A/N: I tried my best to make this short but still, 1K+ words.
“Sorry pero rito muna ’ko, ha? Wala na kasing bakanteng table e,” pagpapaumanhin niya pagkatapos niyang umupo sa harapan ko.
I smiled at her. “No problem, Madam. Wala ka bang friends dito? Napapansin kita lagi na nag-iisa ka,” tanong ko saka nagsimulang kumain. Napatigil siya saglit. Nag-aalala naman ako dahil baka na-offend siya.
“Wala e. Simula Grade seven dito na ako nag-aaral. Hindi ko kasi hilig ang makihalubilo sa iba. Tapos magiging close mo sila but in the end iiwan ka nila. Hindi na papansin kasi may bago na silang nakikila,” makahulugang wika niya na tila may pinaghuhugutan.
“Bakit? Naranasan mo na ba?” Tumango lang siya saka magpatuloy na kumain. Hindi na rin ako nagtanong sa kaniya. At tinapos na lang ang pag-kain. Halos sabay lang din kaming natapos.
“Salamat sa pakiki-table sa akin,” and then, she smiled. Oh, god. She‘s too beautiful with her smile.
“W-walang anuman,” utal kong sabi dahil sa ngiti niya. Bakit gano‘n?
Patayo na sana siya dala ang tray na kaniyang pinagkainan nang hawakan ko ang braso niya.
“Bakit?” inosente niyang tanong.
“What‘s your name?” I asked.
“Traczie. Traczie Abbighael.”
I offered my hand to shake with her hand. And she accept it. “Damian Luiz. Nice to meeting you, Abbi,” I smiled at her.
After we shaked our hands, I asked her again. “You don't have any friends, right?” nawala ang ngiti niya ro’n pero agad ding tumango. “Then, be my friend—no, scratch that. Not just only friend, Abbi. Can you be my best friend?”
“Talaga?” Agad naman akong tumango. Bumalik ulit ’yung napakaganda niyang ngiti na mas lalong nakapagpaganda sa maamo niyang mukha. Sabay naming inihatid ang tray sa area nito. Sabay din kami nagpunta sa building at room namin.
Kaklase ko siya kaya lagi kami magkadikit. Nagseselos na nga raw ang mga tropa ko dahil si Abbi na lang daw ang kasama ko. At dahil doon pinakilala ko siya sa tropa ko, nagustuhan nila si Abbi bilang kaibigan. Naging prinsesa siya ng buong tropa. Kapag umiiyak siya dahil may nang-aaway sa kaniya kami lagi ang kasama niya. Kami na lang din ang nagtatanggol sa kaniya dahil hindi niya kayang lumaban pabalik. Minsan na kaming na-suspend sa pagtatanggol sa kaniya pero hindi namin pinagmumukha sa kaniyang kasalanan niya. Wala siyang kasalanan dahil kami ang pumasok sa sitwasyon na ’yon.
Graduated na kami ni Junior High. At napakasaya namin dahil nalampasan namin ang journey as High School Student. Nagkayayaan mag-celebrate sa mall ngunit nauwi rin kami sa bahay ni Abbi.
Tapos na ang graduation at celebration, ngunit hindi ang aking confession.
Limang araw na ang lumipas pagkatapos ng graduation namin ay wala na kaming natanggap na message mula kay Abbi. Alalang-alala na kami.
Kung sino-sino na ang pinagtanungan naming malapit sa kaniya, pero wala. Miski sila ay hindi alam kung na saan si Abbi. Hindi lang pala si Abbi ang dapat naming hanapin. Maging sina Tita Lina, Tito Alfred at ang nakababatang kapatid niyang babae, si Lixia. Buong pamilya pala nila.
Buwan na ang lumipas at pabalik-balik na kami sa bahay nila. Nagbabakasakaling makita ulit namin sila. Minsan pang may sumulpot na matandang babae na nagsabi na nasa ibang bansa na ang si Traczie, maging ang pamilya nito.
Doon ay mas lalo kaming nawalan ng pag-asa.
Unti-unti na kaming nasasanay na hindi na namin kasama si Traczie. Ngunit hindi pa rin namin maiwasang ang magtanungan patungkol sa kanila.
“P’re, may balita na ba kayo kay Traczie?” tanong ni Gavin sa amin ni Nathan sa kalagitnaan nang paggawa ng project namin.
“Wala,” tanging sagot ko. Nagtaka naman ako kay Nathan dahil hindi siya sumagot at tahimik lang.
“She‘s here,” sagot niya pagkalipas ng ilang minutong hindi siya sumagot.
“Na saan?” Sabay na tanong namin ni Gavin.
“Nasa dating bahay nila bago sila umalis,”
“Paano mo nalaman na nandito siya?” tanong ko.
“Sinabi niya sa akin,” nagtaka naman ako dahil wala kaming contact ni Gavin kay Abbi.
“W-wait, what?” takang tanong ni Gavin.
“You heard me. I have contact on her,”
“Since when?” I asked.
“Hindi naman nawala ang contact namin sa isa‘t isa,”
“WTF, Nathan? Bakit hindi mo sinabi, ha?! Hindi na namin alam kung saan kami pupunta ni Gavin para hanapin o maghanap ng contact kay Abbi tapos ikaw na kasama namin ay alam pala!”
“I‘m sorry if I didn‘t tell to both of you and I‘m sorry because Traczie and I are in a relationship,” natahimik ako bigla. Sila na pala?
“Kailan pa?” mahina kong tanong.
“Graduation,”
“Bakit, Nathan? Bakit itinago mo sa amin?”
“I’m scared, we both scared. Natakot kami na sabihin baka paglayuin n‘yo kami,”
“Ohh, hi guys! Traczie is back!” Napatingin ako sa pintuan kung saan nandoon siya.
Si Abbi.
She‘s here. She‘s totally back.
“Hi, Nat! How are you? Okay ka na ba?” Nagpunta siya kaagad kay Nathan at idinampi niya ang likurang bahagi ng kaniyang kamay sa noo ni Nathan.
“I‘m already okay, babe.” Nakangiting saad nito.
Okay, that‘s hurt.
Hindi ako sumali sa kwentuhan nila. Tahimik lang akong pinagpapatuloy ang paggawa ng project ko. Nang matapos ay lumabas ako at nagpunta ng garden nila Nathan. Pinagmamasdan ang mga bulaklak ni Tita.
“Nandito ka lang pala,” I miss that voice.
Hindi ko siya tiningnan. Naramdaman kong umupo rin siya sa upuang inuupuan ko.
“Hindi n‘yo sinabing may contact kayo sa isa‘t isa ni Nathan.” Saad ko habang nakatingin pa rin sa mga bulaklak na nasa harap namin.
“Sorry,”
“At hindi n‘yo rin sinabing kayo na pala...” Litanya ko. “Huli na pala ako,” mahinang bulong ko.
“Hindi ko narinig ’yung huli mong sinabi, ano ’yon?”
“Huli na pala ako,” pag-uulit ko sa sinabi ko ngunit sapat na para marinig niya. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin.
“Sana pala umamin ako, Abbi. Nakapapangsisi dahil nahuli ako. May nanalo na ngayon,”
“Damian.” Hinawakan niya ang braso ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya at hinayaan lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
“Kahit may Nathan ka na, aamin pa rin ako. Mahal kita, Abbi. Kahit masakit handa akong magparaya kasi gano‘n kita kamahal.” Nakatingin na ako sa kaniya ngayon, hanggang sa hindi ko na kaya at ako rin ang kusang bumitaw sa tingin na ‘yon. Tumayo ako kung kaya‘t natanggal ang pagkahahawak niya sa braso ko.
“I want you to be happy, Abbi. You deserve happiness. Even it hurts me. Hindi ako manggugulo. Hahayaan ko kayo kahit masakit,” after saying those words ay umalis na ako.
Love can give you happiness but not all the time.
Love can hurt you in different ways. Just be ready.
Let go and be happy for her/him.
Letting go isn’t easy but if it is for your love one, you will do it even you are hurting.
Pain is a part of love. And that pain can give you a lot of lessons.
YOU ARE READING
her collection of different stories
Randomi wrote these stories because i had to. these stories are somehow accidentally came out of my mind or based on experience. EDITED VERSION