“Mahal mo pa rin ba ako?” tanong niya sa akin.
“Oo naman. Bakit mo naitanong?”
“May tiwala ka ba sa akin?” Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
“Bakit gan‘yan ang mga tanong mo? Mahal kita at may tiwala ako sa ’yo,”
“Kung gano‘n ay sasama ka sa akin?”
“Eh? bakit? ano ba ang nangyayari?”
“Mahal kita, Valerie. Mahal na mahal. Ang gulo ng mundong meron tayo. Nais kong tumakas kasama ka. Magsimula tayo nang tayong dalawa,”
“Patrino...”
“Naiintindihan ko kung ay—”
“Sasama ako.” Pagputol ko sa kaniyang sasabihin. “Sasama ako sa ’yo. Sasama ako sa ’yo dahil mahal kita. Ayaw ko mang suwayin ang mga magulang ko, pero sa tingin ko, hindi naman p‘wedeng sila palagi ang magdedesisyon para sa akin. Panahon naman siguro para piliin ko ang nais ko,” dagdag ko. Sigurado ako sa desisyon ko. Siguradong-sigurado
Napayakap naman siya sa akin, naramdaman ko ang saya niya kahit na hinalikan niya lamang ako sa tuktok ng aking ulo.
“Salamat, Valerie. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyayari. Mahal na mahal kita,” kaniyang bulong. Napangiti at napayakap na lang din ako dahil sa kaniyang tinuran.
Tutol ang magulang ko sa relasyon namin ni Patrino. Dahil sa kalagayan ng buhay nila, ang kaniyang mga magulang ay magsasaka sa hacienda namin. Si Patrino naman ang hardinero ni nanay. May kapatid siyang dalawang babae at magkasama rin silang naninilbihan bilang katulong ng aming pamilya. Ang mga magulang ko ay ang may-ari ng isang malaking hacienda sa lugar namin. Iba‘t ibang klase ng gulay, prutas at palay ang hanap-buhay.
Kung kaya‘y tutol sila. Dahil daw sa estadong aming buhay. Mayaman daw kami at sila ay mahirap. Hindi raw akong kayang buhayin ni Patrino dahil sa kaniyang estado. Gano‘n ba talaga ’yon? Sa tingin ko ay hindi.
Hindi basehan ang estado; ang kayamanan at kapangyarihan. Aanhin mo ang taong mayayaman kung hindi ka naman tunay na mahal? Oo nga‘t may pera ang Isa sa inyo, ngunit matutumbasan ba nito ang pagmamahal na ibinibigay niya sa ’yo?
Naiintindihan ko ang ilang sabi-sabi na hindi ka mabubuhay kung puro pagmamahal lang. Hindi mo makakain ang pagmamahal. Ngunit naisip ko, pagmamahal pa rin talaga ang pinakakailangan. Kahit na salat kayo sa pera, pagmamahal ang kailangan. Dahil kung tunay n‘yo ngang mahal ang isa‘t isa, na roon ang tiwala, tulungan, damayan hanggang makaraos sa kahirapan.
Mas mabuti nang maranasan ang hirap kaysa sa hindi ka nga mahal, puro pera at kapangyarihan pa ang nalalasap. Mas pipiliin kong maging mahirap kasama siya. Dahil alam ko, at sigurado ako na mapagtatagumpayan namin ang lahat kung mahal namin ang isa‘t isa. Hawak kamay, tatakasan ang mundong nakasanayan. Mundo‘y magiging ikaw, at alam kong hindi na maliligaw.
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION