11: Why Can't We For Once?

2 0 0
                                    

“Natasha! Alam mo ba, sabi ng Ilan ay gusto ka ni Caelo?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa chismis na dala ni Meredith. Magka-video call kaming dalawa.

Sandali akong natigilan sa sinabi niya, “Ano naman ngayon?” I asked.

“Luh? E hindi ba‘t crush mo rin iyon?”

“No, kanino galing naman ’yan?” I lied. I have crush on Caelo.

“Kay ano, syempre sa akin hehe.” 

“Oh, e ano ang basehan mo para sabihing gusto ako ni Caelo?” Natatawang wika ko.

“Marami...” at magsimula na rin niyang alalahanin ang naging basehan niya. “Pero huy, naalala ko lang. Kung gusto ka ni Caelo e bakit hindi niya pinapahalata? And bakit si Star ang palagi niyang kasama?” tanong niya pagkatapos niyang masabi lahat ng kaniyang basehan. I‘m curious, too. Pero hindi ko pinahalata iyon para hindi niya ako kulitin.

“I don‘t know okay? Stop asking me. I don‘t even close with Caelo,”

“Ito naman, pero gusto mo talaga siya?” tanong niyang muli. Napapikit ako‘t napahinga nang malalim. Kumalma ka, masyado kang halata e.” Natatawa niyang wika. Napadilat naman ako at pinanlakihan siya ng mata. Ngunit ang bruha ay tatawa-tawa pa rin.

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ngunit hindi pa rin mawawala ang tanong niya kay Caelo. Puro siya Caelo nang Caelo. Parang siya pa ang may gusto kay Caelo. Napailing na lang ako sa tuwing babanggitin niyang muli ang pangalan nito.

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok, dumeretso kami sa locker dahil may kukuhain pa kami roon. Nang nasa locker na kami ay nakita namin si Star na galing din sa locker niya ngunit mukhang paalis na. Lumilingon pa sa gawi namin na siyang pinagtaka ko.

“Feel ko talaga mali sila sa part na gusto ka ni Caelo.” Aniya muli. Kahit saan na lang. Salubong ang aking kilay ang lingunin ko siya.

“Tigilan mo nga ako, Mere. Wala akong paki sa kanila,” she crossed her arms, and smirked at me.

“Talaga? e mukha ka ngang nangseselos e?” Natatawang wika niya. I just rolled my eyes on her, and reached my locker.

Bakit naman ako magseselos? Wala naman ako karapatan.

“Halata ka talaga, Natasha,”

“Ang ingay mo, Mere. Baka may makarinig at sabihin totoo ’yang sinasabi mo kahit hindi,” hindi ko siya pinansin at binuksan ko na lang ang locker ko.

Napatigil ako nang makita ang isang hindi pamilyar na papel na nakalagay sa ibabaw ng mga notebooks ko. I grabbed, and checked it. Naramdaman kong unti-unting lumaki ang mata ko nang mabasa kung ano ito, dahan-dahan ko rin iton binuksan at nakakagulat nga talaga kung ano iyon.

A letter.

Para sa aking minamahal na binibini,

Magandang tanghali sa ’yo, binibini. Hindi ko alam kung alam mo na kung sino ang naglagay nito. Ito ang kauna-unahan kong liham na isinulat at ikaw rin ang kauna-unahang babae na pagbibigyan ko. Matagal na kitang gusto. Unang kita ko pa lamang sa ’yo ay nabighani na ako. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit kita nagustuhan. Oo‘t maganda ka, hindi ko iyon magpagkaiila. Ngunit alam kong hindi iyon ang nagustuhan ko sa ’yo, paumanhin kung hindi ko masabi ang dahilan, ang alam ko lang ay gusto kita—hindi, nararamdaman kong mahal na kita. Maaari ka bang magpunta sa Venice Park? Gusto ko lamang masabi  sa ’yo nang harapan ang nararamdaman kong ito. Mag-ingay ka sa iyong pagpunta.

Nagmamahal,
Caelo

A

gad kong kinuha ito at isinara‘t ini-lock ang locker ko. Nagmamadali akong naglakad papalabas ng building namin. Narinig kong tinatawawag ako ni Meredith pero hindi ko ito nililingon. Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa Venice Park. Palinga-linga ako ro‘n at hinanap si Caelo. Namataan ko naman siyang nakaupo malapit sa fountain. Malalim na hininga ang binitawan ko saka nagsimulang maglakad papunta sa kaniya. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa kaniya nang makita ko si Star na nasa harap na ni Caelo. At kita ko ang malaking ngiti ni Caelo kay Star.

“Hindi ko inaalalang papayag ka, Star. Ikinagagalak kong na rito ka,” sa kabila ng masayang wika na ’yon ni Caelo ay siyang pangingilid ng luha ko. “Gusto kong sabihin sa ’yo ang aking tunay na nararamdaman nang harapan,” akala ko ako iyon...

“Gusto kita—” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang makita niya akong nakatayo, “Anong ginagawa mo rito, Natasha?” tanong niya na para bang bawal ako sa lugar na iyon.

Itinaas ko ang aking kanang kamay na kung saan hawak no‘n ang liham. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Caelo, napamilyaran siguro kung kanino ito galing.

“Paano napunta sa iyo iyan?” tanong niya.

“Hindi ko alam, sa totoo lang,” mahinang wika ko. Totoong hindi ko alam.

“I‘m sorry, Natasha...” Dinig kong wika ni Star. Kunot-noo ko siyang nilingon. “Nakita ko na iyan sa locker ko, magkatabi lang ang locker natin kung kaya‘y isinilid ko ito,” paliwanag niya.

Ang kaninang tuwa at excitement na naramdaman ko habang binabasa ang liham ay tuluyang nawala.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko nang nakakunot pa rin ang ang aking noo.

“Para sa akin talaga iyan... iniligay ko lamang ito dahil alam kong gusto mo si Caelo,” agad naman akong napalingon sa gawi ni Caelo. Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata.

“Bakit mo ginawa iyon?” Ibinalik kong muli ang tingin ko kay Star.

“Dahil alam ko ring nagustuhan ka rin ni Caelo, Natasha.” Nakatitig niyang wika.

“Totoo ba iyon, Caelo?” tanong ko, mahihimigan sa boses ko ang naghahanap ng pag-asa.

“Oo, nagustuhan kita... pero noon iyon, Natasha. Matagal na ang lumipas, mahigit tatlong buwan na rin nang tumigil ang pagkagusto ko sa iyo.” Wika ni Caelo. Napayuko ako‘t Napapikit. Naramdaman ko namang naglaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Bakit hindi mo sinabi?” mahinang tanong ko habang nakayuko pa rin.

“Alam kong mahal mo pa si Nico noong panahong iyon. Alam ko ring nais mo munang magpahinga, dapat ay maging maayos ka muna‘t handa muli. Kaya itinigil ko ang nararamdaman ko,”

“Pero bakit si Star na ngayon?” I looked at him, and our eyes met.

“Kung nabasa mo ang nasa liham, ay malalaman mo. Pasensya na, Natasha,”

Why can‘t we for once?” Lumuluhang tanong ko.

“I just like you, Natasha. I don‘t love you enough. Like and love are different. And my love for Star is very different. I liked you but I‘m sorry, I cannot pursue you, because you‘re not Star,”

her collection of different stories Where stories live. Discover now