🌸 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭 🌸
Lumaki akong kasa-kasama ng mama ko sa kanyang trabaho,isa siyang maid ng isang mataas at kilalang tao,ngunit labis ang aking kalungkutan lalo na kapag nakikita kong sinasaktan si mama ng kanyang mga amo.
Bata palang ako sinasama ako ni mama para daw may kahulugan siya doon,hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko ring samahan si mama at tulungan na rin,Masungit at mapanghusga ang amo namin,minsan hindi niya kami pinapakain hindi sine-swelduhan ng tama,at sinasaktan pa niya si mama,Hindi ko alam kung bakit lahat ng iyon ay tinitiis ni mama subalit pwede naman siyang umalis nalang at maghanap ng ibang trabaho.
"Sandy,anong tinatanga mo diyan?tulungan mo na ang mama mo para mabilis matapos ang gawain niyo mamaya dadating na ang mga bisita ko," galit na sigaw ng amo naming babae.
" Sige po madam," sagot ko lang at tumakbo ako palapit kay mama.
Medyo natatapos na rin namin ang paglilinis sa sala at naupo lang ako saglit sa maliit na lamesa ng hindi ko alam na may vase palang nandun hindi ko napansin iyon kaya nahulog at nabasag.
"Jusko sandy anong ginawa mo? bakit hindi ka man lang nag iingat? mapapagalitan na naman tayo kay madam Annie nito," kabang kaba na sabi ni mama at hindi na niya alam ang ginagawa niya dahil natataranta na ito na baka pag initan na naman daw kami ni madam annie.
Ilang sandali pa malayo palang si Madam Annie ay sumisigaw na ito at nagmumura palapit saamin ni mama.
" What's that, who's the idiot who broke my vase? Madam Annie angrily asked.
Nagtinginan lang naman kaming mag ina." Walang sasagot? Sino? sigaw pa nito.Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si mama.
"A-Ako po madam,pasesnya na hindi ko kasi napansin," pag aako ni mama ako naman talaga ang nakahulog ng vase ngunit inako niya lang iyon.
" Ikaw na naman? Ilang beses ka ng nakabasag ng gamit dito sa bahay,ang lumpo lumpo mo naman,Alam mo bang mahal ang vase na ito?gusto mo isampal ko yang basag na vase sa mukha mo ah!nangigigil na sigaw ni madam Annie habang hila hila niya ang buhok ni mama.
" Madam tama na ho,ako po ang may kasalanan,hindi naman namin sinasadya,ikaltas niyo nalang po sa sahod ko," pag mamakaawa ko habang hinaharangan ang mama ko upang hindi na niya masaktan.
" Ikaltas sa sahod mo? kulang pa ang sahod mo pambayad dito,gaga," galit na ika niya at padabog ng umalis.
"Sandy,hindi ka na dapay nakialam," mahinhin paring sabi ni mama.
" Ma,bakit mo naman inako yung kasalanan ko? Tignan mo nasaktan kapa niya tuloy,grabe naman sila,porket mahirap lang tayo inaapak apakan nalang nila tayo ng ganito," sambit at hindi ko na napigilan pang mapaiyak.
" Kaya nga anak,nagsasakripisyo akong magtrabaho para lang mapa aral kita,Sana isipin mo ang kalagayan ko dito,Kaya kong tiisin ang lahat ng ito basta ipangako mong mag aaral kang mabuti at magtatapos para hindi ka magaya saakin anak," ani ni mama at kitang kita ko ang pagpipigil nito sa mga luha niya.
"Ma..pwede ka namang umalis dito sa bahay na ito,hindi niyo kailangan pang mag tiis,kung gusto niyo uuwi nalang tayo ulit sa Isabela doon ko nalang ipagpapatuloy ang pag aaral ko total gagraduate naman na ako eh."
" Sandy kaya nga gagraduate kana,malapit naman na anak,kaya ko pa naman ang sarili ko,basta ang importante ikaw,umuwi kana sa bahay at asikasuhin mo na ang sarili mo," ani pa nito ayoko sanang iwan si mama ngunit kapag magtatagal pa ako rito ay masagot ko pa ang amo niya at baka iyon pa ang dahilan ng ikapapahamak ng mama ko.
Naglalakad nga ako pauwi ng bahay ng may biglang humarurot na kotse at muntik na niya akong mabangga,dahil sa inis ko nga ay kumuha ako ng maliit na bato na medyo may kalakihan naman ng konti at ibinato ko sa kotseng iyon ng bigla akong napatakip sa mukha ko ng sa ulo pala ng isang lalaki tumama ang batong inihagis ko,tumingin pa saakin ang lalaki at pagkatapos nun ay bigla na lamang siyang natumba at hindi na humihinga.
"Jusko...jusko anong gagawin ko,namatay na ata siya,kuya kuya tulungan niyo po ako,napatay ko ata siya,pagtawag ko sa mga tao sa paligid at kabang kaba ako at agad kong idinikit ang ulo ko sa dibdib ng lalaki upang pakinggan kung humihinga pa ito.
Buti at may nagmagandang loob na tumulong saamin at dinala nga namin sa hospital ang lalaking nabato ko sa ulo.
" Anong nangyari? nagdurugo ang ulo niya,"tanong ng doctor.
" Hi...H-Hindi ko po sinasadyang nabato siya,kumusta po siya?okay na po ba siya? magiging okay po ba siya? sunod sunod kong tanong sa doctor.
Mga ilang sandali ay sinabi na ng doctor na gising na raw ang pasyente at hinahanap raw niya ang mommy nito.Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ng binata at pagpasok ko ay wala namang taong nakahiga sa bed kundi ang unan lang na nagmistulang tao dahil sa kumot.
Nagulat na lamang ako at napasigaw ng may gumulat saakin sa likuran ko at ang lalaki nga iyon na nabato ko,tila wala lang sa kanya yung tahi sa ulo niya,hindi ba kaya masakit yun?" Sino ka? and why are you here? siguro nag i-spy ka no? sambit nito.
" Huh! Anong spy ka diyan,Hindi mo ba ako matandaan? nandito lang ako para humingi ng sorry sayo,Sorry nga pala kung ikaw ang natamaan ng batong inihagis ko,bakit ba naman kasi humarang ka sa kotse kanina," Pairap irap kong sabi.
" Ahhh,So ikaw ang dahilan bakit ako nagkasugat,Naku,baka magalit sayo ang parents ko pag nalaman nila ito,at baka ipakulong kapa nila," pananakot nito saakin,magsasalita palang sana ako ng may umiiyak ng babaeng lumapit sa binata at niyakap niya ito.
" Anong nangyari sayo? sino gumawa sayo nito? ani ng nagaalalang babae na walang iba kundi ang mama pala niya.
Agad tumingin saakin ang binata at nagpanggap na masakit ang ulo ilang sandali pa sinabi nitong kailangan niya ng personal nurse na mag aasikaso sa kanya,pumayag naman kaagad ang mama nito at sinabihan ang isang nurse na bigyan sila ng nurse na mag aasikaso sa anak niya.
" No mom, I don't need any other nurse because someone has agreed to take care of me and that's her, said the man and he pointed me out immediately.
" A-Ako po ba? tanong ko sabay linga linga.
" Yes,ayaw mo ba? sambit nito at lumapit saakin. "Ayaw mo? sige sasabihin ko nalang na ikaw ang may gawa nito," natatawang ani niya at haharap na sana siya sa mama niya ng agad ko namang hinila ang kamay niya
" Sige,Pero may bayad huh," sambit ko at sabay irap sa binata.
YOU ARE READING
PAINFUL LOVE
RomanceA daughter misses her father who she thought was dead, but what if you find out that the person you consider to be your boss is actually your real father, And the family that brought misfortune to your life is the family you belong to. how Will Sand...