🌸 𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 𝟱 🌸" Hello? Is there anyone here? rinig kong sigaw mula sa labas,medyo tinatamad nga akong bumangon ngunit pinilit ko nalang ang sarili ko dahil pinapatawag rin kami ni mama sa police station ngayon dahil sa issue namin ni ni Joshua Montero.
Paglabas ko si sir derick nga kaagad ang bumungad saakin sa labas,nahihiya nga akong lumapit sa kanya dahil hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili ko at kababangon ko lang din mula sa higaan ko.
" Hey,are you okay? what happened to your lips? ika ng binatang kaharap ko,Agad naman akong yumuko at iniiwasang hindi na tumingin sa kanya.
" Ahmmm..A-Ano po,nauntog lang..oo nauntog lang ako kagabi,Pagsisinungaling ko nalang.
" Are you sure? bakit sobrang pula naman ata ng kabilang pisngi mo," sambit nito akmang hahawakan sana ang pisngi ko ng agad akong lumayo.
" Bakit pala kayo nandito? hindi po muna ako papasok ah,may lakad kasi ako ngayon,sige ho maupo muna kayo rito at mag aayos lang ako," ani ko lang at mabilis na akong pumasok ulit sa silid ko at kinuha ang tuwalya at naligo.
Pagkatapos kong nag ayos nadatnan ko na rin si mama na kasama si derick sa labas.
" Naku hijo,pwede mo ba kaming ihatid nalang,para mabilis kaming makarating," ani ni mama at mabilis namang pinaandar iyon ni derick at sumakay na rin kami.
Nasa labas palang kami ng station ay nagsisigaw na ang bruhang si madam annie.
" Yang babaeng yan,inaakusahan niya ang anak kong manyak at minanyak raw siya,ofcourse hindi gagawin yun ng anak ko," sambit nito habang nakaduro saakin.
" Tell them the truth sandy," ika naman ng walang hiyang Joshua.
" Sir Totoo pong binastos niya ako,Oo katulong kang nila kami at amo namin sila,pero sir hindi naman po pwedeng bastusin niya ako ng ganun,tignan niyo ginawa niya sa mukha ko,sinampal niya ako," paliwanag ko at pinakita ko pa sa kanya ang sugat sa labi ko.
" Tignan niyo na kasinungalingan ng babaeng yan,handa akong magbayad ng malaki mabigyan lang ng leksyon ang babaeng iyan," ani pa nito.
" Madam wag naman na sanang humantong sa ganito,pag usapan nalang natin ng maayos ito," pakiusap ni mama at itinulak lang siya ni madam annie at gusto niyang lumuhod si mama sa harap niya.
" Sobra na ho kayo,pera pala ang labanan,mayaman nga kayo pero hindi naman po kayo masaya,Sige ho ipakulong niyo ako kung gusto niyo pero wag niyo naman pong idamay ang nanay ko," mangiyak ngiyak kong sabi at wala ngang pag aalinlangan ay hinawakan nga ako sa kamay ng isang pulis at hila hila ako patungo sa isang room at doon daw muna ako pansamantala,bago ako pumasok nakatingin pa ako kay mama na umiiyak habang tinatawanan lang din kami ng mag ina.
" Mama...Bulong ko nalang habang umiiyak at nakatingin ako kina mama na paalis na,Alam ko at ramdam kong nahihirapan na siya dahil sa katigasan na rin ng ulo ko at hindi ako nakikinig sa kanya.
.
.
." Ahhh okay lang po kayo? tanong ni derick sa ina ni sandy,tila nakakaramdam ng pagkahilo ang ginang at bigla na lamang itong sumuka ng dugo.
" Ahmm Anti,okay lang po ba kayo? tarantang sambit ng binata at agad isinakay sa kotse ang ginang at dinala ito sa hospital.
" Hijo,Alam kong hindi kita kilala,pasensya kana sa ginawa ni sandy sayo,nais ko sanang ibigay sayo ito,at saka mo nalang ibigay pag sandy pag may masamang nangyari saakin," ika ng ina ni sandy.
" May Sakit po kayo? bakit hindi niyo po sabihin sa kanya? why do you need to hide it from her?
" Ayokong masaktan ko ang loob niya at ayokong malungkot siya dahil lang sa akin,alam mo bang napaka masayahin ng batang iyon,walang kalungkot lungkot sa kanya ngunit nitong mga nakaraan napansin kong may dinidibdin siya at ayaw niyang magsabi saakin," sambit nito.
.
.
.
" Hello, I am the son of Mr. Buenavista and I want you to release the woman named Sandy right now. Just tell me how much the woman paid you and I'll double it.ika ng binatang si derick." Ms sandy labas na kayo,may taong nag pyansa sa inyo," ika ng pulis saakin at agad na niya akong pinalabas.
Nagtataka naman ako kung sino ang taong tinutukoy niyang nag pyansa saakin at kung bakit naman niya iyon ginawa.
Hindi ko na nga yun inalala pa at mabilis nalang akong naglakad pauwi ng bahay namin wala nga rin akong pera kaya naglakad nalang ako." Ma...Ma...nandito na po ako," sigaw ko ngunit tila wala naman siya,inisip ko nalang ay baka pumasok na naman siya sa trabaho niya.
Pumasok na lamang ako sa loob at napahinto nga ako ng may parang nagtutulak saakin na pumasok sa silid ni mama,dahan dahan nga akong pumasok doon at sa maliit na upuan sa tabi ng kama niya ay mgay isang envelope na nakalapag doon,mabilis ko iyong binuksan at napatakip nalang ako sa bibig ko ng makita ko ang nakasulat doon.Ito ay ang medical check ups ni mama ng ilang buwan at sinabi rin doon na may sakit siyang cancer at malala na iyon.
Nanlumo kaagad ako at nginig na nginig akong naupo sa kama,ilang sandali pa agad ring umagaw ng pansin saakin ang puting kumot na punong puno ng mga dugo,Nagdududa nga ako kung ano iyon hanggang sa agad ko namang naunawaan." May Sakit si mama,Mamamatay naba siya,Bakit tinatago niya ito saakin,Bakit hindi nalang niya sabihin saakin,"bulong ko at tumakbo ako palabas ng bahay at nagmamadali akong naglakad papunta sa bahay ng amo niya.
Nasa gate palang ako nanginginig na ako ng makita ko si mamang naglilinis sa labas,dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya habang hawak hawak ko ang mga medical records niya.
" Sandy anak,nakalabas kana?naku sala---naputol nalang ang sinasabi niya ng mapatingin siya sa papel na hawak hawak ko.
" sandy bakit nakiki-alam ka sa gamit ko," sambit niya at inagaw saakin ang papel." May sakit ka? Ikakamatay mo ba? Bakit tinatago mo saakin? hindi ko ba pwedeng malaman huh ma,bakit kailangan mong itago saakin,tapos ano saka mo lang sasabihin saakin na may sakit pag naghahalandusay kana," sunod-sunod kong sabi sa kanya at napansin ko naman ang mga luhang nagtatagilid sa mga mata niya. " Sagutin niyo ako totoo ba yan? sigaw ko.
" Oo,may cancer ako at araw-araw gabi-gabi akong nagsusuka ng dugo,hindi mo na kailangan malaman pa,Mas okay na sanang hindi mo na malaman pa eh,bakit ba pinakialaman mo ang gamit ko," ika lang nito ngunit ramdam kong gusto na rin niyang umiyak.
Napaiyak nalang ako at tumakbo palabas ng gate,hinabol naman niya ako kaagad habang sigaw niya ang pangalan ko ngunit hindi ko siya pinapakinggan at patuloy lang ako sa pagtakbo.
YOU ARE READING
PAINFUL LOVE
RomanceA daughter misses her father who she thought was dead, but what if you find out that the person you consider to be your boss is actually your real father, And the family that brought misfortune to your life is the family you belong to. how Will Sand...