8: 10 Steps

3 0 0
                                    

Letting go or stay?

It’s hard to make a decision, right?

It’s hard when you loved someone but she‘s hurting you again and again.

Saying sorry isn‘t enough.

I love her very much. I love her flaws. I love everything she hates, even herself.

But I can‘t take this anymore. Yes, I love her. But it doesn‘t mean I will always stay.

Accepting her again and again in my life but in the end she will find another someone. And if I caught her, that damn SORRY is the only one I heard again from her.

“Sorry, Vixen. Hindi ko na uulitin, promise.” Itinaas niya ang kanang kamay para mangako, ULIT.

“Iyan ka na naman sa mga pangako na ’yan pero sa huli nagagawa mo pa ring baliin. Ilang beses na ba kitang binigyan ng pagkatataon? Ilang beses na ba kitang tinanggap muli? Ilang beses ka na bang nangako? Ilang beses na ba akong naghintay sa ‘Hindi ko na uulitin, promise,’ mo? Ilang beses na ba akong umasa na magbabago ka? Hindi ko na mabilang, Thea,” sa pagkatataon na ’yon ay umiyak na ako.

“But you said you love me, right? If you love me, you will give me another chance to fix my mistake,”

“Yes, I love you but it‘s hurt. I can‘t take this anymore.” Hinawakan niya ’yung kamay ko at nagsimula na ring tumulo ang luha niya. Nagmakaawa na bigyan ko ulit siya ng pagkatataon.

“That‘s my final decision, Thea. This time, I‘m choosing myself, and I‘m sorry for that.” Inalis ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin saka ako unti-unting naglakad palayo.

“Vixen, 10 steps, please. K-kapag humakbang ka ng sampo nang hindi lumilingon sa akin, hindi na kita kukulitin, hindi na ako manghihingi ng chance dahil p-pagkatapos ng sampong hakbang malaya ka na. Kapag lumingon ka, magiging tayo ulit. T-utuparin ko na ‘yung pangako ko,” I said yes to her request. It’s my final decision.

Unang hakbang...

I remembered when I met her accidentally, nakiupo lang siya sa table ko during lunch time. And I saw her beautiful smile.

Pangalawang hakbang...

Dahil doon ay naging malapit kami. Magkasamang mag-aral, kumain ng lunch, umuwi at gumawa ng homeworks.

Pangatlong hakbang...

A few months later, she confessed. She‘s having a feelings for me. At that time, I also have a crush on her.

Pang-apat na hakbang...

Niligawan ko siya. Pinakilala niya ako sa parents niya bilang manliligaw. At ’di nagtagal ay ibinigay niya ang matamis niyang “oo”.

Panglimang hakbang...

Naging maayos ang relasyon namin pero kagaya ng ibang relasyon, hindi ito perpekto at hindi rin maiiwasan ang away. Ngunit inaayos namin agad at hindi na pinapatagal dahil iyon ang tamang gawin namin.

Pang-anim na hakbang...

Nag-celebrate kami ng 5th monthsarry. At doon nagsimula ang maliliit na away hanggang sa lumalaki na lang.

Pang-pitong hakbang...

Akala ko ayos na pero nagkamali ako. Nahuli ko siya na nakikipaghalikan sa iba sa tuwing hindi kami ayos. Ilang beses ko siyang nahuli. Ilang beses siyang nag-sorry at nangako. Ilang beses ko siyang pinagbigyan.

Pang-walong hakbang...

Binigyan ko siya ulit ng pagkakataon dahil mahal ko. Tinanggap ko siya nang paulit-ulit kahit masakit.

Pang-siyam na hakbang...

Nasagad na ako. Nasaktan na ako nang sobra. Nakalimutan ko ang sarili ko dahil sa taong mahal ko. Na habang inaayos ko ang relasyon namin ay nasisira na pala ako nang hindi ko alam.

Pang-sampung hakbang...

Ngayon, na-realize ko na sobra na pala ang lahat ng nagawa ko. Tama na ’yon. Napatawad ko na siya. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko at minahal ko siya dahil minsan niya nang napasaya ang buhay ko. Oo, mahal ko pero kailangan ko nang bumitaw.

“We‘re done, Thea. Ayusin mo ’yung sarili at mga pagkamamali mo. Ayusin mo ang iyong sarili para sa sarili mo huwag para sa ibang tao. I hope you will find the true definition of love even though you hurt me a lot,”

After saying those, I left her.

Minsan hindi porque mahal mo ay mag-s-stay ka palagi kahit sobra ka nang nasasaktan. Hindi porque nangako siya ulit ay aasa ka na naman. Hindi porque binigyan mo ng pangalawang pagkatataon ay hindi na uulitin. Hindi porque nagbigay ka ng pagkatataon ay aasa ka nang magbabago siya.

Kung pinapahalagahan ang pagkatataon na binibigay ay hindi dapat iyon sayangin. Kung binigyan ka ng pagkatataon, magbago ka hindi para sa kaniya kun’di para sa sarili mo.

Always know your worth. You are worth it. You are enough. Don’t settle in less for people who doesn’t see your worth.

her collection of different stories Where stories live. Discover now