Chapter 6

8 0 0
                                    

Six,

"Oh anong gagawin mo sa mga yan?" itinuro ni Mama iyong bitbit ko pagdating sa may pintuan. Tiningnan ko naman ang bitbit kong plastic na puno nang coloring materials.

"Sa nutrition month po" sagot ko. Bigla namang sumulpot si Mosque. May hawak na truck. Ibinuka niya ang braso. Ibig sabihin. Nagpapabuhat siya.

"Para shaken ba yan ate?" binuhat ko si Mosque. Napairit siya. Mukhang natutuwa.

"Kapag may natira bigyan kita baby ha?" paglalambing ko rito. Ngumiti siya. Nakita ko tuloy ang bungi niyang ngipin. Five years old na pero bulol pa rin siya.

"Baba!" ibinaba ko naman siya. Nagtatalon siya sabay naupo sa tabi ng mga nakaparada niyang laruan. Ipinakita niya iyon. Mukhang nagmamayabang.

Bumukas naman ang pintuan sa likuran ko. Paglingon ko nandoon si Papa, kararating lamang. Kunwaring tumingin ako sa kisame. Sesermunan niya sigurado ako.

"Oh, andyan kana pala. Tara kakain na" inaya kami ni Mama sa kusina. Naiwan ako saka si Papa.

"Milan" napapikit ako. "Kamusta sa school?" napatingin ako kay Papa. Ang buong akala ko ay papagalitan niya ako dahil sa nangyari kaninang umaga. Pero hindi. "Hindi ba matigas ang ulo ng dalaga ko?" ginulo niya ang buhok ko. Napanguso ako.

"Papa naman!" reklamo ko. Napatawa naman si Papa.

"Kapag may kailangan ka magsabi ka ha?" mukhang naalala niya pala. "Hindi ka pagdadamutan ni papa mo" ngumiti ito. Tumango lamang ako.

"Tara na at baka magbunganga na ang Mama mo"

"Aba't pinag-uusapan niyo ako?" sabay kaming napatawa ni Papa.

                             ***

Nakaharap ako sa may study table ko. Nakabukas ang maliit kong lamp shade sa ibabaw ng cabinet. Habang nasa ibabaw ang mga lapis at papel ko. Sinisimulan ko na ngayong mag-sketch ng logo para sa banda nina Ysaac at Inogen.

Gumuhit ako ng bilog tapos ay inilagay ko doon ang bola sa loob. Saka ko nilagyan ng 1995. Tiningnan ko ulit iyon. Lahat ba sila mahilig sa basketball? Napakamot ako sa ulo ko. Si Ysaac lang ata ang mahilig magbasketball. Pinunit ko iyon. Dapat ang maidrawing ko ay connected para sa lahat.

Nakalimang punit na ako. Wala pa rin akong nagagawag matino. Halos lahat parang walang connected sa banda nila. Ibinaba ko muna ang lapis ko. Paubos na kasi ang papel ko. Tatlong piraso na lamang.

Napangalumbaba ako sa may study table ko. Anong iguguhit ko? Ano bang gusto ni Ysaac? Ni Inogen? Ni Forence at ni Yugen?

Mahilig sila sa banda. Napakamot ulit ako sa ulo. Mag-isip ka ng matino, Milan.

Ang banda, hindi mabubuo kung walang gitarista, walang vocalist, walang drumer at magpi-piano. Ibig sabihin. Ang banda, dapat kumpleto.

Napaisip ako. Sumasakit ang brain cells ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Muli kong hinawakan ang lapis at papel ko.

Sinimulan kong i-sketch ang isang electric guitar. Naalala ko iyong hitsura ng kay Inogen. Ang astig noon.  Inalala ko pa ang structure noon. Kulay black and white tapos may brown ng konti ang handle. Napangiti ako nang matapos iyon. Maganda.

Binura ko ang gitnang bahagi ng gitara. Nag-lettering ako sa gitna noon. 1990. Napangiti ako. Angganda! Bagay na bagay sa t-shirt nila.

Wait..

Nilagyan ko ng parang lagayan ng nota ang pinagsulatan ng 1990. Tapos ay kinuha ko ang pambilog ko. Iyong takip ng peanut butter. Binilugan ko iyon.

Pagkatapos ay pinagpagan ko. Napangiti ako ng makita ang kabuuan nito. Angganda!

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon