“Argh! Nakakainis talaga si Ma‘am Ria!” Napatakip na lang ako sa tenga ko nang marinig ko muli ang boses ni Cray. Panglimang beses niya na ’yan e! Hindi halatang inis talaga siya kay Ma‘am Ria.
“Tigilan mo na nga kakasigaw mo riyan! Kapag may nakarinig sa ’yo tapos isumbong ka kay Ma’am Ria, ay ewan ko na lang talaga,” inis kong wika sa kaniya. Ewan ko ba at mainit ang dugo ni Ma’am Ria kay Cray, samantalang ang bait-bait niya sa amin.
“Hay nako, maayos naman ako sa klase niya, ah? Bakit gano‘n siya sa akin?” Nagsalubong naman ang kilay ko nang magtanong siya.
“Baliw! Bakit sa akin ka pa magtatanong? E mas lalong hindi ko alam bakit gano‘n trato sa ’yo! Kaysa mainis ka riyan, gawin mo na lang ang assignment natin sa 21st Century!” Nanlaki naman ang kaniyang mga mata, akala mo’y nakakita ng multo.
“Hala, oo nga! Nakalimutan ko na ’yun, ah! Tsk, gawin ko na nga para wala na akong gagawin sa bahay.” Palihim naman akong natawa sa inasal niya. Bukod kay Ma’am Ria, problema niya rin—kami pala ang 21st Century teacher namin. Nuknukan ng sungit!
“Patugtog ka nga, Russia.” Utos niya, kapal talaga. Dahil may load ako ay sa Spotify na lang ako nagpatugtog. Since naka-premium, shinuffle ko ito saka plinay. At sa kamalas-malasan nga naman, Fallen pa ang nag-play.
Napahinto ako saglit sa pagsagot ng assignment namin, tiningnan ko si Cray na kasalukuyang nakatingin din sa akin.
“Hindi ko alam na kineep mo ’yang kantang ’yan.” Natatawang saad niya. Hindi ko magawang tumawa dahil ang lakas nang tibok ng puso ko.
Tila nawala ako sa sarili, binitawan ko ang ballpen ko saka kinuha ang gitarang nasa gilid namin. Sinimulan kong mag-strum hanggang sa masabayan ko ang chords.
Habang naggigitara ay sinabayan ko ang liriko, sinabayan ko nang nakatingin kay Cray.
“Russia...” mahinang tawag niya sa pangalan ko. Pahina na nang pahina ang pag-strum ko hanggang sa matigil ko na ito, mas nangingibabaw ang kantang nagmumula sa cellphone ko.
“Maybe this song, this song reminds my feeling for you.” Fuck it, bakit ako umamin?! Hell no! This can‘t be.
“Since when?” He asked. Oh no.
“Since we are Grade 9, until now.”
“Why did you keep this song?”
“Because I like you, Cray. You recommended this song to me. Nang malaman ko ang lyrics, mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa ’yo. I was thinking if our feelings are same since you recommended this...”
“You are right, Russia. I recommend that song, because I want to confess my feelings for you. I like you too, Russia. I thought ma-ge-gets mo agad iyon. Magkaibigan nga rin talaga tayo. Parehas torpe sa isa‘t isa,”
“We are bestfriends, Cray, but what if I told you that I‘ve fallen?”
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION