“Wala kang payong?” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang tanong ng boses lalaki na nasa likod ko, “Si Darvin ’to,” pagpapakilala niya sabay punta sa unahan ko. Salubong ang aking kilay at nangunot ang aking noo dahil basa rin siya.
“Ba‘t ka naliligo sa ulan?” tanong ko.
“I... actually wanna join with you,” he said. Mas lalo ko siyang tiningnan nang may pagtataka, “And I wanna say something,”
“Ano ’yon?” hindi namin alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko alam pero interesado ako sa sasabihin niya at kung bakit siya nandito.
“Maaari ba tayong maglakad-lakad? Damhin natin ang lamig ng hangin at ingay ng ulan,” nagtataka man ay nagpatiuna akong maglakad. “Bakit nagpapaulan ka?” tanong niya nang makapantay na ako sa paglalakad.
“Nakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ako nagpapaulan,” mabilis kong sagot.
“Maaari ba iyon?” I just shrugged my shoulders. Hindi ko na rin kasi talaga alam kung bakit ako nandito.
“Ano pala ’yung sasabihin mo?" tanong ko naman. Patuloy ako sa pagpunas ng mukha dahil nanlalabo ang aking paningin dahil sa ulan.
“Gusto ko sanang sabihin na mahal kita,” awtomatiko akong napatigil sa paglalakad at dahan-dahan siyang hinarap.
“H-huh?”
“Mahal kita, Tiffany. Noon ko pa gustong sabihin sa ’yo iyon pero wala akong lakas ng loob. Ayos lang kung hindi mo ako mahal—gusto, naiintindihan ko.” Litanya niya. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
“Mahal din kita, Darvin. Noong unang kita ko pa lang sa ’yo nagustuhan na kita. Hindi lang ako umamin dahil may ibang babae na tinutukso sa iyo. Sa totoo lang ay nagseselos ako no‘n ngunit wala akong karapatan. Dahil unang-una, hindi mo alam ang nararamdaman ko sa ’yo. Masakit iyon. Pero hinayaan ko, pinaubaya kung iyon ang tamang salita,” mahabang wika ko. Hindi ko inaakalang sa gitna ng malakas na buhos ng ulan kami magkaaaminan.
“But I don‘t love her, I promise. I will never ever love her. And that‘s past, Tiff. Already happened. We‘re in present now. That‘s the more important. I love you, Tiffany,” walang masidlan ang tuwa sa aking puso. Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi na tila aabot pa ito sa aking tainga. Ilang saglit pa‘y napagpasyahan naming sumayaw. Sa gitna ng daan at ulan. Hindi alintana ang lamig na yumakap sa amin, bagkus mas lalo pa naming pinag-igihan ang pagsasayaw sa ilalim ng ulan.
Ngunit... panandalian lamang ang sayang iyon. Dahil sa isang iglap ay hindi ko na hawak ang kaniyang mga kamay. Nanlalabo ang aking paningin. Hindi ko na siya makita dahil sa ulan...
Napamulat ang aking mga mata. Nagising sa katotohanan.
Unti-unting bumabagsak ang mga luha.
Isang panaginip. Ngunit ito‘y totoo.
Dahil wala na sa Darvin sa mga oras na ’to.
He died. He died because of car accident. He died at that moment we‘re under the rain.
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION