🌸𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟑🌸
" Bakit nandito yang babae na iyan? hindi siya pwedeng tumira dito," bungad agad ni annie.
"Bakit hinde? actually nandito na nga lahat ng mga gamit ko at naayos na rin ang kwarto ko sa bahay namin ng dad ko,Ako ang unica hija kaya dapat lang na titira ako rito,at wala ka ng magagawa doon tita annie," natatawa kong sabi at pumasok na ako sa loob at dumeretyo naman ako sa kwarto ko,maganda naman at maluwang naalala ko pa dati dito kami naglilinis ng mama ko noon.
╔.★. .═══════════╗
𝟮 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗦 𝗟𝗔𝗧𝗘𝗥
╚═══════════. .★.╝" Oh! Sandy napadalaw ka dito,ani ni mylene nandito nga ako ngayon sa bahay nila dahil gusto kong malaman kung ano bang meron saakin at kung bakit isang halos dalawang buwan na rin akong hindi dinadatnan.
"Ahmm...n-namiss lang kita bakit bawal naba? ano pinagbawalan ka ni kuya? inis kong sagot.
" Hindi naman nagtatanong lang naman ako ah,"ani naman nito.
"Mag c-cr lang ako ah," sambit ko at palihim kong kinuha ang isang maliit na supot sa bag ko na may lamang pregnancy test.
Mabilis akong pumasok sa banyo at sinubukang muling i test ang ihi ko,mga nakaraan nagtest ako at positive nga iyon gusto ko lang uliting ngayon baka sakaling mali lang ang test ko noong una.
Pagkapatak ko ng tatlong beses sa PT ay naging positive nga ulit at kabang kaba nga akong napasandal sa pader."N-No please wag ngayon,bulong ko nalang sa sarili ko.
" Sandy...kanina kapa diyan ah,anong nangyayari sayo,Sandy...nagulat nga ako at bigla kong nahulog ang pregnancy test ko ng lingunin ko si mylene na pumasok ng banyo.
Nagdududa siyang tumitig saakin at pinulot ang PT sa sahig,pakurap kurap nalang ako ng tignan niya ako ng masama.
"Kaninong PT ito? sayo ba? tanong nito.
" No...kabado kong sagot.
"Sandy sayo ba ito? ulit na tanong pa niya mabilis kong dinampot ang hawak niyang PT at saka ako lumabas ng banyo.
" Sandy buntis ka?Bakit? paano?Kanino? sunod sunod na tanong niya.
Nanginginig naman akong naupo at hindi makatingin sa kaibigan ko ng deretyo,kabang kaba nga ako at agad tumayo at hindi ako mapakali,lakad doon,lakad dito ang ginagawa ko.
"Sandy ano ba? ano bang nangyayari?tinatanong kita,Buntis kaba? ika pa niya.
" Yes mylene im pregnant,So ano ngayon? magsusumbong ka kay kuya? may magagawa kaba? matutulungan mo ba akong ipa abort ito huh! inis kong sagot sa kaibigan ko.
"Ano? ipapalaglag mo ang bata?sira kaba,tugon naman niya.
" What do you want me to do? I'm not ready yet, Mylene, what should I do? Nanginginig kong boses.
" Kanino ba iyan? tanong pa niya at hindi ko nga iyon sinasagot.
"Best help me,anong gagawin ko? malaking gulo ito,ani ko ngunit gulong gulo naman saakin si mylene.
" Hindi kita maintindihan,kanino ba yan si derick ba ang ama?
"Shut up,kay derick nga pero best please wag mo ng sabihin sa kanya na buntis ako,masyado na silang nagkakagulo ng gf niya ngayon." paliwanag ko.
"Pero bakit?karapatan niyang malaman,ano ba kasing nangyari?
" Noong gabing lasing ako,may nangyari saamin sa hotel,hindi ko napigilan ang tensyon ng sarili ko eh,alam kong mali,ang tanga ko,hindi ko naman alam na may mabubuo pala sa pagkakamaling iyon."kabado kong paliwanag sa kaibigan ko.
"So anong plano mo? may pagdududa na tanong ng kaibigan ko saakin.
" Hindi ko alam,pero gusto kong isekreto nalang kay derick ang totoo,"sagot ko.
"At sinong papalabasin mong ama? ika niya at napaisip nga ako doon.
" Basta ako nalang ang bahala," ani ko nalang at kinuha ko na ang bag ko at saka na ako lumabas ng kanilang bahay.
.
.
.
Pagkauwi ko ng bahay binagsak ko nalang ang sarili ko sa kama at halos mapaiyak na rin ako sa kaba, I don't know what to do now, how will I raise the child I am carrying now? Hindi ko naman pwedeng sabihin kay derick."Sandy,nagulat ako ng biglang pumasok si papa sa room ko,actually naoperahan ba ang paa niya kaya sa ngayon ay nakakalakad na rin siya ulit.
" B-Bakit po? sambit ko at mabilis kong dinampot ang bag ko at itinago iyon sa kabinet ko malapit sa bed ko.
"Balisa ka ata what's wrong?is there any problem? napapansin ko ilang araw kana atang ganyan," may pagdududang sambit nito.
"Ahmmm,wala naman po,m-masama lang ang pakiramdam ko at masakit po kasi ang ulo ko," pagsisinungaling ko nalang.
"Bakit hindi ka nagsasabi? dont worry uutusan ko nalang si lora na dalhan ka ng gamot mo dito,sige na magpahinga kana muna," ika lang niya at saka na rin siya lumabas.
Kinuha ko nga lang ang PT sa bag ko at ilang sandali ko iyong tinitigan at hindi ko na namalayan pa ang pagbuhos ng mga luha ko.
"How will I raise you? Will your dad accept me if I tell him the truth? bulong ko habang haplos haplos ko ang tiyan ko.
Masaya na si derick kay Ivy at alam kong sa gabing may namagitan saamin alam kong alam niya ring mali iyon,Gusto kong maniwala na namimiss niya rin ako pero halata namang fake lang yun eh dahil sa tuwing kasama niya si Ivy mas masaya pa siya.
" Sandy,pwede ba akong pumasok? tinig ni ate lora ang kasa-kasama namin ni mama noon.
" Pasok ho kayo," malamig kong sagot.
" Heto gamot inumin mo,at mamaya bumaba kana at kakain na tayo,masakit ba talaga ang ulo mo? ani nito habang iniaabot saakin ang gamot.
Kinakabahan nga akong kunin iyon dahil sabi ni mylene ay bawal daw ako mag take ng gamot kung buntis kana.
"Ahmmm,s-sige mamaya ko nalang ito inumin pagkatapos ko nalang kumain,may naihain naba? nagugutom na rin ako halika na," pag iiba ko ng usapan at mabilis kong inilapag sa mesa ang gamot at mabilis akong lumabas patungo sa kusina.
"Wala nga kaming imikan nina Annie at seryoso lang din akong nakaupo,sasandok palang sana ako ng ulam ko ng hindi kaya ng sikmura ko ang amoy ng ulam naming tinola na may malunggay.
Nasusuka nga ako kaya mabilis akong tumayo at nagtungo sa lababo.
" Sandy what happened? anong meron sa plato niya bakit nagsusuka? tinig ni papa.
"No dad im okay,medyo masama lang panlasa ko ngayon,sorry dad wala po akong ganang kumain," mahinahon kong sabi at naglakad na ako pabalik ng kwarto ko.
"Masarap naman itong ulam ah,ano kayang nangyayari sa batang iyon," ika nalang ng ama nito.
"Siguro may hang over na naman yang spoiled mong unica hija," inis namang sagot ni annie sa kanyang asawa.
"Ano ba yan pahalata naman masyado eh,bakit ba ako nasuka? ang sarap sarap ng ulam,saka gutom na gutom ako pero bakit ganun kahit anong kainin ko ayaw naman tanggapin ng sikmura ko," inis kong bulong sa sarili ko.
Ang hirap pala ng ganito,mag isang nag aalaga sa sarili,paano ko kaya aaminin sa papa ko ang pagdadalang tao ko? bakit ba kasi ngayon pa eh!wrong timing naman kasi,ano ng gagawin ko ngayon? malolosyang naba ako? tataba naba ako? papangit narin ba ako ulit? tsssk,tama nga ang sabi ni kuya bernard masyado na kasi akong nagmatigas.
YOU ARE READING
PAINFUL LOVE
RomanceA daughter misses her father who she thought was dead, but what if you find out that the person you consider to be your boss is actually your real father, And the family that brought misfortune to your life is the family you belong to. how Will Sand...