mo. Ang puso ko‘y nag-uumapaw rin sa saya sa tuwing ika‘y laging kasama sa araw ng kaarawan ko. Natutuwa ako na bawat taon ay hindi ka nawawala sa araw na ’to. Kaya labis pa sa labis ang tuwa ko kapag kasama ka. Dahil kapag alam kong nandiyan ka, nararamdaman ko ang presensya mo, panatag ako, na alam kong makakayanan ko dahil kasama ko ang mahal ko,” hindi na napigilan ni Cassandra ang kaniyang mga luha, para itong tubig-ulan na hindi matigil. Ang puso niya‘y hindi na masidlan pa ng tuwa. Ang pangambang nararamdaman niya kanina ay tila parang bula na biglang nawala.

“Nakakainis ka! Pinapaiyak mo ako,” mahinang tumawa si Jared dahil sa sinabi ng kasintahan.

Mas lalong napaluha si Cassandra nang mamataan niya ang hawak ni Jared. Isang singsing. Dyamante ito na may hugis puso sa gitna. Tila isang bituin na kumikislap sa kalangitan.

“Mahal, sa loob ng labing-dalawang taong ay magkasama na tayo. Maging sa hirap at ginhawa ay tayo ang magkaramay, sandalan ang isa’t Isa. Pinapanalangin ko sa ating makalangit na Ama at  Ina na kahit hindi ako perpekto, nawa‘y ibigay nila ang babaeng mamahalin at tatanggapin ako nang buong-buo. Lubos naman akong nagpapasalamat sa kanila dahil ibinigay ka. Isa ka sa matuturing kong isang regalo mula sa Kanila. Ikaw ang nais kong makasama habang buhay, maging nanay ng aking mga anak, at mahalin ka hanggang sa aking huling hininga. Mahal, nais mo ba akong pakasalan?” Ang mga luha ni Cassandra ay walang humpay sa pagtulo. Ngunit ang mga luhang ito ay masasabi niyang duloy ito ng kaniyang labis na tuwa. Pinunasan muna ni Jared ang kaninang pang mga luhang tumutulo sa mata ni Cassandra. Maging siya ay naluluha sa labis na saya. Hinagkan ni Cassandra ang kasintahang si Jared, pinikit ang mga mata, at dinarama ang malamig na hangin.

“Oo, pumapayag akong pakasalan ka, Jared. Magkamatayan man, ngunit hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sa ’yo. Hindi ako makakapayag na mawala ang kalahating piyesa sa buhay ko.” Bulong nito sa tenga ni Jared. Hinagkan nila nang mahigpit ang isa‘t isa, sa takot na baka isa lamang itong panaginip.

“Hindi ko rin hahayaang mawala ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling ika‘y bibitaw. Pakiusap, dito ka na lamang sa akin habang buhay. Please hold my hand until the end.”

her collection of different stories Where stories live. Discover now