CHAPTER THREE (𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝)

32 17 0
                                    

🌸 𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 𝟯 🌸

" Tes nasaan si sandy? bakit hindi siya pumasok dito sabado ngayon at wala naman silang pasok,bakit hindi ka man lang niyang maisip na tulungan dito sa trabaho mo,napaka iresponsableng anak naman niyang anak mo," ani ni gary ang asawa ni annie na amo niya.

" Tumigil kanga Gary,At talagang naisip mo pang sabihan ng ganyan si sandy baka nakakalimutan mong hindi ko lang siya anak----Tumigil ka at baka may makarinig sayo,inis na pagpuputol ni gary sa sinasabi ng ina ni sandy.

"Bakit? Edi mas magandang marinig nila ang katotohanang ikaw ang ama ni sandy...ni sandy na pinapahirapan niyo,Kung tutuusin ikaw ang iresponsable ni paglaki niya wala kang dinala kundi kamalasan sa buhay niya,paano ka nakakatulog ng gabi habang ang anak mo kinakawawa ng asawa mo,Gary alam kong disgrasyada mo lang ako pero nagbunga si sandy dahil sa pagmamahalan natin noon pero sana naman wag mo nalang siyang hayaan na saktan siya anak at asawa mo,makonsensya ka naman kahit konti lang."

𝐒𝐀𝐍𝐃𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕....

" Derick bumaba kana riyan, Let's eat, come here,pagtawag ng mommy ni sir Derick,mabilis ko namang pinuntahan ang lalaki at sinabing nagtatawag na ang mommy niya,pagkatapos nun ay babalik na sana ako ng kwarto at agad naman niya akong tinawag.

" Where are you going? He asked seriously.

" Dito po sa kwarto hindi po ba sabi niyo dito ako matutulog? malungkot kong sabi habang nakayuko lang ako.

" Aren't you going to eat? Come on, eat with me, sabi lang nito.

"Hindi na po,hindi po ako nagugutom,paano ako makaka-kain kung ang nanay ko naman ang nasa isip ko,Sige po sir bumaba na po kayo baka magalit pa ang mommy mo," malamig kong sabi at saka ako pumasok ng kwarto at marahang isinara iyon kahit nasa labas pa ang binata.

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pinto at mariin akong hinila ni derick pababa ng hagdan.

" Mom, I'm not hungry, I have an important to do today, he shouted and we quickly headed to the garage.

Sumakay nga kami sa kotse niya at mabilis niyang pinaandar iyon at mabilis na pinaharurot.Nakalayo na kami sa bahay nila palinga linga nga ako sa bintana at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

" Show me where your house is, I will take you there,para ka kasing ewan kanina eh!pasalamat ka mabait ako today," seryosong ani nito habang ang tingin ay nasa harap parin.

" Talaga? thank you sir Derick sana magpakabait kana," natutuwa kong sabi at yumakap sa kamay niya.

" Ano ba,take your hand off,pag iinarte lang nito.

Nakarating nga kami ng bahay,at sinalubong naman kami ni mama na kanina pa pala nag aantay sa labas at nag aalala na raw ito.

" Ma si sir derick pala,ahmmm...sumasadline po ako sa kanya,diba po? sambit ko at tinaas-taasan ko lang siya ng kilay.

" What? Ahh,y-yeah,Ahmmm pwede naba akong umalis? sambit nito ngunit hinawakan lang siya sa kamay ni mama at niyayang pumasok muna sa loob at sasaluhan niya raw kaming kumain.

Nakapag hain na rin si mama at pinaupo na rin niya si derick nakatitig lang nama ang binata sa mga pagkaing nasa hapag.

" Whats that? sambit nito at tila diring-diri sa ulam naming gulay na dahon ng okra na niluto ni mama.

" Dahon ng okra iyan,hindi kaba kumakain ng gulay? ani ni mama at umiling lang din si derick.

" Ahh..hindi po sila kumakain niyan ma,heto nalang sir,adobong manok yan fresh from poultry," nakangiti kong sabi at naglagay na rin ako sa pinggan niya.

Nakatingin lang din siya sa pinggan niya habang kinakagat kagat ang kutsara nito.

" Ayaw mo ba? Pasensya na hindi kasi kami mayaman katulad niyo kaya kaming mahihirap ganyan lang ang pinagsasaluhan namin," ani ko at sabay subo.

Dahil hindi nga niya ginagalaw ang pagkain niya ay lumipat nga ako sa tabi niya at binigyan ko siya ng gulay sa plato nito.

" Ganito sir,kumuha ka ng konting okra tapos isabay mo sa kanin,lagyan mo rin ng sabaw niya para maasim asim,masarap yan favorite ko yan eh,alam mo ba tawag diyan? dinengdeng ang tawag namin diyan,syempre hindi niyo alam kayo ba naman halos araw-araw masasarap ang ulam," sambit ko lang at kinuha ko nga ang kutsara nito at sinubuan siya ng okra,hindi naman siya naging maarte at nginuya naman niya agad iyon.

" Anak wag mo na siyang pilitin kung ayaw niya,sige na hijo,wag mo nalang kainin iyan baka pa magkasakit ang tyan mo pag pinilit mo pa," ikaw lang din ni mama.

" No...its okay, Actually, it's my first time eating this and it's delicious." sambit ng binata at tila nagkaroon nga siya ng energy at napakain nalang ito,napangiti naman ako dahil kahit papaano ay naturuan siyang kumain ng gulay.

Pagkatapos naming kumain nag paalam na rin si derick kay mama at sinamahan ko lang din siya papuntang kotse nito.

" Salamat po sa paghatid sakin sir,ingat ho kayo," ani ko rito.

" Thank you for feeding me, I am full, don't go to work tomorrow, your mom said she needs your help,Sige i have to go,goodnight," sambit lang niya at saka na niya pinaandar ang kotse at umalis.

Pagbalik ko sa loob nakatitig lang din si mama saakin na tila nangangantyaw ang mga mata nito.

" Bakit ganyan kayo makatingin? Ma,alam ko iniisip niyo," ani ko lang sa kanya.

" Eh sino ba yun? mukhang mayaman,sandy naman baka mapahamak kapa sa ginagawa mo." sagot lang din ni mama na nakapamewang saakin.

" Hindi po ma,Sa totoo nga po may kasalanan ako sa lalaking iyon kaya ko siya inaalagaan sa kanila,Nabato ko po kasi at tumama iyon sa ulo niya,Ayaw ko lang po na baka magalit ang mommy niya kaya pumayag po akong maging private nurse hanggang sa gumaling yung sugat niya," malungkot na paliwanag ko.

" Naku sandy,bakit ba? ano ba kasing ginawa mo,Hindi pa nga natatapos ang nangyari sa bahay nina madam annie may ginawa kana namang kalokohan," inis na sabi pa niya.

" Sorry po Ma,nainis lang po kasi ako sa kotseng humarurot kaninang umaga saakin muntikan na kaya akong mabangga,nainis ako kaya babatuhin ko sana pero hindi ko naman alam na may tao palang dadaan."

"Minsan anak mag iingat ka naman sa kinikilos mo,Sige na magpahinga kana bukas sasama ka saakin sa trabaho ko at dumating ang Unico-hijo ni madam kaya bibigyan niya raw ito ng welcome party," sambit ni mama at nauna na rin siyang pumasok sa loob.

Nakasunod lang din ako ng tingin kay mama,Hindi ko alam bakit kailangan niya pang mag tiis sa pagtatrabaho gayong kaya ko naman ng kumita ng pera kung gusto ko.
Naaawa na rin ako sa kanya,minsan gusto ko nalang siyang palitan sa trabaho niya ngunit siya lang ang nag aayaw,Napapansin ko rin na hindi niya ako gustong mag punta roon kapag nandoon ang amo niyang lalaki,At naalala ko rin ang sinabi niyang wag akong lalapit sa asawa ni madam annie.

" Hay naku,makatulog na nga lang ako,ayoko ng isipin pa mga yan,maaga pa kami aalis ni mama bukas," bulong ko nalang at tumayo na rin ako at mabilis na pumasok sa kwarto ko.

PAINFUL LOVEWhere stories live. Discover now