Chapter 21

6 0 0
                                    

Twenty

Isang linggo. Isang linggo na simula ng umalis ang binata. Walang araw na hindi lumuluha si Milan sa kaniyang kwarto. Sobrang sakit ng kaniyang puso. Pakiramdam niya hindi na niya ulit masisilayan ang mukha ng binata. Kung paano siya nito kulitin at asarin.

Naupo siya sa kaniyang kama. Tiningnan niya ulit ang kaniyang pager. Isang linggo na niyang hinihintay na baka magpadala ng mensahe ang binata. Pero wala.

Ibababa na sana niya iyon. Nang biglang tumunog ang pager.

"Kamusta kana? Miss na kita"

Napahagulhol siya habang binabasa iyon. Mabilis siyang nagpadala ng mensahe sa binata. Nalaman niyang kailangan palang mangibang bansa ng binata dahil pag-aaralin ito ng kaniyang tiyahin. Nangako din itong babalikan siya ng binata. Kapag mayroon na itong maihaharap sa pamilya niya.

"Milan, tara mag-snacku." Kalalabas lamang nila ng kaniyang kaibigan. Si Brigette. Unang taon na nila ngayon sa kolehiyo. Teacher ang kinukuha nila.

"Sige" inakbayan siya ng kaibigan papasok sa grocery store. Narinig niya ang pagtunog ng kaniyang pager. Napangiti siya habang binabasa iyon. Araw-araw pinadadalhan siya nang mga mensahe.

Dalawang taon pa ang lumipas. Isang taon na lamang at magtatapos na sina Milan. Nabalitaan niya rin na Engineering ang kinukuha ni Inogen. Madalas niya itong kausap tuwing gabi. Kung minsan naman ay tinatawagan siya ng binata. Mahal ang bayad doon kaya minsan lamang mangyari iyon.

Pasko. Malamig ang simoy ng hangin. Nakaupo siya sa may harap ng bintana. Binuklat niya ang makapal at magalbok na lamang notebook. Ito ang nagsilbing diary niya. Ang diary na ibibigay niya kay Inogen. Sa oras na makabalik na ito sa Pilipinas. Napatayo siya ng tumunog ang telepono.

"Hello?" dinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib.

[Maligayang Pasko, Milan] napangiti siya habang pinapakinggan ang boses ng binata. Ang boses na iyon.

"Maligayang pasko.." napangiti siya sa kawalan. Pakiramdam niya kasama na niya ang binata. Kahit pa malayo ito. Basta marinig niya ang boses. Nararamdaman na niya ang presensiya ng binata.

[Anong oras na diyan?] Tiningnan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding.

"1:00 AM" narinig niyang may binubuklat ito.

[Dito, noche buena palang. 11:33 palang ng gabi]

"Maganda ba diyan?" pakiramdam niya tumatango ito kahit pa hindi niya nakikita.

[Oo. Mas maganda kung kasama kita] napahigpit ang hawak niya sa telepono.

[Milan, hintayin mo ako ha?] Tumango-tango siya. Kahit ilang dekada man. Maghihintay siya.

"Hihintayin kita.."
Handa siyang maghintay. Handa niyang hintayin ang bawat taon, o dekada man. Basta bumalik ang binata.

Araw ng pagtatapos nila. Masaya ang mga magulang ni Milan. Dahil sa wakas nakatapos na ang panganay nilang dalaga. Magkasabay silang lumabas ng kaibigan niya. Si Brigette. May suot pa rin itong toga sa ulo.

"Picturan ko kayong dalawa!" masayang sabi ng kaniyang Mama. Tumayo sila sa dulo ng hagdan at magkaakbay na nagpakuha ng litrato. Nagpakuha din siya ng solo para ipadala kay Inogen.

Inilagay niya sa loob ng sobre ang larawan at ilang mga liham para sa binata. Nakaipon na siya. Maipapadala na niya ang sulat para dito.

"Ate, tumunog iyong pager mo" narinig niya si Mosque. Sampong taon na ito ngayon. Nakakapasok na rin sa school.

Parang nabasag ang puso niya ng mabasa ang mensahe na iyon.

Wag mo na akong hintayin hindi na ako babalik.

Gabi-gabi nasasaktan siya. Lumuluha. Habang pinapakinggan ang cassette tape ni Inogen. Habang inaalala ang bawat kabataan na nagdaan. Kung saan minsang naging bahagi ng kaniyang buhay ang binata. Hindi niya naramdaman ang pagiging guro. Pati na rin ang pagdaan pa ng dalawang taon.

"Hindi na kita hihintayin! Akala mo hindi ko kaya! Kaya ko! Kaya ko!" sigaw niya sa telepono kahit wala namang tao sa kabilang linya. Napahawak siya sa dibdib. Ang sakit sakit. Akala niya. Wala ng mas sasakit pa simula ng umalis ang binata. Pero heto ngayon. Nasasaktan na naman ang puso niya.

Kakalimutan na niya ang binata.

Kinalimutan na rin naman siya nito.   Mukhang malabo na niyang masilayan ang magagandang ngiti nito. Marinig ang boses nito. Ang palaging pangungulit nito. Malabo na. Kasing-labo ng kaniyang paningin na puno ng luha.

"Miss na miss na kita!" anong sabi ng kaniyang puso? Kakalimutan na. Pero heto ngayon. Wala pang isang linggo. Nakaharap na naman siya sa telepono. Umaasang maririnig muli ang boses ng binata.

"Inogen! Hihintayin kita! Bumalik kana!" sa pagbuhos ng luha. Nagpatakan rin ang ulan na kanina pang gustong bumigay. Ramdam niya ang pakikiramay nito sa kaniyang pagdadalamhati.

Unti-unti nagbalik sa kaniyang ala-ala ang mukha ng binata. Kung paano siya nito kulitin. Mahal na mahal niya ang binata.

Itinabi na niya sa isang kahon ang cassette tape na iyon. Sa isang lugar na malayo na niyang matandaan.

Gusto na niyang makalimot.

Ayaw na niyang umasa. Hindi na niya hihintayin ang binata. Pero kapag naririnig at nagugunita niya ang pangungulit. Pagtawa. Nanunumbalik ang pag-asa. Pag-asang may babalik pa. Pero wala na. Mukhang maghihintay lamang siya na bumaba ang buwan para magkatotoo iyon. Napakalabo.

Kinuha niya ang kaniyang diary at nagsulat.

Dear Mr. Cassette tape,

Kung sakali man na pagtagpuin ulit tayong dalawa. Pipiliin ko na hindi ialis ang tingin sayong mata. Hahayaan ko nang tumibok ang puso ko, nang walang pagpipigil. Iyong malaya, tulad nang ibon sa kalangitan.

Kung papipilian ako nang musika. Sapat na sa'kin ang boses mo. Ang boses mo na sa puso'y nagpapakalma. Ang boses mo na hindi nakakasawang pakinggan. Ang boses na naging dahilan, nitong nararamdaman.

At kahit wala nang paglagyan ang mga larawang nakakapit sa pader. Handa ako tanggalin ang mga iyon at ipalit ang iyong larawan. Mas gugustuhin kong pagmasdan ang mga ngiti mo na nakakasabik na muling masilayan.

Inogen, mahal kita. Maghihintay ako. At kung hindi kana babalik, mananatili ka sa puso ko. Hindi na ako iibig pang muli, hihintayin ko na lamang ang ikalawang pagkakataon. Kung saan, ikaw at ako ay pwede nang muli.

—Millan Samora 21 years old

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon