26: Lunod

2 0 0
                                    

“You really are stupid, Gwen. Tanga ka ba o bobo ka? Alin sa ‘Hindi na kita mahal’ ang hindi mo maintindihan, ha? Wala na akong nararamdaman na pagmamahal sa ’yo at magiging kailangan lang kita kung gusto ko ng init. Ikaw ang magiging parausan ko,” dahan-dahan akong napayuko dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Ang kaniyang mga salita ay may diin na tila tumatagos sa puso ko kaya nasusugatan ito. “Oh, bakit ka umiiyak-iyak diyan? Ano ang mas masakit? Ang hindi na kita mahal o ang parausan ka na lang?” muling dagdag niya kaya‘t ang mahinang hikbi ko ay naging hagulgol na.

“Masakit pareho, nasasaktan ako sa kadahilanang hindi mo na ako mahal at ang nais mo na lang sa akin ay ang aking katawan. You really changed a lot. Hindi na ikaw ’yung Zack na nakilala‘t minahal ko,” mahinang wika ko, pinipigilan ang mautal sa kabila ng pag-iyak. “Bakit mo ako sinasaktan nang sobra, ha? May nagawa ba ako sa ’yo? Wala na ba ni katiting na respeto diyan sa puso mo? Kahit irespeto mo na lang ako bilang babae at bilang tao.” Hinarap ko siya, patuloy ang pag-agos ng aking mga luha kaya‘t nanlalabo ang aking paningin. Ngunit agad ko itong pinupunasan upang makita ang kaniyang mga mata. Hinahanap kahit ang salitang ‘awa’ ngunit wala.

“Wala, kahit respeto ay wala! Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi ka naman maganda. Ang puhunan mo nga lang ay ang talino‘t katawan mo,” hindi na talaga siya ang taong minahal ko noong una. Dahil kung siya ito ay hindi niya ako pagsasalitaan nang ganito.

“You‘re such a jerk, then. And yes, you‘re right. Fucking right. I am stupid. Stupid and gullible. Dahil sa katangahan ko ay napaniwala mo ako sa mga matatamis mong salita. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, na ikaw ang kasama ko sa mga ilang pangyayari sa buhay ko, na naging masaya rin ako sa ’yo minsan. Ang pinagsisihan ko ay ngayon lang ako nakaahon sa dagat ng mga salita mo. Ngayon lang ako ulit nakahinga nang maayos pagkatapos ng pagiging lunod sa ’yo.”

Ang pag-ibig ay para kang lumalangoy. Dahil ang inyong panahon ay parang agos ng tubig sa ilog, at ikaw ay kumakapit lamang sa isang sanga upang hindi mahulog. Mahulog kung saan matatangay ka ng agos at malulunod.

Ang lahat ng tao ay lunod sa pag-ibig, ngunit hindi ka tuluyang malulunod kung alam mo kung paano ka umahon. At hindi rin mangyayari iyon dahil kung mahal ka ng isang tao, sasabay siya sa agos upang mapuntahan at ilagtas ka.  Hindi niya hahayaan na malunod ka nang tuluyan at mawala.

her collection of different stories Where stories live. Discover now