CHAPTER THIRTY FOUR (𝐀𝐫𝐠𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐦𝐲 𝐦𝐚𝐝𝐫𝐚𝐬𝐭𝐚)

9 0 0
                                    

🌸 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟒 🌸

"Sandy is that you? tinig ng pamilyar na boses mula sa likuran ko,nandito nga kasi ako ngayon sa paborito kong tambayan na cafe,Galing kasi ako sa hospital at nagpacheck-up kung anong update sa bata sa tummy ko at sa awa ng diyos healthy naman daw ang baby ko.

Mabilis naman akong lumingon sa likuran ko at si jiro nga ang lalaking iyon.

" Ikaw pala,ngayon lang ata kita nakitang pagala gala ah," ani ko sa binata.

"Can i join you? may kasama kaba? sambit naman nito at naupo narin sa upuan sa may bandang harapan ko.

" Kumusta kana? seryoso kong tanong at bigla namang nag iba ang expression ng kanyang mukha.

"Okay lang ako,sorry pala sa nangyari sa gabing birthday ko ah,hindi na kita naihatid," ika nito.

"Ano kaba okay lang matagal na iyon,ang importante nag usap kayo ng ex fiance mo," sambit ko at tatanungin ko sana kung okay naba sila ngunit hindi ko nalang iyon itinuloy.

"Bakit ka nandito pala? saka mauubos mo ba lahat ng pagkain na inorder mong yan? by the way sandy tumaba ka ata ah and sa nakikita ko ngayon lumubo ata ang tyan mo? bakit pinapabayaan mo na ata ang sarili mo," nagtataka nitong tanong.

"Huh? talaga ba? nako pag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin feeling ko ang payat payat ko naman,tama pala sabi ng mga taong nakakakita saakin na kakilala ko mataba nadaw ako," pag iinarte ko nalang.

"Ano kaba maganda ka parin naman eh," pabiro pang sabi nito.

*Sandali lang ah kukuha lang ako ng tissue doon sa counter," sambit ko at mabilis nga akong tumayo patungo sa counter at kumuha ng tissue pagbalik ko sa table namin ay nanlaki nga ang mga mata ko ng makita kong hawak hawak ni jiro ang record paper ni baby na nailapag ko pala sa table at nakalimutan kong ilagay sa bag ko.

"Ahmmm...bakit mo hawak iyan,ani ko at mabilis kong hinablot sa kanya ang record paper ko,Seryoso lang din siyang napatingin saakin at hindi umiimik.

" A-Alam mo saluhan mo nalang ako,K-Kainin nalang natin itong mga inorder ko," utal utal kong sabi at nakatingin lang din siya sa mga kamay kong nanginginig na.

Habang nagsasalin ako ng pagkain sa plato niya,naiiyak na nga ako at hindi ko sinasadyang mapatakan ng luha ang kamay niya.

"Sorry,mahina kong sabi at naupo narin ako at pilit na sumusubo ng pagkain kahit sunod sunod ang pag agos ng mga luha ko.

" Why? Bakit ka umiiyak? huwag kang mag alala hindi ko naman ipagsasabi," ani nito habang seryoso paring nakatingin saakin.

Hindi nga ako makapag salita at hindi ko rin napigilan pa ang sarili kong maging emosyonal sa harapan niya.

"Kay derick ba yan?nangyari ba noong gabing birthday ko? Look...so...sorry,hindi ko na dapat inuna pa si mikaela," paninisi nito sa sarili niya.

"Kasalanan ko,pagkakamali namin iyon ni derick,jiro pakiusap hindi alam ni derick na buntis ako, alam kong magkaibigan kayo,pero sana wag mo nalang ipagsabi lalo na kay derick,ayokong mas lalo pang magalit si Ivy sa kanya,please," pakiusap ko sa binata.

" Sandy hindi pwede yang sinasabi mo,walang aako sa baby mo? papalakihin mong mag isa iyan? tugon nito at napakamot nalang siya sa ulo niya.

" Yes,kaya ko naman eh,kakayanin ko,sabihin ko nalang disgrasyada ako or what basta ayoko ng magkagulo pa kami ni ivy lalo na ngayon na buntis ako,Maluha luha kong paliwanag.

"Are you sure? panigurado pa nito.

" Oo sure na ako sa desisyon ko,alam kong hindi rin maniniwala saakin si derick dahil alam kong malaki ang galit niya saakin dahil sa paninira sa pamilya niya,Ayoko na rin masira pa ang magandang Relasyon nila ni Ivy at mas lalong ayokong isipin niyang dahil sa batang ito maghahabol ako? hindi ko iyon gagawin,jiro." dagdag ko pang sabi.

"Sige sandy makakaasa ka," sabi nito sabay buntong hininga.

Matapos kong kainin ang mga inorder ko ay lumabas na rin ako kaagad ng cafe agad naman akong sinundan ni jiro na may pagtatanong ang bawat titig nito saakin, Does he pity me? Sabagay parang kaawa awa naman talaga ang sitwasyon ko ngayon eh,hindi naman ako ganun kasamang tao para ipalaglag ang baby kong wala naman alam sa bawat nangyayari saakin,nandito na eh edi panindigan ko na.

"Ihahatid na kita uuwi kana ba? ani jiro.

" Hindi ok lang ako,mag co-commute nalang ako," tugon ko.

"No ihahatid nalang kita,sumakay kana," pilit niyang sabi kaya hindi na ako tumanggi pa at sumakay na rin ako.

Napansin kong ibang daan ang pupuntahan namin kaya mabilis kong sinabi sa binata na hindi na ako umuuwi sa villa ng mga Villegas.

"Saan ka namamalagi ngayon? what happened? tanong nito.

" Nag away kaming magkapatid kaya doon ako sa dad ko nakikitira ngayon," mahina kong sabi.

"Sa Enemy mong step mother? natatawa pang sabi ni jiro.

" Ano pa nga ba,mas okay na rin ako doon para mabantayan ko ang dad ko at para makasama ko na rin siya," sagot ko lang at hindi na ako umimik pa.

Mabilis naman kaming nakarating sa bahay at hindi rin nagtagal si jiro at umalis na rin ito kaagad,hindi nga natanong kung okay naba sila ng ex fiance niya pero halata naman sa mukha niyang tila masaya siya at okay na rin yun sa kanya sana nga ay maging okay na talaga sila ng ex niyang si mikaela.

"Saan kana naman nagpupunta? alam mo lakwatsera ka talagang babae ka eh! alam mong hindi pa masyado magaling ang dad mo pero sobrang stress na dinadala mo dito," salubong ni annie saakin.

" And who are you para pagsabihan ako? nanay ba kita? isa kalang hamak na madrasta alam mo ba yun? At isa atleast ako hindi ako mamamatay tao,Magpasalamat ka mabilis maawa si dad sayo kung hindi baka itsapwera na kayo ngayon ng bastardo niya,Siya nga pala TITA annie, Why don't you just let Joshua stay with the Buenavista, that's where he really belongs right? pang iinsulto ko sa kanya at sasampalin sana niya ako ng mabilis kong nasalo ang kamay niya.

"Dont you dare lay a hands on me, I am not afraid of you annie,wala naman ng pakinabang si dad sayo eh! bakit hindi ka nalang umalis dito? dagdag ko pang sabi at saka ko siya binangga ng papasok na ako sa loob ng bahay.

" Bitch...rinig ko pang sigaw niya ngunit tinawanan ko nalang siya.

Padabog nga akong pumasok ng kwarto at nginig na nginig ako dahil hindi ko mailabas ang galit ko sa bruhang annie na iyon,Sa kanya ko talaga itatago ang pagbubuntis ko dahil alam kong pag nalaman niya ipagsabi niya kaagad sa mga Buenavista,pero imposible naman iyon dahil hindi naman niya alam kung sino ang ama, But I still need to be careful now because that witch hit me from behind.

PAINFUL LOVEWhere stories live. Discover now