Chapter 16

4 0 0
                                    

Sixteen,

Nakaupo ako sa may bench. Dito sa labas ng gate. Nag-uwian na ang mga kaklase ko. Ganoon rin si Brigette. Sinundo siya ng Tiyahin niya. Mag-isa nalang tuloy akong nakatunganga doon.

Iyong picture kasi na hiniram ko. Hindi ko pa naibabalik kay Inogen. Siguradong hinihintay niya lamang na ibalik ko yon. Ilang araw ko siyang nakakasalubong at nakikita. Ngayon ko pa talaga naalala.

"Milan?" napatingin ako nang marinig ang pamilyar na boses niya. Nakasuot pa rin siya ng polo at itim na pantalon. Bitbit niya rin ang electric guitar sa kabilang braso.

Kailangan mong maging madaldal para hindi mo siya magustuhan ng sobra.

"Hindi kapa ba uuwi?" tumayo ako at pinagpagan ang palda ko.

"Ngayon ko lang naalalang ibalik" iniabot ko iyong picture sa kaniya. Tiningnan niya lamang iyon. "Hindi ko yan piningkot ha" natawa siya sa sinabi ko.

"Itago mo nalang" nagsalubong ang kilay ko.

"Hindi mo na kukunin?" umiling ito. "Sabagay. Kapag sumikat kayo, makikipagsiksikan pa ako para bumili ng picture niyo." ibinulsa ko iyon sa palda ko. "Ako ang unang nagkaroon ng album niyo"

"Uuwi kana ba?" isinuksok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon

"Oo, hinintay lang talaga kita para ibalik ang picture kaso hindi mo tinanggap." tumango-tango ito.

"Gusto mo bang mag-ice cream?" napaiwas ako ng tingin. Kung papayag ako may potential na mas mahulog ako sa kaniya. Kung hindi naman, tiningnan ko siya. Gusto ka ng kaibigan ko. "Nasaan pala yung bracelet na binigay ko?" naitago ko ang braso ko sa likod ng bag ko. Ano bang idadahilan ko?

"Gusto ko ng ice cream!" ngiti ko.

                             ***

Magkatabi kaming nakaupo sa may park. Ibinili niya ako ng isang ice cream. Yung nasa pop-sickle stick. Chocolate ang flavor noon. Sobrang sarap ng ice cream. Lalo na kapag libre.

"Pansin ko mahilig ka magbasa ng pocket books" napalingon ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita. Tumango lamang ako. Kapag nagsalita pa ako, baka mas magustuhan ko pa siya.

"Naiilang kaba sa'kin?" umiling ako. Natatakot akong mahulog sayo. "Puro tango at iling kalang kasi kanina pa" napakamot siya sa ulo. Parang nakosensiya naman ako.

"Pasensya na.." napatungo ako. Pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Mas lalo akong nahuhulog. Ayokong masaktan si Brigette. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

"Inogen..."

"Hmm?"

"Bakit ngayon lang kita nakita? Ibig kong sabihin, hindi kaba taga-rito?" tumingala ako at sumandal sa pagkakaupo. Kita ko naman sa peripheral vision ko na ginaya niya ang pwesto ko. Nakatingin din siya sa langit.

"Oo." narinig kong huminga siya. "Sa Quezon ako nag-aaral dati."

"Maganda ba sa Quezon?" nakita kong tumango siya. " Sa Atimonan kaba? Gusto ko kasing makarating doon" naramdaman kong nakatingin na siya ngayon sa akin.

"Kapag hindi ako sa Atimonan, gusto mo pa rin bang makarating sa Quezon?"

"Oo naman," nakita kong ngumiti siya. Lintek na peripheral vision to' ms malinaw pa.

"Sa Atimonan ako" nilingon ko siya.

"Baliw ka" natatawa ito habang umiling-iling.

"Bat ka pala lumipat dito?" nakaharap na kami pareho habang nakasandal ang likod sa upuan.

"Dito na ako pinag-aral ni Papa mula ng magpunta sila sa Canada."

"Hindi ka sinama?"

"Sinama."

"Eh bakit hindi ka sumama?"

"May hinanap ako.." mukhang iyong cassette tape. Baka. "Pansin ko pala, noong unang pasukan lagi kang nakatingin kay Ysaac."

"Gusto mo ba siya?"

"Hindi. Akala ko lang siya iyong may-ari noong bagay n—

"Inogen!" Pareho kaming napabangon. Si Ysaac. Nakamotor.

"Bakit magkasama kayo?" tanong nito sabay hubad ng helmet.

Pinagpagan ko ang damit ko. Mag-gagabi na pala. Baka hinahanap na ako ni Mama.

"Ihahatid k—pinigilan ko si Inogen.

"Susunduin daw ako ni Papa," dahilan ko kahit hindi naman. "Uuna na ako" naglakad na ako palayo sa kanila.

"Milan!" napahinto ako ng tumawag siya. Si Inogen. Humarap ako ng kaunti. "Tuloy pa rin naman tayo sa Sabado diba?" nakangiti siya.

"O-o.." sagot ko. Kahit pa ang totoo. Hindi ako sigurado.

 
                           ***

Pagbukas ko ng pintuan. Bumungad iyong kapatid ko. May hawak siyang isang baso ng gatas. Nakasuot na rin siya ng pantulog. Mukhang matutulog na.

"Pengeng gatas bebe," umiling ito bago ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Mama! Ate!" sumigaw ito bago nagtatakbo papunta sa loob. Mukhang nagpapahabol.

Pumasok ako sa loob at hinubad ang sapatos ko. Dinig na dinig ko naman ang tunog ng TV namin sa sala. Mukhang nanonood si Papa. Binuksan ko ang pintuan sa kwarto. Tamad na tamad kong inihagis ang bag ko sa ibabaw ng kama. Pinindot ko ang switch ng lamp shade ko sa ibabaw ng cabinet. Tumambad doon ang mga pocket books na nakatali. Mukhang hindi pa nabubuklat. Napatakbo ako papunta sa may sala.

"Papa! Saan galing ang pocket books ko?"

"Ipinadala ng kaibigan mo, hinanap ka nga kanina." nasa TV ang atensyon nito.

"Nagpunta siya?" tumango ito. "Ano pong sinabi?"

"Marami daw padalang pocket books ang Mama niya." Grabe. Mahal na mahal talaga ako ni Brigette.

"Yun lang po?"

"Nanonood ako Milan," reklamo nito. Napatawa naman ako bago bumalik sa kwarto ko.

Kinalas ko ang tali na nakaikot sa mga libro. Mga limang libro iyon. Makakapal lahat. Sinimulan kong buklatin isa-isa. Napatigil ako ng may makita akong notes na nahulog.

"Ano to?" nilimot ko iyon bago binuklat.

From: Jet

u love books, love u too:)

To: mimi

Napatawa ako. Kahit kailan talaga si Brigette. Mimi, palayaw ko iyon. Yung Jet naman  sa kaniya.

Narinig ko ang pagtunog ng pager ko. Binuksan ko iyon.

Gumala tayo bukas—Brigette

——————————————————

Dear Mr. Cassette tape,

Gusto kong tumuloy sa Sabado. Pero hindi talaga pwede. Sana maintindihan mo ako. Mahal ko ang kaibigan ko.


    { Milan

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon