CHAPTER NINETEEN (𝐒𝐚𝐧𝐝𝐲'𝐬 𝐏𝐚𝐢𝐧)

11 4 0
                                    


🌸 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟗 🌸

𝐌𝐀𝐊𝐀𝐋𝐈𝐏𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖...

"Sandy hija sigurado ka bang ibebenta mo ang bahay niyo? ani ni tita saakin ang kapatid ni mama.

" Opo tita,wala rin naman ng titira diyan,kunin niyo ho itong bayad ng bahay para may pangdagdag kayong gastusin,Alam kong malaking tulong ito para sa inyo," saad ko at iniabot ang pera sa kanya ngunit ayaw niya itong tanggapin.

"Jusko abay hindi ko iyan tatanggapin,ang laking halaga niyan at kailangan mo yan sandy para sayo," ani nito kinuha ko nga ang kamay niya at ibinagay iyon sa kanya ng papilit.

" Tita okay lang po ako,may magandang trabaho ako,kailangan niyo yan,kunin niyo na,sige na tita wag niyo akong alalahanin kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw,"biro ko at napaiyak nalang si tita at yumakap saakin.

" Salamat dito hija,malaking tulong nga ito saamin," ani pa niya.

" Oo na..sige na po sumakay na kayo at baka maiwan pa kayo,sambit ko lang at sumakay na rin siya sa jeep patungong terminal papuntang probinsya.

Naiwan nga akong nakatayo sa harap ng bahay habang inaalala ang mga masasaya naming alaala ni mama.

"Paalam mama...pero mas mabuting mawala nalang ang bahay na iyan para hindi ko na po kayo maalala pa,mas lalo ko lang kayong namimis eh," sabi ko habang nakatingin ako sa bahay namin.

Hindi ko sinabi kay tita ang totoo ang alam niya ay binenta ko ngunit ang totoo gusto ko nang ipabakbak ang bahay na ito.

"Sige na kuya,Simulan niyo na ho," sambit ko sa mga lalaki at sinimulan na rin nila ang pagbakbak sa bahay namin.

" Sandy,bakit mo pinapabakbak ang bahay niyo? tinig ni sir gary.

"Bakit po kayo nandito? Wala na po kayong pakialam kung sisirain ko ang bahay na iyan,masyadong malungkot tignan,at mas lalo akong nalulungkot kapag nakikita ko pa ang bahay na iyan," sagot ko sa malamig na boses .

" Sabagay tama ka,Alam mo bang madami rin kaming memories ng mama mo sa bahay na iyan? Hindi totoong pinabayaan kita sandy,Ang totoo nyan ayaw ng mama mong akuhin kita dahil sa galit niya ng dahil naikasal ako kay annie at hindi sa kanya,Nakiusap ako na wag ka niyang ilayo saakin kaya pumasok siya bikang katulong saamin para araw-araw kitang nakikita at nakakasama,"paliwanag nito.

" Wag niyo pong ikwento saakin dahil wala naman ng saysay,"sagot ko lang.

" Sandy anak,hindi ko kayo tinalikuran,dahil si marites ang minahal ko at hindi si annie,kasal na kami ng mama mo pero lihim lang,Mahal na mahal ko siya,pero naging duwag ako," paliwanag niya at unti unti na siyang napapaiyak.

Naputol nalang ang pag uusap namin ng biglang may magtawag sa kanya.

" Sorry sandy but i have to go,"paalam nito.

Hindi na rin ako nagtagal pa doon at naisip kong magtungo nalang sa cafe kung saan kami tumatambay ni mylene na siyang kaibigan ko.

"Hey girl,are you busy? im here at cafe now,text ko sa kaibigan ko.

" Sandy sorry madami akong ginagawa,bawi ako next time,"reply lang nito.

Hindi ko na nga siya kinulit pa at um-order nalang ako mag isa.
maganda na sana ang araw ko ng hindi ko nakita sina derick kasama ang first love niya.

"Bakit dito pa sila pupunta ang daming ibang cafe diyan bwisit,bulong ko at bigla nalang akong tinawag ng babaeng kasama niya nagkunwari nalang akong kakatingin ko palang sa kanila.

" Oh! sandy,halika,sambit ng babae at hila hila si derick palapit sa table ko.
" May kasama ka ba? pwede bang maki join sayo? sabi ng babae,feeling close lang ni hindi ko nga alam pangalan niya eh.

"Sure,Wala pa yung bff ko eh,sagot ko nalang at pilit na ngumiti sa kanila.

" Just wait for me here, mag oorder lang ako,derick said.

"By the way ako pala si Ivy, maybe we can be friends," nakangiti niyang ani.

"Sure why not,bakit naman hindi diba? seryoso kong sagot ngunit peke parin akong ngumiti.

" Can i ask you something? Ano kaya ang magandang regalo sa boyfriend mo? ikaw? if may bf ka ano ang magandang ireregalo mo sa kanya? tanong nito at bigla naman akong sumeryoso sa tanong niyang iyon,boyfriend? ibig ba niyang sabihin boyfriend na niya si derick?

"Ahhhh siguro for me ang ibibigay ko maybe watch or a neckties, so that he always remembers you when he wears it,sagot ko nalang.

" May point ka,siguro necktie nalang ang bibilhin ko para kay derick,ika nito habang hindi niya alam na nasasaktan na ako sa tuwing binabanggit niya ang lalaking sinasabi niyang mahal niya,ako rin naman ah,mahal ko rin siya pero bakit niya ako sinasaktan ng ganito harap-harapan.

Hindi nga ako makatingin sa kanila dahil kumakain silang dalawa ni ivy,palinga linga lang ako habang nagpipigil ng luha,yes he's hurting me a lot,Ilang sandali pa ibabaling ko ang tingin ko sa labas kahit ang totoo hindi na ako nakakapag focus.

"Sandy,gusto mo bang sumama saamin? mag stay kami sa isang resort in 3days siguro,aya ni ivy habang puno ang bunganga nito.

" No...May mga importante akong gagawin kayo nalang," tugon ko ngunit umiling lang ang babae.

"Kaya nga ivy,she's too busy para sumama pa saatin,at isa pa baka maboring lang siya,mga kaibigan pa naman natin ang mga kasama natin doon,puna ni derick kay ivy.

" Hindi ako bahala sayo sandy,para may kasama rin ako,Alam ko mag bobonding lang sina derick with his friends kaya kailangan ko ng makakausap doon,sige sumama kana susunduin kita mamaya,"papilit niyang sabi.

"Si..Sige,tanging sagot ko nalang.

Magkaharap nga kami ni derick ngunit hindi manlang niya ako magawang tignan lingunin or what,ganoon naba talaga siya kagalii saakin?sasaktan niya ang damdamin ko,bakit kailangan harap harapan pa,Kaysa pinapaselos niya ako ng ganito O kung hindi na niya ako mahal bakit hindi niya sabihin saakin,bakit hindi nalang siya makipag break saakin kaysa nasasaktan ako ng ganito.

" Sandy,huy...pumukaw sa atensyon ko si ivy matapos niya akong kalbitin.

"Hah? taas ng kilay na humarap ako sa kanya.

" Natulala ka nalang bigla,may problema ba? sambit niya ng may pagdududa.

"Wala naman,May pumasok lang sa isip ko,pero nevermind."

"Teka may boyfriend kana ba? kasi kung wala ipapakilala ko sayo ang kaibigan ni derick,gwapo yun and single," nakangiti pa niyang biro.

" Huh!Yeah im single,----since birth? singit pa niya.

"No,nagkaroon naman ako ng bf,But I committed a sin, but for him it seems like what I did was really heavy. He suddenly left me hanging and looked for someone else, what's worse is he didn't tell me na hindi na pala niya ako mahal,kahit manlang tinext niya ako ng " hey, I'm breaking up with you,diba? ika ko ngunit parinig iyon para kay derick.

"Yeah,alam mo kung anong maganda mong gawin? ikaw nalang magsabi sa kanya nyan,Ivy said.

" Siguro nga,Mas okay ng ganun na rin,dahil kahit ilang araw o isang araw lang na ganun ang trato niya saakin,nasasaktan parin ako, You know, Ivy, if I were you, don't let go of Derick anymore, look at me now feeling broken,saad ko at pilit na tumawa.

"Ivy let's go,nag text si mom and inaantay bka raw niyang pumunta sa bahay,pag-iiba ni derick sa usapan.

Nagpaalam naman si Ivy saakin at lumabas na rin sila,yung patawa tawa lang ako kanina pero pagkalabas nila bumuhos na kaagad ang mga luha ko,dinukot ko lang ang panyo ko sa bag ko at saka ko itinakip sa mukha ko para hindi ako makita ng ibabg customer na umiiyak.

PAINFUL LOVEWhere stories live. Discover now