“Girl! Si Zeke nasa labas at hinahanap ka!” kinikilig na wika ni Ashley. Hindi ko mawari kung ano ang nakita nila rito para sila‘y kiligin because he‘s nothing to me.
“Hayaan n‘yo na lang siya riyan, busy ako sa pagbabasa,” walang buhay kong sagot.
“Sus, fiction lang naman iyan! Si Zeke, totoo na, mala-fictional pa ang katawan!” rinding-rindi na ako sa tinis ng kaniyang boses.
“Red flag naman,” hindi ko maiwasang kontrahin ang sinasabi niya dahil totoo iyon, mula sa katawan at sa mukha ni Zeke ay pang-fictional ngang talaga. Ngunit totoo ring red flag siya. Green flag sa una, red flag sa huli. “Tigilan mo na ako, Ashley! Nagbabasa ako, oh.” Litanya ko sabay pakita ng hawak kong libro. “Kapag hindi ka pa tumigil d‘yan sa kaka-Zeke mo, ihahampas ko ’to sa ’yo!” Napatulis naman ang nguso niya sa sinabi ko, bubulong-bulong pa.
Hinayaan ko na lang siya saka tumayo at nagpunta sa likuran, wala raw klase sa oras na ’to kung kaya‘y malaya ako sa pagbabasa. Napapatigil lamang ako dahil may bangaw.
“Anastacia.” Mariin akong napapikit nang marinig ang pangalan ko. Ito na naman, kailan ba nila ako patatahimikin sa pagbabasa?!
Huminga muna ako nang malalim bago ko nilingon ang kaliwang direksyon kung saan nandoon si Zeke at nakatayo sa harap ng bukas naming pinto sa likuran ng room.
“Tigilan mo na ako, Zeke. Hindi ako katulad sa ibang riyan na handang maging flagpole para sa ’yo,” seryosong wika ko. Ang kulit kasi, ayoko pa man din na pinipilit ako sa isang bagay na hindi ko gusto.
Dahan-dahan siyang lumapit sa harapan ko. “Anastacia naman, bigyan mo ako ng chance. Promise, magbabago ako.” Itinaas niya pa ang kaniyang kanang kamay na para bang nanunumpa.
“Just not me, Zeke. Leave me alone.” Iniwan ko siya ro‘n at muling lumipat ng upuan. Ngayon, nasa tabi na ako ng bintana at kahit kaaya-aya ang amoy dahil malapit ito sa basurahan ay mas pinili ko na lamang na rito manatiling umupo.
Sariwa pa rin sa akin ang senaryong iyon. Na kung saan pinapalayo ko si Zeke, na huwag ako. Ngunit nilunok ko rin ang lahat ng sinabi ko 1 year ago. Ang sabi ko sa aking sarili ay hindi ako magpapauto kay Zeke. But look at me now, I’m inlove with him. Sadly, he just used me.
Pinagpustahan. Pinag-trip-an. Isang dare lamang. Ginamit lang para mapabalik ang tunay na nagmamay-ari sa puso niya.
“Isa sa pinagsisihan ko ang mahalin ka, Zeke! Napaniwala mo ako sa pesteng promise na ’yan!” Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko, para ring pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
“H-humingi ka ng chance, b-binigyan kita. Pero ano n-napala ko? Wala! W-wala, Zeke. Nasaktan lang ako,”
“I‘m sorry, Anastacia. I‘m sorry for what I‘ve done.” Napaatras ako nang tangkain niya akong lapitan, hinding-hindi na ako papayag na makalapit pa siya sa akin. Na kahit mahal ko siya, pipilitin kong ibaon sa limot ang pagmamahal na nabuo para sa kaniya.
“S-sorry isn‘t enough, Zeke. Malalim ang sugat na inimarka mo sa puso ko,” ang mga luha kong kanina pa tumutulo ay hindi pa rin matigil. Maging ang ulan ay sumasabay sa aking pag-iyak, dinadamayan sa pighating nararamdaman ng aking puso.
“S-sana hindi mo na lang ako pinaasa na m-mamahalin mo rin ako. S-sana hindi mo na lang ako p-pinaniwala na m-mahal mo ako pero may h-hinihintay ka pa lang bumalik. S-sana hindi ka na lang nangako,” kahit na naghahalo na ang tubig-ulan at luha ko, marahas ko itong pinunasan. Nagbabakasaling titigil ito, ngunit nagkamali ako. Patuloy pa rin sa pag-agos na parang isang ilog.
“Today, I will forget you in my mind, and especially in my heart. I will forget your existence in this world. And I will never give my trust on you, even you promised. From now on, I believed in ‘Promise is meant to be broken’.”
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION