Special Chapter

4 0 0
                                    

March, 23, 1997

Mainit ang sikat ng araw. Mag-isang nakaupo si Milan sa pahabang upuan na gawa sa bakal. Katabi nang mahabang upuan ang isang maliit na basurahan sa gilid. Hawak niya sa akin kaliwang kamay ang isang bagay na nakalagay sa kahon. Ang cassette tape. May pangalan iyon. Mr. Cassette tape.

Napangiti siya. Dalawang taon na. Dalawang taon na mula ng umalis ang binata. Pero ang ala-alang iniwan nito sa kaniya. Sobrang sariwa pa.

"Milan!" hinanap niya ang boses na tumawag sa kaniyang pangalan. Paglingon niya, nakita niya ang isang binata. Tumatakbo ito sa kahabaan ng daan. Si Ysaac.

"Bakit ka tumatakbo?" tanong niya nang makahinto ito sa unahan. Nag-sign language pa ito ng 'wait'. Bago hinabol ang hininga.

"Milan, may ibibigay ako sayo.." may kinalkal ito sa gamit niya. Iniabot nito ang isang puting box sa dalaga.

"Ano ito?" tanong ni Milan habang pinagmamasdan ang isang simpleng white box na ngayon ay hawak na niya.

"Pinabibigay yan ni Inogen, pinadala niya kahapon" napatitig ako doon. "Hindi ko nakita ang laman niyan" tumango-tango siya. "Ang sabi ikaw daw ang dapat magbukas niyan.."

"S-alamat.." tinanguan siya ng binata.

"Uuna na ako, susunduin ko si Brigette!"

Sa dalawang taon na lumipas. Nagkamabutihan ang kaibigan niya at ang kaibigan ni Inogen. Hindi naman malaking kaso iyon sa kaniya. Wala naman siyang nararamdaman sa binata.

Binuksan niya ang white na box. Bumungad doon ang isang maliit na cassette tape. Kinuha niya ang headset sa bulsa nang pantalon at isinuot sa tenga.

Nagsimula sa simpleng tunog ng umiisod na upuan. "Milan.." napangiti siya. Ang ganda talaga ng boses ni Inogen.

"Ino, pahiram ng notes mo.." si Ysaac iyon. Nasa tabi nang pintuan. Habang sinisilip ang ginagawa nang kaibigan.

"Mamaya na may ginagawa ako," bakas sa boses nito ang pagkainis.

"Ngayon na, magsusulat pa ak—inihagis ni Inogen ang notebook sa mukha nang kaibigan. Bago isinarado ang pintuan. "Hoy! Ino!" kumatok ito. "Hoy! Kaasar, dibale salamat sa notes mo" napapikit si Inogen.

Humarap na ulit siya sa cassette tape. "Milan, kakantahan ulit kita. Gusto ko bago na, pinagkamalan mo kasing si Ysaac yung..hmm" nagsimula nitong patugtugin ang electric guitar niya.

You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul, you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side, I'm in ecstasy

Narinig niya ang pagkatok sa pintuan. Hindi niya iyon pinansin.

I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
Now that you came into my life, I feel complete
The flowers bloom, my morning shines, and I can see

Your love is lik—"Ino! Anong letter ito!" napapikit siya sa sobrang inis. Naputol na ang pagkanta niya. Inis na inis niyang inilapag ang gitara sa ibabaw ng kama.

Pagbukas ng pinto, bumungad doon ang kaibigan niya na panay ang tanong sa sulat niyang hindi maintindihan.

"Ino, ang pangit mo magsulat, ano ba ito?"

"Bat ganiyan ang mukh.."napatingin ito sa gitara na nasa ibabaw ng kama. Napakamot siya sa ulo sabay ngiti.

"Hehe"

"Ysaacccc!!!halos mayanig ang buong kabahayan sa sigaw ni Inogen. Dinig na dinig rin ang pagtakbo na narecord sa cassette tape.

Tawang-tawa si Milan, habang pinapakinggan ang cassette tape. Mukhang hindi napansin ng binata na narecord pala iyon.

"Uulitin ko nalang, kainis si Ysaac" iniimagine niya ngayon kung ano bang hitsura nang binata. Mukhang salubong na ang dalawa nitong makakapal na kilay.

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon