Chapter 9

5 0 0
                                    

Nine,

Maraming mga estudyante. Halos mapuno ang covered court. Hindi pa man nagsisimula ang pagtugtog ay naghihiyawan na sila. Habang itinataas ang kanilang mga banner. Nakatayo kami ni Brigette sa gitna. Nakisiksik lamang kami. Wala na kasing mga upuan. Naunahan na kami. Pero ayos lang. Kapag nakaupo naman kami, tatayo at tatayo pa rin kami. Nagtatalunan ba naman ang iba. Paano pa makikita kung nakaupo.

"Good Morning Ladies and Gentlemen!" naghiyawan ang mga tao ng magsalita ang emcee. Iyon ang bossing nila. Mataba iyon na balbas sarado. "Handa naba kayong makilala ang ating mga nag-gwa-gwapuhang miyembro ng banda!" malakas na hiyaw ang itinugon ng mga tao.

"Ang bandang tatak sa inyong puso! Ang bandang magpapakitang gilas! Meet 1995 Band Member!"

"Ang tinig ng bandang 1995, Ysaac Villanueva! 1995 main vocalist!" napapalakpak kami ng katabi ko.

"Kung sa patugtugan lamang ay hinding-hindi siya magpapahuli! Forence Dela Cuesta!"

"Magaling na drummer ba ang hanap niyo? Baka si Yugen Salvador yan!"

"Last but not least! Ang pinakagwapo at magaling na rakista ng 1995! Inogen San Diego!"

Nang lumabas ang mga member ng banda. Lalong nagsigawan sa tuwa ang mga estudyante. Lahat sila ay naka-white t-shirt. May tatak iyon. Yung iginuhit ko. Tiningnan ko si Ysaac. Bagay na bagay iyon sa kaniya. May suot din siyang pantali sa ulo.

"Titig na titig ka ah" siniko ako ng katabi ko. Napatingin naman ako kay Inogen, nakasukbit iyong electric guitar niya.

Nang magsimulang tumugtog ang mga member ng 1995 halos walang paglagyan ang sigawan ng mga estudyante.

"Go! 1995!"

"Go! 1995!"

"Go! 1995!"

"Ysaac! Ysaac! Ysaac!"

"Inogen! My number one! Inogen! My number one!"

Sari-saring yell ang ginawa ng bawat section. Idagdag mo pa ang banner nila na puno ng design. May mukha pa iyon ng bawat member.

Una nilang tinugtog ang With a Smile  ng Eraserheads. Sumasabay ang mga estudyante sa pagkanta. Habang iwinawagayway ang kanilang kamay sa ere. Nang matapos ang unang kanta ay naghiyawan na ulit ang mga tao.

Ang akala namin ay tapos na. Nang biglang magsalita si Ysaac.

"Ang kantang ito ay para sa babaeng hinahangaan ko." nag-iritan ang mga tao. Lalo na ang mga kababaihan. Pinatugtog nila ang kantang ang Huling El Bimbo.

"Kamukha mo si Paraluman.." sa napakalambing niyang boses ay naghiyawan ang mga tao.

No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha

May tinitiningnan siya. Doon sa kabilang upuan. Sinubukan kong hagilapin iyon. Pero sobrang dami ng mga tao.

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

Pagkagaling sa 'skuwela ay dederetso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Nahagilap ng mata ko ang pwesto kung saan nakaupo si Jennifer. Maganda ang ngiti niya habang nakatingin sa kumakanta.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon