🌸 𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 𝟰🌸
" Oh! Mabuti naman at naisip mong tulungan ang nanay mo,yan ba ang kakaltasan ng sahod ni hindi pumapasok," salubong ni madam annie saakin.
" Mom, Who is that woman? She's pretty but looks like a beggar." pang iinsulto ng lalaki na anak ata nito.
Grabe naman makapag salita mokong na to,napaka yabang akala mo naman kung sino,ang dami ko ngang naririnig na hindi naman daw niya kamukha ang daddy niya dahil ni isa wala man lang siyang namana sa kagwapuhan ng kanyang ama pweee..bulong ko nalang sa isip ko.
Dahil sa inis ko nga ay naglakad nalang ako papunta sa kinaroroonan nina mama ng bigla kong makasalubong si sir gary.
" Sandy saan ka pupunta? tanong nito.
" Doon po kay mama sir,tutulungan ko po siya para matapos na siya doon masyado na po kasing maiinit nag wawalis pa siya sa labas," ani ko lang at maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko nakita ata iyon ni madam annie na galit na galit na lumapit saamin.
" You're still so young but you already know how to flirt, you really take after your flirtatious mother,Mga hampas lupa pati ang asawa ko lalandiin mo," sigaw nito habang hila hila ang buhok ko,mabilis namang sumigaw si mama at agad lumapit saamin.
" Annie stop.. What are you talking about? Can you please stop overreacting, you're just making a scene here." galit naman na sabi ni sir gary.
" Paanong hindi ako magrereact,eh nilalandi ka na niya gustong gusto mo naman eh,sabagay hindi na ako magtataka yung nanay nga niya nilandi mo rin eh," inis na sigaw pa ni madam annie at padabog na itong umalis.
" Are you okay? pag-aalala ni sir gary saakin,agad naman akong inilayo ni mama sa kanya.
" Pagsabihan mo yang asawa mo,sumosobra na siya sa pananakit sa anak ko,nagtitimpi lang ako gary," sigaw ni mama at dinuduro duro pa niya ang amo niya na parang matagal na silang magkakilala.
Mabilis akong hinila ni mama palayo patungo sa may kusina.
" Hindi ba't sinabihan na kitang wag lalapit sa lalaking iyon? bakit ba hindi ka nakikinig sakin? bakit ba ang tigas ng ulo mo sandy,"sigaw ni mama saakin,napaiyak na lang din ako habang nanghihingi ng sorry sa kanya.
" Puro ka nalang sorry...sorry...pero hindi ka nama nakikinig," ani pa nito.
" Ma,bakit po sinabi ni madam na kalandian niyo si sir gary? hindi naman po totoo yun diba? may pagdududang ani ko.
" Wag kang maniwala sa bruhang yun,kaya nga ayaw kong lumalapit ka sa asawa niya dahil napaka selosa siya,sandy makinig ka naman ayoko lang na mapahamak ka,hindi mo alam kung anong kayang gawin ng baabeng yun," sambit pa nito at napakamoy nalang siya sa ulo niya at iniwan na ako.
Nanatili lang akong nakatayo sa may kusina hanggang sa may biglang lumapit saakin at hinimas himas ako sa bandang pwet ko.
" Aba bastos ka ah,sigaw ko sa lalaking anak ni madam annie at sinampal ko ito.
" How dare you," galit na sabi niya.
" How dare you too,wala kang modo ah,manyak," inis kong sabi at saka ko na siya iniwan ngunit hinila lang niya ako pabalik at tinititigan ako sa leeg.
" Ang ganda ng hugis ng katawan mo,pero sayang at amoy lupa ka naman,pero pwede na," nakangising sabi nito at akmang hahalikan sana niya ang leeg ko ng bigla kong dinampot ang kutsilyo sa mesa at itinutok iyon sa kanya.
" Joshua oh my god..what the hell are you trying to do,my god gary," sigaw ni madam annie.
" Mom, He is pointing a knife at me, he must have a bad intention towards me." pagpapanggap nito.
" Siya po nauna,binastos niya ako," sagot ko at natataranta na ako dahil tila ako na ang nagmumukhang masama.
" Sandy, sigaw ulit ni mama.
" Ma,wala po akong ginagawa,binastos ako ng walang modong iyan,hinimas nga niya ang pwet ko eh," paliwanag ko ngunit nagsisigaw lang ang mommy nito.
" Are you saying my child is a liar? You are ungrateful, I even accepted you into my home, where will your mother find a job if I kick her out of here? inis na sigaw nito.
" Hindi po...Sinasabi ko lang na manyak yang anak mo,walang modo sabagay ho hindi na ako magtataka kung ganyan yan,may pinagmanahan naman siguro ano,"hindi ko na napigilang sagot ko.
Lumapit lang ang anak nito at bigla na lamang niya akong sinampal sa harapan ng mga tao,Napahawak nalang ako sa pisngi dahil sa hapdi ng pagkakasampal na na halos sa sobrang lakas nun ay nakagat ko rin ang labi ko at nasugat iyon,marahan kong pinunasan ang dugong umaagos sa labi ko at tiningnan ng masama ang binata.
" Anong karapatan mong saktan ako? Oo nga pinapakain niyo kami rito pero pinagtatrabahuan namin iyon,kung aalis kaming lahat dito sa tingin mo kaya niyong gawin lahat ng mga ginagawa namin? At ikaw * sambit ko at sinampal ko rin pabalik si Joshua at inis na inis naman si madam annie lalo saakin.*
" Ang nanay ko nga hindi ako masaktan ikaw pa kayang manyak ka," dagdag ko pang sabi." Sino ka para pagbuhatan ng kamay ang anak ko,----Tama na...sumosobra na ho kayo,Tandaan mo sa oras na mapuno ako humanda ka nalang sa gagawin ko,at ikaw Joshua wag kang umastang mayabang dahil alam ko ang pagkatao mo," pagpuputol ni mama.
" And you're thinking that I'll do that to that trashy girl. oh god come on I am rich and I will not stoop to a trashy woman bitch," inis na pagsisinungaling ng binata at saka nagdadabog na naglakad papunta sa second floor kung saan doon ang silid nito.
" Sandy halika nga dito mag uusap tayo," Galit na namang sabi ni mama,alam kong pupunahin na naman niya ako kaya hinanda ko nalang din ang sarili sa mga sasabihin nito.
" Ma,sorry po,Hindi naman ako nagsisinungaling totoong hinimas niya ang pwet ko,Ma maniwala naman kayo saakin." naiiyak ko ng sabi.
" Naniniwala naman ako sayo anak,pero pwede bang ikaw nalang ang umiwas? paano kung kasuhan ka nila,sandy walang wala tayo sa kalingkingan nila," ani nito.
" Sila pa may ganang kasuhan ako samantalang manyak naman ang anak nila,Kaya ganyan yang anak nila kinukunsinti ng bruhang nanay niya,Talagang lalaki ulo ng Joshuang iyan kung hindi tuturuan ng leksyon." inis kong sabi.
" And do you think you can do that? Be prepared, and let's meet at the precinct." singit ni madam annie.
Sinasabi ba niyang maghaharap kami sa prisinto? medyo kinakabahan naman ako ngunit kailangan kong harapin ang gulong sinimulan ko,at isa pa alam kong nagsasabi ako ng totoo.
YOU ARE READING
PAINFUL LOVE
RomanceA daughter misses her father who she thought was dead, but what if you find out that the person you consider to be your boss is actually your real father, And the family that brought misfortune to your life is the family you belong to. how Will Sand...