🌸 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟒𝟎 🌸
𝐌𝐀𝐊𝐀𝐋𝐈𝐏𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 na pagkarga ko kay baby sa sinapupunan ko and finally this is it now.
" Derick...Kuya,ansakit na talaga ng tiyan ko hindi ko na kaya,"pagsisisigaw ko at talagang sobrang sakit na ng tyan ko ngayon.
Nataranta naman ang lahat sa bahay kabilang na rin sina kuya bernard na bumisita saakin,saktong tanghali pa talagang sumakit ang tyan ko na tila manganganak na ako,hindi na rin nagdalawang isip pa sina derick at itinakbo na nila ako ng hospital.
.
.
.
(the baby is crying)Napamulat nalang ako ng makarinig ako ng iyak ng bata,paglingon ko napaluha nalang ako ng makita ko si derick habang buhat buhat niya ang anak namin Kaysarap nilang Pagmasdang dalawa,ng mapansin niya ako mabilis naman niyang inilapit saakin ang baby at hindi ko na rin napigilan pang mapa iyak ng mabuhat ko na ang anak ko.
" Ang gwapo naman niya,anak ko ba talaga ito? biro ko pang sabi dahilan upang magtawanan naman ang mga kasama namin dito sa loob.
"Ofcourse gwapo ba naman ang ama diba? saan paba niya nakuha ang kagwapuhan niyang iyan? pabirong sagot naman ni derick.
Dumating rin sina jiro kasama si mikaela na mukhang okay na rin sila sa isa't-isa,may dala itong mga prutas at ilang sandali ay sumunod ring pumasok si ivy na may dalang bulaklak,at isang paper bag.
Nagtinginan naman kaming dalawa ni derick ng dahil kay ivy." Ahmmm...congrats sandy,by the way this flowers is for you and this one is for baby,he's so cute kamukha ni derick," sambit nito habang titig na titig sa baby namin.
" Ivy,ang pormal mo ata ngayon,salamat pala aa pagbisita," ani naman ni derick.
" Actually dinalaw ko lang talaga kayo,mamayang 2pm na rin ang flight ko papuntang Spain doon muna ako kay daddy pansamantala,palakas ka sandy,and i just want to say sorry for everything i did,And sana maging masaya kayo ni derick,hindi na rin ako magtatagal pa,congrats again guys,see you soon baby," masayang ani niya at napayakap nalang din si derick sa kanya,hindi lang niya kasi first love si ivy kundi kababata niya rin tulad nina jiro.
"Bye ivy,sumulat ka," biro naman ni jiro at tuluyan ng umalis si ivy.
.
.
.
After 5days naka raos rin ako at ngayon ay abala ako sa pag aalaga sa baby ko,nasa labas kami ngayon ng bahay at pinapainit ko nga lang si baby habang si derick naman ay abala sa pagluluto ng almusal namin siguro nga ay kasama niya si dad doon sa kusina."Joshua may lakad ka? tanong ko kay Joshua na natatarantang palapit saamin.
" Lalabas lang ako sandali,hey cutie,ani lang nito at dumeretyo na siya sa gate ngunit bigla siyang napahinto at mabilis na binalikan kami.
"Sandy pumasok na kayo sa loob bilisan niyo," utos nito,naguguluhan nga ako sa kanya at bigla na lamang siyang nasapian ng kung ano ano.
" Let's see how brave you are now, Sandy."Annie said at pinagbabaril ang bahay nina sandy.
"Sandy ang baby mo," sigaw ni Joshua habang nakatingin sa gate,nagulat nga ako ng deretyong pumasok si annie na may hawak na baril at may kasama pa itong armadong mga lalaki.
" Sandy what's going on? ani ni derick.
"Derick si annie,dad paano siya nakalaya? nanginginig kong sabi sa dalawa.
" Annie stop it,bakit kaba nandito? kakalaya mo lang pero wala ka talagang papalagpasing araw para maghasik ng lagim,"sigaw ni dad ngunit tinawanan lang kami ng bruhang babaeng ito.
" Oh my dear husband hindi kaba nangulio saakin? ow? who is this baby? ang cute naman,kunin niyo ang bata,"utos nito sa isang lalaki,mabilis ko namang kinuha ang anak ko sa stroller niya ngunit lumapit lang ang tatlong lalaki at tinutukan kami ng baril habang ang isa naman ay kinuha saakin ang anak ko.
"No...wag ang anak ko,derick si drix,please annie wag mong idamay dito ang anak ko," sambit ko at hindi ko na napigilan pang umiyak.
"Nakakaawa ka palang tignan na nagmamakaawa dahil sa anak,ganyan rin ako noon sandy,"ani nito at sinabayan pa niya ng malakas na tawa at saka na sila dahan dahang umalis dala dala ang anak namin ni derick.
" Annie..ibalik mo ang apo ko," sigaw naman ni papa tumakbo rin si derick upang habulin ang papaalis na sasakyan nina annie ngunit mabilis nilang pinaharurot iyon.
Napaupo nalang ako sa sahig habang humahagulgol nagaalala nga ako sa pwedeng gawin ni ani sa anak ko,lalo na parang wala at siya sa katinuan ngayon.
"Derick please,bawiin mo ang anak natin,bawiin mo si drix sa kanila,mangiyak ngiyak kong sabi.
" Derick sumama ka saakin,dad...sandy maiwan na kayo dito,alam ko kung saan tutungo sina mommy," sambit naman ni Joshua,at lalabas na sana sila ng biglang may tumawag sa cellphone ko.
" Hello sandy,naririnig mo ba ang iyak ng anak mo ngayon? ayyyy...nakakaawa naman ang bata na ito,alam mo kung hindi ko mapatahan to? papatayin ko nalang para wala ng maingay pa nakakarindi eh," boses ni annie sa kabilang linya at rinig na rinig ko rin ang iyak ni drix.
" Hayop ka annie,pati walang kamuwang muwang dinadamay mo,saakin ka may galit diba? bakit hindi ako harapin mo? what do you want? sigaw ko sa cellphone ko dahil sa inis.
"Tita annie,ibalik mo na saamin ang anak ko,please wag mo naman idamay ang bata dito," singit ni derick.
"Tumahimik ka,isa ka pa, Gusto mong mabawi ang anak mo? mag handa kayo ng sampung milyong halaga," ika pa nito.
" Saan kami kukuha ng ganyang kalaking pera? " nanginginig na boses ni derick.
"Eh kung wala edi bangkay nalang na makikita niyo ang anak niyo,mag isip kayong dalawa," sambit pa ni annie at naputol na ang linya.
" Sampung milyon ang kailangan niya kapalit ni drix," derick said.
" Dapat pumayag kana sa gusto niya derick," naiinis kong sigaw.
" Where are we going to get that much money? sambit naman ni dad.
" Mangungutang magbenta ng properties or what,basta ang importante makuha ko ang anak ko," sagot ko at hindi na nga ako mapakali.
" Sandy hindi ganoon kadali yun,----What are you saying derick? hahayaan nalang natin ang anak natin na mamatay? buhay ng anak natin ang nakasalalay dito derick,buhay ng anak natin," nangingiyak ko ng sabi.
" I know...dont worry gagawa ako ng paraan,puntahan mo ang kuya bernard mo and subukan kong kausapin si mommy,"ani nito.
" Magbibigay rin ako para mabuo ang perang kailangan ni annie,ani naman ni papa.
" Ako rin," singit rin ni joshua.
Malaking halaga rin ang naibigay ni kuya bernard,hindi sapat ang yaman namin upang mabuo ang perang iyon ngunit sa tulong ng mga kaibigan ni derick ay mabilis naman naming nabuo ang pera at sana nga ay hindi magbago ang isip ni annie.
Its already 8 at night at muling nag ring ang phone ko.
" Hello annie,pera kapalit ng anak ko,ibigay mo saakin ang anak ko ngayon at ibibigay ko sayo ang pera,lakas loob kong sabi.
" Ano ako tanga? kung gusto mong mabawi ang anak mo puntahan mo ako sa address na ibibigay ko sayo," sambit nito at pinutol na niya ang linya niya.
YOU ARE READING
PAINFUL LOVE
RomansaA daughter misses her father who she thought was dead, but what if you find out that the person you consider to be your boss is actually your real father, And the family that brought misfortune to your life is the family you belong to. how Will Sand...