Chapter 22

3 0 0
                                    

Twenty two,

Nakaupo ako sa harap nang shop ni Papa. Binabasa ko ang mga sulat kamay, na ako mismo ang gumawa. Sulat kamay ng kabataan ko. Limang taon na mahigit. At sa limang taon na iyon, nawalan ako nang gana magturo.

Kaya tumigil ako sa pagtuturo. Dalawang taon akong nasa bahay, ako rin ang bumabantay sa shop. Habang si Mosque. Nasa ika-apat na baitang na.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Uso na pala ngayon ang di-keypad na cellphone. Kung saan, mas madali nang makipagpalitan ng mensahe sa mga nasa malayo. Pwede ring tumawag. May sim card iyon. At kapag may load lamang nakakatext at tawag. Nokia.

[Hello, kayo po ba si Ms. Milan Samora?] narinig ko iyong tanong nang babae sa kabilang linya.

"Hello rin po and good morning, yes ako po si Milan. Sino po kayo?"

[May bagong slot po kami para sa mga bagong guro, baka gusto niyo pong magturo sa kinder?]

Halos walang paglagyan ang saya ko. Sa mga nakalipas na taon. Akala ko buong buhay na akong mananatili sa aming tahanan. Ngunit hindi.

Tinawagan ako mismo nang principal sa school na pinagtuturuan ni Brigette.

"Milan, tumawag si Brigette. Hindi kana ba babalik sa pagtuturo?" narinig ko si Mama habang nakaupo ako sa sala. Napaisip ako. Hindi pa ako sigurado.

"Baka next year na Ma, kapag ready na po talaga ako."

"Sayang din ang natapos mo, pero nasa iyo naman kung anong gusto mong ipagpatuloy"  nginitian niya ang ina bago pumasok sa kwarto.

Napahalumbaba ako sa may bintana. Pinagmasdan ko ang pagbuhos ng ulan. Hindi maingay ang tunog noon. Parang tahimik lamang. Tulad nang isang pusong nagdurusa.

"Kapag may gusto ka. Dapat sigurado ka, mahihirapan ka kasing malaman yung ibang bagay tungkol sa gusto mo kapag hindi ka sigurado. Kapag hindi mo alam kung gusto mo ba siya o ano. Mahirap yon" tumingala siya sa langit.

Tumayo ako at binuksan ang cabinet ko. Kinuha ko doon ang isang kahon. Kung saan nakatago ang lahat nang ala-ala. Ang larawan niya. Ang cassette tape. Ang diary ko.

Naramdaman ko ang pag-init nang magkabilang sulok sa aking mata. Kinuha ko ang headset ko at muling binuhay iyon.

"Ako. Gusto ko maging Engineer sa future." nakatingin pa rin siya sa langit.

"Inogen.."

"Hmmm?"

"Ni minsan ba hindi mo naranasang hindi maging sigurado sa isang bagay?" napatingin siya sa akin.

"Noong bata ako. Hindi ako sigurado. Kung ako ba yung red sa power rangers o yung yellow" natawa kami pareho sa sinabi niya.

"Nakakainis ka, bakit ba kita binabasa?" napatawa ako sa sarili ko. Binuklat ko pa ang diary ko.

Milan, anong gusto mo?"

"Ako? Gusto kong maging guro. Kapag dating ng araw. Gusto kong magturo sa mga bata." narinig kong tumawa siya.

"Anong nakakatawa?"

"Balang araw, magkikita tayo. Isa ka nang ganap na guro at engineer naman ako. Tingnan mo ang dami nang bituin oh," napatingin ako sa langit ng tumuro siya. Sobrang dami na nga nang bituin. Parang mapupuno na ang langit.

"Mahilig ka sa bituin?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa langit.

"Oo, naniniwala ako na..tingnan mo may shooting star oh" napatingin ako sa itinuro niya. Meron nga. "Magwish ka bago mahulog" tiningnan ko siya. Nakangiti siya habang nakatingin sa langit.

"Totoo yon?" tumango siya.

"Bilisan mo, mahuhulog na." tumingin ulit ako sa langit. Malapit na ngang mahulog.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na tubig sa aking pisnge. Pinahid ko iyon. Pero ang salbahe, mas dumami pa.

"Milan?" napahinto ako.

"Ha?"

"Nakikinig kaba?" tumango ako. "Anong masasabi mo?"

"A-h. Ayos yung naiisip mo, maganda.." napatawa siya. Mukhang napansin niyang nagsisinungaling ako.

"Hindi iyon ang sinabi ko" ngumiti siya. Napaiwas ako ng tingin.

"A-h pasensya na" nakurot ko ang daliri ko. Bakit ako nauutal?

"Gusto mo bang marinig ulit ang sinabi ko?"

"Ano ba yung sinabi mo?" Lumakad siya palapit sa akin. Dahilan para lalong magwala ang puso ko.

"Milan, gusto kita."

"Gusto rin kita, Inogen.." natawa ako sa sarili ko. Habang sinasagot ang mga nakasulat sa aking diary. Ang lalaking iyon.

"Huwag mo sana akong layuan. Hayaan mo akong ipakita sayo na, gusto talaga kita. Kahit alam kong wala akong pag-asa."

"Hayaan mong magugustuhan kita kahit sa kaunting panahon. Matulog ka ng mahimbing, Milan." pagkatapos noon ay tumalikod na siya. Nanatili akong nakatayo sa gate.

"I-nogen!" napalingon siya. Lumapit ako sa may pwesto niya. Ayan na naman ang puso ko. Nagwawala na naman. Huminga ako ng malalim.

"Inogen, gusto mo bang lumabas sa Sabado?" Gusto rin kita.

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Napakapit ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagkirot noon. Ang pagkadurog. Dinig na dinig ko rin ang boses niya. Ang boses niya..

"M-ilan, bakit mo binasa? B-at mo pinakinggan, tas iiyak ka? Hangal ka" may nalaglag na papel. Mukhang nakasipit iyon sa diary.

Ano to? Liham?

Dear Ms. White Girl,

Kamusta kana? Alam mo ba na sobra na kitang pinangungulilaan. Isang taon na pala nang umalis ako diyan. Nangungulila ka rin b sa'kin? Ako, lagi. Gusto na kitang masilayan. Iyong ngiti mo. Tawa. Yung pagkulubot ng noo mo tuwing naiinis ka.

Gusto ko nang umuwi. Pero kailangan ko munang manatili dito. Wala pa kasi akong maihaharap sayo. Balak kong ayain ka nang kasal pag-uwi ko. Alam kong masyadong mabilis, pero handa na naman ako. Kung babastedin mo ako. Ayos lang liligawan ulit kita.

Kapag uwi ko. Pangako. Hindi na ako aalis. Handa na akong umuwi sa bawat araw.

Kapag engineer na ako, babalikan na kita. Uuwi na ako. Hintayin mo ako Milan. Mahal na mahal kita.

Nagmamahal,
In0g3n (i10v3 y0u)

Yung liham na pinadala mo may ganiyang letter. :>

"Miss na miss na kita Inogen!" napahawak ako sa dibdib ko. Akala ko kapag itinago ko na lahat ng bagay na maaaring magpaalala sa kaniya makakalimutan ko na siya. Pero hindi pala. Dahil kapag narinig ko na. Ang boses niya. Bumabalik na naman ang lahat sa dati.

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon