CHAPTER TWENTY NINE

8 2 0
                                    

🌸 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟗 🌸

Natapos na kaming kumain kasama ang grandparents ni jiro ngunit itong lola niya ay nagkwekwento saakin tungkol sa past ng kanyang apo.

"Hindi po ba ikakagalit ni jiro sa inyo pag binabanggit niyo pa yung mikaela? ani ko ngunit umiling lang siya.

" Alam kong masama ang loob niya sa tuwing naririnig pa niya ang pangalan na iyon, It's been several years but I know that what happened to them is still fresh in Jiro's mind." malungkot na sambit nito palinga linga nalang din ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang una't dulo ng sinasabi ng lola niya.

"B-Bakit po? a-ano po bang nangyari? utal kong tanong at medyo nahihiya narin ako.

" Ikakasal na dapat sila ngunit sa araw ng kasal nila nasa simbahan na kaming lahat biglang nagbago ang isip ng babae kaya iniwan nalang niya sa ere ang apo ko," malamig na boses nito.

" Ahhh....nag run away bride," mabilis ko namang sagot.

" Yes, On that day, Jiro was crying so much and feeling very sad, blaming himself for why the one he loved suddenly left,hindi niya maintindihan,he asked himself kung ano daw ba ang nagawa niyang mali,pano namin masasagot wala rin kaming alam,"dagdag pa nito.

"G-Ganun po ba? nakangiti kong sagot na agad namang tumango tango ang matanda.

" By the way sandy,bukas ng gabi ang celebration ng birthday ni jiro at sana makapunta ka aasahan kita,"ika pa nito na nginitian ko nalang bilang pagsagot.

Seryoso naman akong nakatingin sa kinaroonan ni jiro at ang kanyang lolo,hindi nga nagsisinungaling ang kanyang mga mata dahil bakas ang hinagpis at lungkot nito,kaya pala napaka tahimik lang niya at napaka seryoso niyang tao,hindi rin siya masyado nakikipag kwentuhan kay derick,hindi ko alam kung may alitan ba sila or something para hindi sila mag imikan,binaling ko nga kaagad ang tingin ko sa bintana ng mahuli ako ni jiro na nakatingin sa kanya.

" Sandy is there any problem? tanong nito na nasa likuran ko na pala.

"Huh!w-wala ah,Pero jiro pwede naba kita maiwan dito? may lakad pa kasi akong importante eh,sorry huh," paalam ko sa binata.

"Its okay,ihatid na kita sa labas," ani naman nito,pagkatapos kong magpaalam sa lolo at lola niya ay lumabas na rin kami sa resto nila.

Nasa labas na rin kami ng mall at nag aantay lang ako ng masasakyan ko,hindi naman umalis si jiro at inaantay rin niyang makasakay ako.

" Pwede mo na akong iwan bumalik kana doon,maya maya may jeep na rin siguro,saad ko sa binata.

"Sure kaba? ang tirik ng araw baka umitim ka dito sa kalsada," sagot lang nito.

" No okay lang,sanay ako,sige na bumalik kana doon,salamat pala," ani ko at itinutulak tulak ko na siya pabalik.

Kumaway lang naman siya saakin at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng mall.
I thought I was the only one experiencing pain but it turns out it's even worse for him,hindi ko alam na mas masahol din pala ang ginawa ng run away bride niya,but why?bakit naman siya nag run away sa mismong kasal nila ni jiro,hay naku wag ko nalang silang pakialaman.
.
.
Nakasakay nako ng jeep at sobrang init nga ng panahon kaya hindi maiwasang pagpawisan ka sa loob ng jeep siksikan ba naman.Bumaba lang ako sa may kanto at nilakad ko nalang papunta sa bahay namin,medyo nahihilo na rin ako sa paglalakad at mukhang mapapaso na rin ang balat ko dahil sa tirik ng araw.

" Naku hija,naglakad kalang ba pauwi? naku mukhang umitim ka na," pabiro namang sabi ng katulong namin.

Dumeretyo lang din ako sa sala at naupo sa sofa upang magpahinga saglit.

" Saan kaba galing? dapat nagpasundo ka nalang sa driver,"ani naman ni clara na nagdala ng tubig.

"Kaya ko naman,saka okay na rin yun para makapag isip isip din ako."

"Sandy alam mo pag malaman ni kuya mo na naaawa ka sa dad mo tiyak magagalit yun," ani pa nito.

" I know...bakit mo kasi sasabihin,at isa pa normal lang na mag alala at maawa ako sa kanya,tatay ko yun eh,wala na si mama at siya nalang ang natitirang kadugo ko,pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung awa ba o galit ang nararamdaman ko sa kanya," inis kong sagot.

"So anong plano mo? anong iniisip mo? seryoso na tanong nito.

" Hindi ako papayag na mapunta kay annie ang lahat ng pinaghirapan ng tatay ko,at isa pa hindi naman niya anak si Joshua kaya kukunin ko muna pansamantala ang kumpanya na pinapatakbo ni annie ngayon,"seryoso kong sagot.

"Pero bakit? diba malaki na ang na invest mo doon?

" Oo nga,,kaya nga dapat ako na hahawak nun eh,Alam kong may masamang balak yang bruha nayan sa tatay ko,malay natin Inuunti-unti na niya palang nilalason ang asawa niya para pag namatay siya sa anak niya mapupunta ang lahat,"nanginginig kong paliwanag kay clara.

"Okay sandy bahala ka sa desisyon mong yan,basta wag mo akong dinadamay pag naga nagalit si bernard sayo," sambit nalang niya at iniwan na niya ako magisa dito sa sala.
.
.
.
Nakatulog pala ako dito sa sala kanina and its already 10 at night mabilis na rin akong bumangon at nagtungo sa kwarto ko kahit hindi pa ako nakakashower ay bumagsak nalang ako sa kama ko at itinuloy nalang ang tulog kong naudlot kanina sa sala.

Medyo late akong nagising at nandito na nga ako sa kwarto at nag aayos ng sarili ko,matapos ang lahat ng anik-anik na nilagay ko sa mukha ko lumabas narin ako at kinuha ang susi sa sala,lalabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni clara na kanina pa pala nakamasid saakin.

" And where do you think your going sandy? seryosong tanong nito.

"B-Bibili ng regalo for jiro tommorow is his birthday,bakit? meron paba akong ibang pupuntahan bukod doon? ofcourse makikidate rin ako duhhh," pagsisinungaling ko at kunwari ay padabog na akong lumabas at sumakay ng kotse.

Nakarating nga ako rito sa hospital at mabilis naman akong lumingon lingon at baka pinasundan na naman ako ni clara ng makita kong wala namang kahina-hinala ay mabilis na akong pumasok sa loob at hinanap ang room ni Gary Montero,sinundan ko lang ang nurse hanggang sa pinto at nanatili muna akong nakatayo sa may pinto hanggang sa may marinig akong kumakalabog sa loob kaya mabilis ko iyong binuksan at bumungad saakin si annie na may itutusok sana sa kamay ni sir gary.

" What the are you trying to do? papatayin mo ba siya? tama nga ang hinala ko may balak kang masama sa tatay ko,alam ko na kung bakit mas lumalala ang sakit niya dahil sa mga kagagahang pinaggagawa mo," sigaw ko at inagaw ko kaagad ang hawak niyang injection.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bigay ng doctor yan para iturok ko sa kanya,lumayas ka nga dito wala kang karapatan para dumalaw pa rito," nanginginig na boses nito.

"Are you sure bigay ng doctor to sayo? then let see,sambit ko at sumigaw ako upang magtawag ng doctor.

Mabilis namang nagsitakbo ang isang docktor at dalawang nurse nito.

" Yes maam may problema po ba? ani ng nurse.

"Sa tingin niyo? Papatay ba kayo ng pasyente niyo? tignan niyo ang binigay niyong inject sa kanya pamatay tao na to ah,gusto niyo bang matanggal sa inyong mga trabaho? Antayin niyo sasabihin ko to sa HR niyo at sisiguraduhin kong masisibak kayong tatlo," inis kong sabi sa kanila.

"Excuse me maam,wala pa po kaming binibigay na kahit anong inject sa asawa niya at isa pa ni reseta wala pa," sagot naman ng doktor.

Mabilis lumipad ang kamay ko sa pisngi ni annie at hindi ko na nga iyon napigilan pa.

"How dare you,sa tingin mo ba magagawa mo mga plano mo? diyan ka nagkakamali,Palayasin niyo ang babaeng ito rito and from now on,ayokong makapasok pa siya rito sa room ng dad ko," galit kong sigaw.

PAINFUL LOVEWhere stories live. Discover now