“Oh, hi! Ikaw pala.” Nakangiting saad ko.
“Fhrex, kumusta?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Nasa isang milktea shop kami ngayon malapit sa school na pinapasukan ko. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Dahil ang alam ko lang ay hindi na sila rito nakatira.
“Ayos lang naman, ikaw ba? ’Tsaka bakit ka pala na rito?” tanong ko rin.
“Ayos lang din. Babalik na kami rito, Fhrex. Dito na ulit kami titira at dito na ulit ako mag-aaral,” tila nabingi ako dahil sa sinabi niya.
Dalawa lang ang nararamdaman ko. Masaya at masakit.
Masaya kasi makasasama ko ulit siya.
Masakit kasi ito na naman ako, mararamdaman ko ulit ’yung pakiramdam na gusto ko nang tigilan.“Ahh, buti pumayag si Tita?” tanong ko sabay kuha ng milktea ko na nasa mesa.
“Actually, siya ’yung gustong bumalik dito. Pumayag na lang din ako.”
Hindi niya gustong bumalik? Bakit? Kung hindi ba gusto ni Tita Amilia, hindi siya papayag?
May kirot akong naramdaman.
“Ohh, okay. Paano pala pag-aaral mo?” Inilapag ko ulit ang milktea sa mesa at nagsimula ulit na magsulat para sa reviewer ko.
“Doon pa rin ako, ba-byahe nga lang. Wala ‘yung strand na kinuha ko sa school dito e. Mahihirapan din akong mag-adjust kapag second sem ako mag-ta-transfer at mag-shi-shift ng strand,”
“So, grade 12 ka na lilipat?” Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango siya. Wala na akong masabi o matanong. Kung kaya‘t katahimikan ang namayani sa amin ng ilang minuto.
“Kumusta kayo ni Lorenz?” pagputol niya sa katahimikan. Napahinto naman ako saglit.
“Tinapos na namin,” mahinang saad ko.
“What do you mean?”
“I don‘t love him, and he doesn‘t love me. Yeah, quits. But it‘s okay. I‘m fine with it. And I actually wanna focus on my studies,” I said.
“Hmm, that‘s good. Is that all the reasons?”
“Sa totoo lang, hindi. Ayoko mang aminin dahil gusto kong ako na lang ang makaaalam ngunit, alam kong kailangan mo ring malaman.” Umayos siya ng upo dahil doon.
“Nakakakaba naman, ano iyon?”
“Ikaw pa rin, Zyren,”
“H-ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Kahit sino man ang dumating, ikaw pa rin e,” ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko masabi. “Hindi ko na alam, Zyren. Hindi ko na alam kung bakit pa kita ginugusto. Kapag may nakikita akong mga lalaki, lagi ko silang nakukumpara sa ’yo. Ang laki ng lamang mo sa ’di maipaliwanang na dahilan. Ikaw at ikaw pa rin ang pinipili ko.” Umiwas siya ng tingin sa akin kaya gano‘n din ang ginawa ko.
“Gusto pa rin ba ang tawag kahit hindi mo na alam bakit ikaw pa rin ang pinipili ko? Sa tingin ko‘y mahal na. Ngunit hindi ko rin alam kung paano malaman kung mahal mo na ang isang tao.” Pagpapatuloy ko dahil nanatili siyang walang imik. Marahil ay nagulat muli dahil sa pag-amin ko ulit.
Oo, ULIT. Maraming beses na akong umamin. Ewan, pero gusto kong pag-usapan ang sa amin kahit wala naman talaga dapat na pag-usapan.
“Kung para sa akin, masasabi kong mahal mo siya kung ikaw at ikaw ang pipiliin niya, kung handa kang harapin lahat ng bagay kasama siya. That‘s my definition in love.” Saad niya, napatingin naman akong muli sa kaniya.
“Yeah, you have a point. Bakit ka nga rin ba papasok sa isang relasyon kung hindi ka handa, hindi ba?” Tumango lamang siya, “Kung para sa akin naman, kapag hindi mo na maipaliwanag kung bakit kahit ilang taong lumipas, kahit wala kayong communication, siya‘t siya pa rin.”
“Pero hindi pwede, Fhrex. Ang hirap mag-desisyon, pero pinipili kong huwag muna. Na may tamang oras na nakalaan para ro‘n,” sa pagkatataon na iyon ay binalik niya ang tingin niya sa akin. ‘Yung tingin niya, sumasagot ng ‘hindi’ talaga kaya unti-unti akong tumango. Senyales na naiintindihan ko dahil ayoko ring madaliin.
“Naiintindihan ko pero hayaan mo sana akong mahalin ka hanggang kaya ko. Hanggang sa mawala ’yung nararamdaman ko para sa’yo. Maybe this time isn‘t right for us,”
He held my hand, and smiled at me. Pagkatapos ay bibitawan niya iyon agad at umalis.
•••
10 years ago. 10 years ago since my last confession on him. Exact place, exact time, exact date but he‘s not here. He is happy now, with his wife and kids.
He was happy and I don‘t wanna ruin it. I‘m happy for him. I‘m silently admiring him from afar.
I will continue to admiring him until the right love will come over me.
I loved him since when I was 14, and I am 24 now. He’s still the man that I want but couldn’t have.
Greatest Love? Maybe you will call it greatest love when after so many years, he’s still will you choose, if you don’t see other man because your focus is only him, if you don’t want anybody, just him only, and if you both have potential to be in a relationship but never end up. That is my definition in greatest love.
If you truly love the person, give him/her the happiness that he/she deserves, be contended admiring him/her from afar.
But don’t hurt yourself too much, don’t make him/her as your world. You have your own world too. He/she has own life, same with you.
Someday, you will choose the decision of cutting the relationship you had with him/her, to set you free. Because if you were not cut that, you will imprisoned on his/her world without him/her knowing.
Accepting the situation, and setting you free from him/her is totally happiness.
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION