Chapter 18

6 0 0
                                    

Eighteen,

Sabado. Nakatulala ako sa kisame ng aking kwarto. Dinig na dinig ko ang sunod-sunod na pagputak ng manok ng aming kapitbahay.

Kanina pa ako gising. Ngunit ayaw pang bumangon ng katawan ko.

Ngayon dapat ang araw na magkikita kami ni Inogen. Ang araw na ipinangako ko sa kaniya. Ngunit hindi ko siya sisiputin. Gaya ng napag-usapan namin ni Brigette. Ayokong paasahin si Inogen. Pero ayoko rin na masaktan ang kaibigan ko. Kaya't hangga't kaya kong gawan ng paraan ang lahat. Gagawin ko.

"Milan! Gising na!" narinig ko ang pagkatok ni Mama. Dali-dali akong nagtalukbong. Sabado naman ngayon.
Maya-maya lamang ay tumigil na iyon. Inalis ko ang talukbong sa aking mukha at naupo sa aking study table.

Siguradong magagalit si Inogen sa akin.

Pumilas ako ng kapirasong papel at sumulat doon.

Inogen patawad

Binura ko iyon. Masyadong simple.
Nakailang bura pa ako. Sa huli nahiga na lamang ulit ako. Hindi naman siguro siya magagalit. Magkaibigan naman kami ni Brigette.

"Milan! Bumangon kana! Dalhin mo ang diyaryo kay Aling Rosario!" napahilamos ako sa mukha ko. Nakakaasar.

Tirik na ang araw ng lumabas ako sa aking lungga. Bitbit ko ngayon ang isang basket ng mga diyaryo. Mabigat iyon kaya hirap na hirap akong umahon sa daan. Bakit kasi kailangan pang ako ang magdeliver?

"Tulungan na kita," napalingon ako sa lalaking bumuhat ng mga bitbit ko. Nakasuot siya ng asul na polo at puting shorts. Anong ginagawa niya rito?

"Kaya ko yan" kinuha ko pabalik sa kamay ni Ysaac ang mga diyaryo. Muntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang braso ko.

"Kaya pala ha?" inirapan ko siya bago ihagis ang mga bitbit sa mukha niya. Inunahan ko siyang maglakad.

"Milan! San dadalhin to?" Hindi ko siya pinansin.

"Milan!"

                             ***

Narating namin ang isang malaking bahay na gawa sa kahoy ng narra. Lumabas doon ang may edad na matanda. Siya si Aling Rosario.

"Oh, ikaw si Milan hindi ba?" ngumiti ito bago abutin ang mga dyaryo na hawak ni Ysaac.

"Ako nga po.." nginitian ko ito pabalik.
"Uuna napo kami," paalam ko sa matanda.

"Bakit hindi muna kayo kumain?" umiling ako.

"Hindi napo, maraming salamat nalang po." nauna akong naglakad bago sumunod ang kasama ko.

"Uuwi kana ba agad?" narinig kong tanong nito.

"Malamang." simpleng sagot ko.

"Gusto mo, mag-ice cream muna tayo?" parang batang tanong nito.

"Ayoko. Ikaw nalang." Tanggi ko pa. "Uuna na ako," hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.

Nang makarating sa amin. Amoy na amoy ko ang mabangong niluluto ni Mama. Pagpasok ko sa loob. Sumalubong sa akin si Mosque.

"Ate, kain na" umakay ito sa kamay ko.

"Ma anong ulam?" Alam kong dinig iyon ni Mama kahit nasa kusina siya.
Lumakad ako doon habang akay si Mosque.

"Ang sarap naman," inamoy ko iyon sa hangin. "Mosque, ta kakain tayo," tumango-tango siya habang tumatawa. Binuhat ko siya paupo. Bago ako kumuha ng plato at kutsara.
Sasandok na sana ako ng may tumapik sa kamay ko.

"Maghugas ka muna ng kamay mo,"

"Ma naman!"

                               ***

Hapon. Kasalukuyan akong nagsusulat ng kung ano-ano sa aking notebook. Mahigit tatlong oras na akong nakaupo dito. Simula pa ng matapos kumain.

Napatigil ako sa pagsusulat. May narinig akong kumakatok. Pagtingin ko. May tao doon sa bintana ng kwarto ko. Napatayo ako. Si Inogen, naghihintay siya sa likod.

Dali-dali akong lumabas at patakbong nagpunta doon. Nakasuot siya ng kulay berdeng polo at puting shorts.

"Anong ginagawa mo rito?" sinaway ko siya sa pagkatok sa bintana ng kwarto ko. Baka makita siya ni Mama.

"May kasalanan ka sa'kin.." pinagpagan niya ang kamay. "Bakit hindi mo ako sinipot?" napaiwas ako ng tingin. Nilaro-laro ko ang daliri ko. Baka sakaling makahanap ng sagot. "Naghintay ako sa pagdating mo, pero..."

"Pasensya na, masama kasi ang pakiramdam ko.." napatungo ako. Nagsisinungaling na naman ako.

"Hindi ganon ang sinabi ni Brigette."

Tiningnan ko siya. "Hindi ba kasama mo naman siya? Ayos na rin yon." pinilit ko siyang ngitian.

"Hindi naman siya dapat ang kasama ko..Milan," napahawak siya sa bulsa. "Hindi naman pala dapat ako nagkakaganito, hindi naman ako si Ysaac para siputin mo." Kung alam mo lang Inogen. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong makasama.

"Iyong bracelet na binigay ko. Hindi ko akalaing ibibigay mo yon sa kaniya.." hindi ko ibinigay iyon. Ipinahiram ko lamang.

"Inogen, g-usto mo lumabas tayo bukas? Babawi ako." pinasaya ko ang boses ko.

"Uuwi na ako," tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

"Inogen!" napatigil siya.

"Gusto ka ni Brigette.." humarap siya.

"Anong gagawin ko?" malamig ang boses niya. "D-apat ba ay ligawan ko siya?" parang may bumara sa lalamunan ko.  Pinilit ko pa ring ngumiti.

"B-akit hindi? Maganda naman si Brigette. Mas magugustuhan mo siya.." alam kong hindi iyon ang gustong sabihin ng labi ko.

"Ano pang gusto mong gawin ko?"

"L-igawan mo siya.." nakagat ko ang labi ko. "Ino.."

Napatawa siya ng bahagya. "Ganon ba talaga ako kawalang halaga sayo Milan? Dahil ba hindi ako si Ysaac?" naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko.

"H-indi ganon.."

"Kung ganon, bakit mo ipinamigay ang bagay na galing sa'kin?" umiling ako. "Ganon mo ba talaga kaayaw sa'kin?" Kung alam mo lang. Kung gaano kita kagusto. Pero hindi pwede.

"Okay lang sa'kin kung hindi mo ako sinipot. Pero yung pagbigay mo ng bagay na binigay ko sayo.." tumungo siya.

"Inogen.."

"Gusto kita Milan. Pero hindi ibig sabihin noon, pwede mo na akong ipamigay. Dahil ayaw mo sa'kin. Dahil may gusto kang iba."

"Gusto kita, pero hindi ako bagay na kapag ayaw mo ay itatapon mo nalang sa daan o ipamimigay."

"Inogen.." tumalikod siya at hindi na lumingon pa. Parang may kung anong bagay na tumutusok sa dibdib ko. Habang tinatanaw ang kaniyang paglayo.

Ramdam ko ang pagguho nang aking mundo habang humahakbang siya. Gusto ko siyang pigilan.

Tama lang ang ginawa mo Milan. Tama lang yon. Kaysa masaktan ang kaibigan mo. Kaysa makasakit ka. Mas okay ng ako ang masaktan.

Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto. Kung alam mo lang na ikaw talaga ang gusto ko.

——————————————————

Dear Mr. Cassette tape,

Masakit makitang lumalayo ka sa akin. Makitang humahakbang ang mga paa mo. Parang dinudurog ang puso ko. Kung pwede ko lang maamin. Na sayo rin ay may pagtingin. Na ikaw rin ang tibok nang puso ko. Na pareho lamang nang damdamin. Ngunit hindi pwede..

Ayokong masaktan si Brigette. Ayos nang ako gumuho. Madurog. Masaktan. Wag ko lang makitang umiiyak ang aking kaibigan.

Tama lamang ang ginawa ko. Tama lamang iyon.

Kung alam mo lang,
—Milan

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon