Chapter 13

5 0 0
                                    

Thirteen,

Tulala akong nakaupo sa aking mesa. May sakit si Brigette. Hindi raw makakapasok, sabi ng adviser namin sa ESP. Napatingin ako nang maglabasan ang mga kaklase namin. Oras na ng recess pero wala akong balak magpunta sa canteen. Wala rin naman akong makakasama sa canteen. Maliban na lamang kung ayain ako ni Gwen. Pero bihira lamang kasi itong magpunta sa canteen.

"Milan, tara sa faculty" tumayo ako ng bigla akong tawagin ni Gwen. Halatang may meeting na naman kami.

"Anong gagawin natin?" nakasunod ako sa kaniya sa paglabas.

"Lalabas tayo" nanlaki ang mata ko. Magcu-cutting classes ba kami?
"Magpapa-feeding tayo. Nagpaalam na sa Principal. Pumayag naman." nakahinga ako ng maluwag. Bakit ba naisip kong magcu-cutting kami eh matino ang kasama ko. Kung si Brigette. Pwede pa.

Pagpasok namin sa loob ng faculty nakahanda na sila. Sabay-sabay kaming lumabas. Sumakay kami sa isang van. Naroon na ang mga nailutong pagkain para sa Barangay. Mahigit limang kalderong malalaki iyon. May dala rin kaming mga bottled water.

Pagdating namin sa covered court ng Barangay. Nakapila na iyong mga tao doon. Mukhang alam nilang may pa-feeding program. Dali-dali naman kaming bumaba at nagtulong-tulong sa pamimigay ng pagkain.

"Maraming salamat po" napangiti ako ng marinig ang munting tinig ng batang inabutan ko ng sopas.

"Magpakabusog ka." nginitian ako nito habang kinukuha ang sopas.

Mga dalawang oras ay natapos na kami sa pamimigay ng sopas. Marami pa rin ang natira sa may lagayan. Kaya't kumain na rin kami doon.

"Nakakatuwa, mukhang nagustuhan lahat nila" nakangiting sambit ni Vivian habang hawak ang isang punong mangkok na sopas.

"Magpasalamat tayo kay Milan, siya ang nakaisip nito" tumingin sila sa akin bago ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Ate gusto ko pa po" tumayo naman si Gwen at binigyan ang batang humihingi.

"Bumalik kapa ha" natawa ang bata. Mukhang mabait sa bata si Gwen.

"Guys, wala na tayong tubig" pinakita ni Jennifer ang mga plastic bottle na wala ng laman. Tumayo ako.

"Bibili ako" pagpepresenta ko. May alam kasi akong malapit na sari-sari store dito. May tinda silang bottled water.

"Magpasama ka," tiningnan ko sila. Kumakain pa. Mukhang kaya ko rin naman ng mag-isa.

"Ako nalang" inabot ko yung pera sa kamay niya. Pagkatapos ay lumabas ako ng covered court.

Mga sampong hakbang lamang naman ang layo noon. Nang makarating doon. Dire-diretso akong pumasok sa may pintuan.

"Ate, isang balot na bottled water nga po" kinuha ng babae ang bayad ko.

"Neng may kasama ka?" umiling ako.

"Ako napo ang magdadala.."

"Sasamahan ko po siya." Napalingon ako ng makita ko si Inogen. Bitbit niya ang pinamili ko. Tumango naman iyong babae. Nauna akong lumabas. Para pagbuksan ng pintuan si Inogen.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ng makalabas siya. Parang hindi inaalala ang nangyari kagabi.

"Dito ako nagtatrabaho." Napatungo siya.

"Nagtatrabaho ka?" tumango siya.

"Sideline lamang para makaipon." napatango-tango ako. Ang sipag niya.
"Ah, Milan yung tungkol pala kagabi.." napakagat ako sa labi ko.

"Wala yon!" sigaw ko sabay agaw ng mga tubig sa kaniya.

                              ***

Mga alas-singko ng hapon ng matapos kami. "Mag-ingat kayo pag-uwi." tumango kami kay Jennifer bago nagpaalam. Nagsidatingan na ang sundo ng iba kong kaklase. Hanggang sa maiwan akong mag-isa sa labas doon.

Naisipan ko namang maglakad pauwi. Malapit lamang ito sa amin. Medyo madilim na din ang daan. Pero kita pa naman, dahil may mga sasakyang dumaraan. Napahinto ako saglit ng madaanan iyong grocery store na binilhan ko kanina. Kung saan nagtatrabaho si Inogen.

Napaiwas ako ng tingin ng lumabas siya doon. Mukhang katatapos niya lamang magtrabaho. Nakasuot na siya ngayon ng puting polo at maong na shorts.

"Milan?" nagkunwari akong walang narinig. Yung kagabi Milan. "Milan!" sa pangalawang tawag niya lumingon na ako. Lumapit siya sa may pwesto ko. "Uuwi kana ba?" tumango ako. Tapos ay tumalikod.

"Ihatid na kita," parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Maging siya ay gulat habang nakatingin sa akin. Binitawan niya iyon. "Pasensya na.." tumalikod ako at naunang maglakad sa kaniya.

"T-eka bakit ang layo mo?" humarap ako sa kaniya. Hindi naman niya inaasahan iyon. Kaya napauntog ako sa dibdib niya. Lumayo din agad ako.

"A-h mabaho ako." palusot ko. Pero ang totoo. Natatakot lamang ako. Natatakot akong marinig niya ang tibok ng puso ko.

Nauna akong maglakad sa kaniya. Dinig na dinig ko ang malalakas na tibok ng puso ko. Narinig kong nagsasalita siya. Pero hindi ko iyon maintindihan. Ang ingay kasi ng puso ko.

"Milan?" napahinto ako.

"Ha?"

"Nakikinig kaba?" tumango ako. "Anong masasabi mo?"

"A-h. Ayos yung naiisip mo, maganda.." napatawa siya. Mukhang napansin niyang nagsisinungaling ako.

"Hindi iyon ang sinabi ko" ngumiti siya. Napaiwas ako ng tingin.

"A-h pasensya na" nakurot ko ang daliri ko. Bakit ako nauutal?

"Gusto mo bang marinig ulit ang sinabi ko?"

"Ano ba yung sinabi mo?" Lumakad siya palapit sa akin. Dahilan para lalong magwala ang puso ko.

"Milan, gusto kita."

                             ***

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa amin ng walang nagpapansinan. Halos sumabog ang puso ko. Sa tuwing maririnig sa aking isip ang sinabi niya. Totoo bang gusto niya ako?

"Milan, ito ang bahay niyo" napalingon ako sa kaniya. Sa sobrang kaba ay nakalagpas na pala ako. Takte ka Milan, masyado kang nagpapahalata.

Lumakad ako papalapit sa may gate namin. Nandoon din siya. Dinig na dinig ko tuloy ang pagwawala ng puso ko. Please lang kumalma ka. Baka may hindi na naman ako marinig sa kaniya.

"Milan, yung sinabi ko kanina.." napatungo siya. "Alam kong si Ysaac ang gusto mo. Pasensya na, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na umamin sayo,"

"Huwag mo sana akong layuan. Hayaan mo akong ipakita sayo na, gusto talaga kita. Kahit alam kong wala akong pag-asa."

"Hayaan mong magugustuhan kita kahit sa kaunting panahon. Matulog ka ng mahimbing, Milan." pagkatapos noon ay tumalikod na siya. Nanatili akong nakatayo sa gate.

"I-nogen!" napalingon siya. Lumapit ako sa may pwesto niya. Ayan na naman ang puso ko. Nagwawala na naman. Huminga ako ng malalim.

"Inogen, gusto mo bang lumabas sa Sabado?" Gusto rin kita.

——————————————————

Dear Mr. Cassette tape,

Akala ko simpleng araw lamang. Pero hindi. Hindi mo alam kung gaano kasaya ang puso ko.

Milan, gusto kita. Pwede mo bang ulit-ulitin. Si Inogen. Ang may-ari nang cassette tape. Gusto ako.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kung narinig mo lamang. Baka mabingi ka. Gusto rin kita, pero hindi ko pa kayang sabihin. Natatakot ako na baka pag umamin ako. Biglang magbago ang iyong pagtingin.

Dito ko nalang sasabihin, kung gaano ako kasaya na makilala at hangaan ka. Inogen, gustong-gusto kita.

Umiibig,
—Milan

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon