Chapter 21

1.6K 21 0
                                    

HINDI alam ni Melrose kung bakit siya kinakabahan. Wala naman siyang gagawin na masama. But she's nervous.

"Hi, Mel, pasok ka." Nahiya siya nang buksan ni Loki ang pinto ng bahay nito. Pigil niya ang hininga sa hindi malamang dahilan. Why is she nervous? Mag re- review lang naman ng contract si Conrad at Loki, tapos pipirma na ito.

"Sorry, medyo late ako, inasikaso ko pa kasi si Everest." She apologized.

"Everest? Your son?" Loki glance at her.

"Yep, nasaan si Conrad?" She look around the living room.

"Nasa gaming room, come on, mukhang mahaba-habang usap ang gagawin natin ngayon." Loki guide her up the stairs. Ngumiti na lang siya. Anong usap naman? Are they gonna tell their stories for the past years?

Tumigil sila sa harap ng pinto na gawa sa mahogany wood, may darting board pa sa harap. Loki opened the door and a very wide room welcome her. Malaki naman kasi talaga ang bahay ni Loki, from the design and interiors. Sobrang ganda. Halatang professional at pro ang architect at engineer.

Napatigil siya nang isara ni Loki ang pinto.

"A-Akala ko..."

"Oh, sorry I forgot, nandito pala sila. Is it okay with you?" Loki walk towards the billiard.

Nahuli agad ng mata niya si Luciferus na nasa kabilang gilid ng billiard. She cleared her throat.

"O-Of course," she heaved a sigh and relax her body. "Let's start." She smile politely to Loki. Nandito siya para sa trabaho at walang iba.

Ngumiti si Loki at iginaya siya sa sofa. Ramdam niya ang mga tingin ni Luciferus sa kaniya. Creed went to her side immediately and start questioning her. Nahilo agad siya sa kakulitan ng matanda.

"Loki told us you're married, is it really?"

She nodded her head. "O-Oo."

"May anak na raw kayo?" Nasamid siya sa laway niya.

"O-Oo." She don't know why she's stuttering.

"Talaga? Ninong ako!" Creed laugh. Hindi niya alam kung anong nakakatawa sa sinabi nito. Nakitawa na lang rin siya. "Ninong kaming anim." Dagdag ni Creed.

"Eh..."

"Hayaan mo, mayayaman naman kami. Spoiled namin anak mo, sinong asawa mo? Guwapo ba? Baka mas guwapo si Luciferus jan."

Tuluyan nang sumakit ang ulo ni Melrose sa mga sinabi ni Creed. Hindi niya alam kung nag me- maintenance na si Creed dahil kumukulit na ang matanda.

"Tigilan mo nga si Mel, hindi ka kasali sa negosyo namin." Pagtataboy ni Loki rito. Lumapit si Conrad sa kanila at kinuha ang papel sa lamesa.

Creed grunt. "Mag i- invest din ako, ano, ganda? Pwede ba? I heard you're the CEO of your father's company?"

"Ah, oo, mukhang maraming kinuwento sa inyo si Loki." Alanganin niyang saad.

"Oo, asawa mo nga raw si Manhattan, 'yung bunso?" She look at Creed. Mukhang kilala nga ng mga ito si Maximus.

"Si Maximus," she smile politely. "Kumusta kayo? Wala pa ba kayong asawa?"

"Wala, nag hahabol pa rin kami. Tropa-tropa lang talaga, ano? Pare-parehas nag hahabol." Tumawa si Creed na parang boang.

"Ang tanda niyo na, wala pa ba kayong balak mag pamilya?" Medyo gumaan na ang pakiramdam niya dahil nawala na sa kaniya ang atensyon. But she can still feel Luciferus' gaze.

"Grabe ka naman, ganda. Guwapo pa rin naman ako, 'di ba, kahit matanda na?"

"Oo naman, mga hunk daddies kayo, e." She laugh. Natigilan ang mga ito sa sinabi niya kaya napatikhim siya.

Sinful Touch ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon