30: 10:00 P. M.

3 0 0
                                    

Binansagan akong Smiley sa section namin—scratch that, sa buong school. Kilala ako dahil active ako sa mga contests, clubs, and other non-curricular activities. Ngunit hindi lang sa pagiging active ako kilala, maging sa personality ko. Ang sabi nila friendly, approachable, mabait, at higit sa lahat ay masayahin daw ako, palagi raw kasi akong nakangiti at mukhang masaya.

Ngunit kabaliktaran kapag nasa loob ako ng bahay—ng kwarto ko. Kapag nasa kwarto ako ay roon ko nailalabas ang tunay na ako. Ako na tahimik, nagmumukmok, nangangamba, at palaging tinatanong ang sarili. Minsan ko na ring kinakausap ang sarili, naghahanap ng kasagutan sa sariling mga tanong. Ngunit wala pa rin ako maisagot.

Mas lalo lamang lumalala sa pagsapit ng alas-diyes ng gabi. Hindi ko maiwasang magtaka, bakit sa ganitong oras ay mas lalong lumalala ang sakit, pag-iisa, at pangungulila?

Subalit, sa kabilang banda, naisip ko na baka ang alas-diyes ng gabi ay para sa ating sarili. Libreng oras para sa atin. Marahil ang oras na iyon ay ang isang daan upang makapag-isip. Damhin lahat ng dinaramdam. Maging mahina kahit isang oras lang.

At pagkatapos ng 10:00 P. M. ay babalik sa dati. Babalik kung saan hindi mo na alintana ang mga sakit na nararamdaman, ang pag-iisang gusto mong takasan, ang pangungulilang nais mo nang wakasan, at ang pagiging mahinang pilit mong pinapalitan ng katatagan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

her collection of different stories Where stories live. Discover now