Chapter 4

7 0 0
                                    

Four,

"Milan, pinapatawag na tayo sa Faculty" sumilip si Gwen sa may bintana habang bitbit iyong bag niya. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa room. Nag-uwian na kasi ang mga kaklase namin.

"Susunod ako" umiling siya, mukhang hihintayin ako. Iniligpit ko ang mga libro ko na nakalagay sa ilalim ng mesa. Tapos ay lumabas na. "Anong gagawin natin doon?"

"Gagawa ng mga design para sa Nutrition Month" napatango ako. Nauna siyang maglakad. Katulad ng kahapon. Sinundan ko lamang ulit siya ng hindi kumikibo. Tahimik naming narating ang faculty room. Pagbukas namin ng pinto, nagsisimula na sila. Kami talaga yung mga late student sa teleserye.

Naupo kami sa may sahig at nagsimulang maggupit ng mga colored paper. Mga hugis prutas at gulay iyon. Ilalagay doon sa basket na colored paper din. Tapos ididikit sa isang malaking plywood na tinutulak. May gulong sa ibaba.

"Sinong magaling magdrawing sa inyo?" napahinto kami sa pag-gugupit. Tapos ay nagtinginan. Akala ko may magtataas ng kamay. Pero wala.

"Si Milan," napatingin ako kay Gwen ng bigla siyang magsalita. "Sorry sinabi ni Brigette." nagpatuloy siya sa may pag-gugupit. Tiningnan ko si Jennifer. Tinanguan niya ako. Iniabot ko iyong ginugupit ko kay Vivian.

"Yung mukha sana ng mga band member" itinuro niya iyong malaking malapad na plywood. "Ididikit diyan,"

"Paano? Wala akong picture nila."

"Hindi kapa nakakapagsabi na tutugtog sila sa Nutrition Month?" napaiwas ako ng tingin. Ano bang sasabihin ko?

"Nakausap ko na si.." napapikit ako. Sinong sasabihin ko? "Si Inogen," Sorry talaga Inogen.

"Kung ganon, baka pwedeng humingi kana rin ng picture nila" tumango-tango ako. "Monday na ang Nutrition Month, hanggang bukas nalang tayo pwede gumawa" nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Pero don't worry, sinusubukan naming mag-paalam kay Mr. Romano" hinawakan nito ang braso ko. "Kaya mo bang tapusin yan hanggang Linggo?"

                              ***

"Alam kong hindi mo pa nakakausap si Inogen" bumulong si Gwen pagkalabas namin sa faculty.

"N-akausap ko na" nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako magaling magsinungaling. Kaya kung titingnan ko siya. Baka mabisto ako.

"Hindi mo ako mauuto, kaya habang maaga pa kausapin mo na" tinapik niya ang balikat ko. "May nakapagsabi, masungit ang isang iyon. Bye!" Tinulak niya ako ng mahina bago tumakbo pababa sa hagdan.

Napapadyak naman ako sa inis. Paano ko kakausapin si Inogen?

Hindi sinasadyang napalingon ako sa kabilang building. Kung saan nandoon ang room ng banda. Puntahan ko kaya siya? Pero anong ipapaliwanag ko?

Napakapit ako sa bag ko. Bahala na. Mabilis akong bumaba sa may hagdan. Pagdating sa baba, patakbo kong tinawid ang covered court na naging pagitan ng magkabilang building. Pagkadating doon ay habol hininga ko ulit inakyat ang taas.

Napasalampak ako sa may pintuan. Pintuan na pagmamay-ari ng kanilang banda. Nakasarado iyon. Napatingin ulit ako doon sa may bintana sa itaas. Nandoon pa rin iyong upuan. Umakyat ako doon at sumilip.

Nilibot ko ang tingin ko. Walang tao. Nasaan kaya sila?

Napahawak ako sa may bintana. Kasya doon ang katawan ng tao. Ang kaso nga lamang mataas ang babagsakan. Nagkibit balikat ako, bago itinaas ang katawan ko.

"A-ray" napahawak ako sa may siko ko ng bumgsak ako sa tabi ng mga libro. Mabuti na lamang at hindi doon sa may stage. Siguradong magkakabali ako. Bumangon ako at pinagpagan ang damit ko.

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon