Chapter 3

7 0 0
                                    

Three,

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Mabuti na lamang at tumunog ang aking alarm-clock dahil kung hindi ay paniguradong tuloy-tuloy pa rin ang panaginip ko. Isa-isa kong ipinapatas ang mga libro sa aking bag, nagmamadali ako pero hindi ko pwedeng maiwan ang mahalagang bagay na ito. Maiwan ko na ang lahat, wag lamang ang pinaka-importante sa lahat. Kahit papaano may kasipagan din naman ako, third honor nga lamang. Pero ayos na iyon kaysa wala.

Humarap ako sa salamin. Suot ko ang complete uniform namin Sinuklay ko ang buhok ko na hanggang balikat lamang. Itatali ko sana iyon, kaso basa pa.

Pagkatapos ay isinukbit ko na ang aking bag sa likuran. Kinuha ko ang sapatos malapit sa pintuan at madaliang isinuot iyon. Pagbukas ko pa lamang sa pintuan ng kwarto ay nakaabang na doon ang lalaking kapatid ko. Si Mosque.  limang taong gulang na ito pero hindi pa rin pumapasok dahil may sakit ito sa puso. Nginitian ko ito bago nakipag-high five.

"Mama, gising na si ate!" sigaw nito sabay takbo sa may kusina. Sumilip ako sandali sa doon, naroon si Mama suot ang paborito nitong apron.

Tumalikod na ako at naglakad papalabas ng pintuan. Malalate na pala ako.

"Milan! Kumain kana!" narinig kong sigaw ni Mama. Pero nagtuloy-tuloy na lamang ako.

Pagdaan ko sa labas ng bahay ay naabutan ko doon si Papa na nagbubukas ng shop.
"Aba ang aga mo ngayon ah" mukhang naramdaman ni Papa ang pagdaan ko.

"Papasok napo ako!" sigaw ko sabay takbo paahon sa daan.

Mahigit sampong minuto ang itinakbo ko bago makarating sa sakayan ng dyip at mga pampasadang sasakyan. Napasimangot na lamang ako ng mapansing punuan na ang isang dyip na naroroon. Halos liparin ko ang daan makaabot lamang sa murang pamasahe, heto lang pala ang aking madadatnan.

Wala akong choice kundi magtricycle.

"Ineng sasakay ka?" napatingin ako kay Manong tricycle na mukhang nag-aabang ng estudyanteng sasakay. Tinanguan ko ito, naglakad ako  palapit sa tricycle.

                             ***

Pagdating ko sa may room. Maingay sila. Palagi naman silang maingay. Ang kaso iba ngayon. May pinag-uumpukan. Mukhang may bagong tsismis na naman silang ikinalat. Ni hindi nga nila napansin ang pagpasok ko. Isa lang ang ibig sabihin noon. Mahalaga ang pinag-uusapan nila. Sa halip na ibaba ang bag, nakiumpok ako. Hindi pwedeng mahuli sa balita.

"Anong meron?" tanong ko habang pinipilit makisiksik. Naghalo-halo na tuloy ang amoy nila.

"Yung partner sa Nutrition Month" narinig kong sagot ng nasa unahan ko.  Napairap ako, ayun lang pala. Bakit nag-uumpukan pa sila? Makikita rin naman nila iyon.

Bumalik ako sa upuan ko. Inilabas iyong mabibigat na libro. Baka kasi masira na ang bag ko. Kailangan ko itong ingatan hanggang sa matapos ang taon. Maya-maya lang bumalik na si Brigette. Pawisan siya, pero nakangiti.

"Nakita ko na ang partner natin sa Nutrition Month!" humatak ito ng isang upuan. Tapos ay tumabi sa akin.
"Kapartner ko si Ysaac!" sinamaan ko siya ng tingin. Paborito niya talagang mang-asar.

"Subukan mo" tumawa siya. Mukhang nang-aasar nga.

"Yuck, pati ako pinagseselosan sa my jolly niya" tumawa ulit siya. Parang bruha ah. "Don't worry hindi siya ang type ko," tumayo na siya at ibinalik iyong upuan. Bumalik din ulit siya. Mukhang may nakalimutang sabihin.

"Si Inogen! Kapartner mo!" ngumisi siya. Kainis!

"Go back to your seat!" napabalik sa mga upuan ang mga kaklase ko. Umagang-umaga pinapainit nila ang ulo ni Ms. Ramos. Guro namin sa English.

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon