Chapter 19

5 0 0
                                    

Nineteen

Kapag gusto mo ang isang bagay, paghihirapan mo talaga. Pero minsan, kahit anong gusto natin sa isang bagay. Minsan hindi talaga pwede. Dahil paano kung makuha mo nga ang bagay na iyon, pero may masasaktan naman. Mas mabuti ng sa iba mapapunta ang bagay na iyon. Kaysa sa sarili mo. Dahil sa huli, baka mahirapan ka lamang.

Mahirapang pumili at magdesisyon.

"Brigette," hinawakan ko ang braso ni Brigette. Kadarating niya lamang. Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam pero parang may iba sa titig niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Yung boses niya nag-iba.

"Mag-usap tayo," hinatak ko siya. Hanggang sa makarating kami sa may locker. Nang makarating doon ay tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Bakit sinabi mo kay Inogen, na ibinigay ko sayo yan?" itinuro ko ang bracelet na suot niya.

"Dahil dito, Milan?" Hinubad niya iyon. "Nagkakaganiyan ka?" inihagis niya iyon sa mukha ko.

"Brigette hindi sa ganon.." mapakla siyang tumawa.

"Ikaw wala ka man lang bang gustong sabihin sa'kin?" malamig na tanong niya.

"Brigette, mag-usap tayo kapag mahinahon kana.." tinalikuran ko siya.

"Milan, pinagmukha mo akong tanga!" napatigil ako ng bigla siyang sumigaw. Humarap ulit ako sa kaniya. Yung kaninang hitsura niya na matapang, ngayon umiiyak na. Nilapitan ko siya.

"Brigette, anong sinasabi mo?" sinubukan ko siyang hawakan. Pero umaatras siya.

"Milan..bakit nagmamaang-maangan kapa?" umiling ako. "Alam mo na may gusto palang iba si Inogen! Tinanong kita ang sabi mo wala! Pero sa kaniya ko mismo nalaman na gusto ka niya!"

"Brigette.."

"Alam mo namang gusto ko siya diba?" nanginig ang kabi niya. "P-ero mas mahalaga ka sa'kin...mas maiin-tindihan ko..kung sinabi mo sa'kin.." hinawakan niya ang kamay ko.

"M-ilan, magkaibigan tayo diba?" tumango ako. "Pero bakit? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Hindi naman ako magagalit eh..."

"Brigette..."

"P-ara akong tanga kahapon. Ang tanga tanga ko" pinunasan niya ang pisnge. Tiningnan niya ako. "Huwag mo na akong kakausapin.." tumalikod siya bago tumakbo.

Tulala ako habang tinatanaw ang kaniyang paglayo. Ang limang taong pagkakaibigan. Ang mga ala-alang binuo naming dalawa.

Napatakip ako ng bibig. Isang linggo. Isang linggo na. Simula ng talikuran niya ako at iwanan.

Tumayo ako sa pagkakahiga at binuklat ang aking drawer. Tiningnan ko doon ang mga larawan naming dalawa. Ang mga larawan na puno ng ala-ala.

"Milan, pumasok kana. Tumawag na ang teacher mo," narinig ko ang pagkatok ni Mama sa may pintuan. Isang linggo na rin pala akong hindi pumapasok. "Ma-dadrop out kana Milan!" binuksan ko ang bintana. Umaga na pala.

"Pumasok kana Milan! Isang linggo ka ng ganiyan.." napatingin ako sa salamin na nasa tabi ng aking kama. Binuksan ko ang cabinet ko at tiningnan doon ang aking uniforme.

                              ***

Tahimik kong nilalakad ang kahabaan ng hallway. Para akong lantang gulay na nakikisabay lamang sa mga lumalakad na estudyante. Inayos ko ang suot kong unifrome. Pagpasok ko sa room. Bumungad doon ang mga kaklase kong nagdadaldalan. Natahimik sila ng dumating ako.

"Mabuti naman pumasok na siya.." narinig ko ang ilan.

"Namayat siya.." narinig ko pang sabi ng ilan. Tiningnan ko ang upuan kung saan nakaupo si Brigette. Bakante rin iyon. Tumayo ulit ako bago lumabas. Hindi sinasadyang may nabunggo ako.

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon