MABILIS bumukas ang mga mata ni Melrose nang marinig ang kaguluhan sa buong mansion. Rinig na rinig niya ang mga mabibilis na yabag sa labas ng kwarto niya pati ang sigawan sa labas.
Nasapo niya ang ulo dahil puyat pa siya kagabi. Muntik na siyang matumba sa pagkakatayo niya nang bahagyang umikot ang paningin niya. She rub the sleep of off her eyes before she stretch her arms.
Napatigil siya sa paghikab nang bumukas nang marahas ang pinto ng kwarto niya. Felicia was sweating with her gym outfit and two-side braid.
"Finally! You're awake! Nawawala si Everest!" Felicia shout.
Hindi niya pa agad naproseso ang sinabi nito nang mapagtanto na wala sa tabi niya ang bata. Nataranta siya at mabilis na tumakbo palabas kahit wala pang kaayusan. Kaya pala nagkakagulo ang buong mansion.
"Anong nangyari?! Sia, naman! Sabi ko sa 'yo, bantayan mo at napakalikot ng batang 'yun." Tigagal niyang turan. All the maids are looking everywhere, every wardrobe but no sign of Everest. Lahat sila napatigil nang tumunog ang telepono.
Siya ang mabilis na nakalapit doon.
"Hello?"
"Ano, nagkakagulo na kayo?"
"Dad!" She exclaimed when she heard a familiar voice.
"I'm with Everest, nasa Toy Kingdom kami. He went to my room early in the morning and asking for new toy." Prenteng sagot ng ama niya, tila alam na ang nangyayaring kaguluhan sa mansion nito.
"Oh, my God!" Nasapo niya ang noo sa sobrang stress. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hang over, nagkaro'n kasi ng party kagabi sa kompanya ng ama niya at nakibagay muna siya since she's the CEO of the company, ayaw naman niyang masabihan ng killjoy at maarte.
"We will be home by nine, igagala ko na muna ang apo ko."
"Thanks, dad. Take care, okay? Tell Everest good morning." She sighed in relief. Hinarap niya ang mga kasama at nag thumb's up. Naintindihan agad ng mga ito ang pinaparating niya kaya nakahinga ng maluwag ang mga ito.
Napaupo siya sa silya sa tabi ng telephone's table. Hinilot niya ang sintido at nag pakawala ng malalim na hininga. That was a nice morning to start.
"Wanna grab coffee?" Lumapit si Felicia sa kaniya.
She look up. "May lakad ka?"
"Yep. I'm flying to Madrid today, you know, business. Mamaya pa naman ang flight ko, so, coffee?"
She nodded. "Maliligo lang ako. Tambak pa ang trabaho ko, gosh! Si Daddy naman kasi walang pasabi na kasama si Everest." She massage her nape. Stress talaga siya. Hindi niya akalain na ganito pala ang hinaharap ng kaniyang ama noon, isang kompanya pa lang hina- handle niya, what's more kung lahat? Pasalamat nga siya at katuang pa niya sa negosyo si Felicia at ama niya.
"Hayaan mo, papagalitan ko ang matanda na 'yun." Sabay silang humagikhik ni Felicia. She can't believe Felicia would last with her dad, mukhang mahal na mahal talaga ang ama niya. And she's happy with that. At least may kasama ang ama niya sa pagtanda.
She's happy that Everest made a good relationship with her dad. Kahit pa alam niyang may sama ng loob sa kaniya ang ama dahil sa nangyari. But she just shrugged it off. Sooner or later, they will be okay, it takes time to heal. Hindi minamadali dahil alam niya na dadating ang panahon na tuluyan na silang magkakaayos ng ama niya.
After taking a bath, her and Felicia went to Starbucks to grab a drink and had their breakfast there while discussing about their business. Nang matapos sila ay nag Grab na lang si Felicia pauwi. Siya naman ay dumiretso sa kaniyang kompanya. Masayang bumati sa kaniya ang mga empleyado niya. Kahit sobrang stressing ng kaniyang trabaho, thankful naman siya sa mga tao niya dahil maganda ang kanilang relasyon. She's really trying her best.
BINABASA MO ANG
Sinful Touch ✓
Storie d'amoreWARNING: MATURED CONTENT | R18+ | EXPLICIT RAW VERSION OF STORY, UNEDITED. 𝙈𝙚𝙡𝙧𝙤𝙨𝙚 𝙅𝙖𝙯𝙢𝙞𝙣 𝙎𝙖𝙖𝙫𝙚𝙙𝙧𝙖 __________ 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗘𝗻𝗱𝗲𝗱: 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰