Chapter 14

4 0 0
                                    

Fourteen,

Kapag tumibok ng mabilis ang puso. Nakuryente ang mga palad na hindi sinasadyang maglapat. Nauutal ang mga salitang nais sabihin. Gumagawa ng dahilan para hindi mabuking. Masasabi ba nating gusto na natin ang isang tao?

Pero paano?

Posible bang kapag katapos ng isa, o kapag katapos ng napaghinalaan ng damdamin. Posible bang umibig ulit at magkaroon ng panibagong pagtingin?

"Milan, ano ba." napalingon ako sa katabi ko. "Lunch na, ano magbubuklat kapa rin ba?" nasapo ko ang noo ng marealize ang aking ginagawa. "Paulit-ulit mo na lamang binuklat, gutom na ako" reklamo pa ng katabi ko. Tiningnan ko siya.

"Brigette, kapag nakuryente ba. Pag-ibig?" inalog niya ang magkabila kong braso.

"Adik kana ba? Paano kung namatay ka?" walang gana ko siyang tiningnan.

"Nakakamatay ba ang pag-ibig?" napasapo siya sa may noo.

"Mamatay kana nga, pag-ibig pa rin." tumayo siya. "Ibibili na lamang kita." naghihimutok ito. "Lecheng pag-ibig." Napasubsob ako sa may desk ko.

"Milan, may naghahanap sayo!" naramdaman kong may kumalwit sa akin.

"Sabihin mo, tulog ako" tamad na sagot ko bago pumikit. Bumalik siya.

"Inogen daw ang p—parang umakyat lahat ng energy ko sa katawan. Mabilis pa sa kidlat na narating ko ang pintuan.

"Akala ko ba tulog ka?" tanong niya. Habang may itinatago sa likod.

"H-indi ako tulog" napakagat ako sa labi. Nauutal pa rin ako. "Bakit ka pala nagpunta dito?" Inilabas niya iyong nasa likod niya. Isang bracelet.

"May gig kami mamaya sa Barangay niyo, isuot mo yang bracelet" inilagay niya iyon sa kamay ko. "Itaas mo ang kamay mo para madali kitang makita."

                              ***

Malakas ang tugtog ng kanta. Iba't ibang tao ngayon ang naririto. May mga bata, matatanda, dalaga at binata. Nakasuot ako ng isang plain na black t-shirt. Tinernuhan ko iyon ng jumper na short. Nandito kami ngayon sa covered court ng Barangay. May hawak ako sa kamay na banner.

"Go 1995!" Iyon ang nakasulat doon.

"Siguradong maraming tao ang hahanga sa kanila" napatingin ako kay Brigette. Nakasuot siya ng maong na dress. Ngumiti ako. May maganda pa rin palang lumalabas sa bibig niya.

"Himala, ang ganda ngayon ng nalabas sa bibig mo" sinagi niya ako.

"Natural yon, maganda ako eh." Nagsikuhan kami. Napahinto lamang kami ng magsimulang tumugtog ang isang electric guitar. Unang lapat pa lamang sa kanta. Napasigaw na ang mga nanonood.

"Go 1995!" sigaw ko. Napatalon kami sa tuwa ng kasama ko.

Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

Naghawak kamay kaming dalawa. Napapatalon kami habang iwinawagayway ang kamay namin sa ere. Malakas na hiyawan naman ang maririnig sa mga tao. Mas malakas pa iyon sa school namin.

At ngayon
Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Naghiyawan ang mga tao sa ginawang pag-ikot ni Ysaac sa ibabaw ng entablado.

Lumiwanag ang buwan
San Juan

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon