Epilogue

5 0 0
                                    

Epilogue

August, 20, 2005

Pagkatapos pakinggan ang cassette tape. Ibinalik iyon ng dalaga sa kaniyang kahon. Sampong taon na mahigit. Pero sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala ang nakapaloob sa cassette tape na iyon. Sa loob ng halos limang taon. Ngayon lamang ulit siya, nagkaroon ng lakas ng loob na pakinggan ulit iyon. Walang araw na hindi siya umasa. Sa pagbabalik ng binata.

Ang akala niya kapag naitago na niya ang bagay na iyon. Makakalimutan na niya ang binata. Pero hindi pala. Dahil kapag napakinggan niya ito, kusa nalang bumabalik ang lahat. Ang pag-ibig. Ang pag-asa. At ang minsang buhay niya bilang highschool.

"Ma'am Milan, uuwi napo ako.." nginitian niya ang batang kinder na kaniyang estudyante. Dalawang taon na siyang guro. Bumalik na ulit siya sa pagtuturo.

"Mag-iingat ka.." nagba-bye sa kaniya ang bata hanggang makalabas sa may pintuan.

Inayos niya ang gamit sa lamesa. Bago naglakad palabas sa pintuan. Pagdaan niya sa may gate. Umaambon na. Napatakbo siya papunta sa katabing waiting shed. Lumakas na ang buhos ng ulan.

Kinalkal niya ang bag. Tiningnan niya kung may dala ba siyang payong. Nang mapansin niyang parang may nawawala sa loob niyon. Iniwan niya ang gamit sa waiting shed. Kahit malakas ang ulan. Sinugod niya iyon. Hindi pwedeng mawala ang bagay na napakahalaga sa kaniya. Ang bagay na natitirang ala-ala niya sa binata.

Madali naman niya iyong nakita. Mabuti na lamang at may lalagyan iyon. Hindi mapapasok ng tubig. Akmang dadamputin na niya ang kahon ng may naunang kumuha noon. Naramdaman din niyang hindi na siya nababasa ng ulan.

Dahan-dahan niyang itinunghay ang kaniyang ulo. Pakiramdam niya nanaginip siya. Ang taong matagal ng hinintay ay muling nasumpungan.

Pinagmasdan niya ang matagal ng hinihintay. Maraming nagbago sa binata. Ang buhok nito, mas malago na. May balbas na rin ito. Pumuti ang kutis nito. Pero ang hitsura ng binata, nanatili pa rin sa kaniya. Kung paanong minsan niyang nasilayan ito. Naramdaman niya ang pagtutubig ng mata.

Nagbago na rin kaya ang nararamdaman nito sa kaniya?

Naupo ang ito katapat niya. Habang ang payong na hawak ay nasa uluhan ng dalaga.
"Bumalik ako, Milan.." at sa kung paanong unang beses na tumibok ang kaniyang puso. Kung paanong unang beses niyang nagustuhan ang binata. Ganon pa rin ang nararamdaman niya sa ngayon.

"I-nogen..."

"Hindi na ako aalis. Milan.."

Now playing (Your Love by Alamid)

Kusang tumugtog ang cassette tape. Ang boses na iyon. Hinding-hindi niya malilimutan. At kaharap niya muli ngayon. Ang taong nasa likod noon. Ang taong kaniyang inibig. Ang taong nagpatibok ng kaniyang puso.

Record of Love

The End

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon