4: Be Careful What You Wish For

3 0 0
                                    

If I die would you cry?

I bet you won‘t.

Y‘all don‘t have any care, so why would you waste your tears to me?

“Huwag mo nga pagalitan ang kapatid mo! Hindi ikaw ang nagluwal d‘yan!” Heto na naman tayo.

“Ayan! D‘yan kayo magaling! Ayaw na ayaw n‘yong pinapagalitan ko ’tong anak n’yo. Bakit? Kasi ate niya lang ako? Kasi anak lang ako? Para akong pipi rito sa pamilyang ’to e! Wala akong karapatan magsalita, wala akong karapatan magbigay ng opinyon o ng kahit ano kasi anak lang at mali ako. Gano‘n naman palagi, ’di ba?” hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko, na kahit ayaw kong sagutin ang mama ko, nagagawa ko pa rin para depensahan ang sarili ko.

“D‘yan ka rin magaling! Ang sumagot at magmagaling! Oo na ikaw na ang tama, at ako na ang mali! Lagi n‘yo rin naman pinapamukha sa akin na mali ako kaya oo na! Tumahimik ka na! Wala ka pang galang!” ganito, ganito palagi ang sagot niya sa akin. Masama bang magsalita ako?

“Ma, hindi ko sinabing palagi kang mali. Ang akin lang, hindi kayo palaging tama na para bang kayo na ang perpektong tao sa buong mundo. Pinagsasabihan ko ’yang anak mo kasi ayaw makinig, ayaw magpautos. E ano na lang gagawin niya? Wala? Tapos sa susunod magrereklamo ka kung bakit gan‘yan ang ugali ng anak mo? E ini-spoil n‘yo! Paano hindi magiging gan‘yan ’yan? Oo, naging spoiled ako pero hindi ako dumating sa puntong naging gan‘yan ang ugali ko. Pagsabihan mo rin naman, ma. Ipaintindi mo na may mali rin siya.”

“Oo na nga e! Tama ka na! Tumahimik ka na! Pare-parehas lang kayong tatlo! Magsama-sama na lang kayong tatlo kapag ako namatay!” ayoko sa lahat ay idinadamay niya pa ang bagay na iyon. Ayoko. Ayokong mangyari.

Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mamatay kaysa siya.

“Bahala nga kayo! Hindi na ako makikialam! Hindi naman ako ang mahihirapan e. Goodluck na lang sa kaniya,”

“Tumigil ka na! Sana mamatay ka na lang e!”

Ganito palagi ang eksena sa loob ng bahay. Kapag wala ang papa ko, sigawan palagi.

Ang dahilan ng sigawan? Kapatid ko.

Masyadong spoiled, ayaw mautusan pero kung makahingi ng pera akala mo may bangko siya.

Pero kung nandito si papa, isa siyang maamong tupa. Sumusunod agad kapag uutusan mo, nasasaway kapag sasawayin mo. Masyado siyang plastic sa harap ng tatay namin, at iyon ang kinaiinis ko.

Araw-araw na pagtatalo, walang humpay.

Bawat pagtatalo, hinihiling nilang sana hindi na lang nila ako naging anak.

Bawat pagtatalo, wala akong ibang kakampi kun‘di ang sarili ko.

Bawat pagtatalo, ang gusto ko na lang ay makalayo.

Bawat pagtatalo, hinihiling kong sana patay na ako.

“Tulong! Tulungan n‘yo ako rito!” hindi ko maidilat ang mata ko sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Parang unti-unti akong pinapatay...

“Anak! Huwag mo kaming iwan!” Tumatangis siya. “Pasensya na, anak! Nandito na ako, huwag mo lang kaming iwan!”

Kilala ko ang tinig na iyon...

Pahina nang pahina ang kaniyang sigaw, maging ang puso ko‘y hindi ko na marinig.

Why she‘s crying? Is this a part of her acting?

This is your wish, I hope you are happy because you won‘t see me forever. Just be careful what you wish for next time...

A/N: Cheer up for those oldest child. : )

her collection of different stories Where stories live. Discover now